Part 1

50 0 0
                                    

Mi Ultimo Adios

By: John Carlo B. Castro

Maaaring bukas ako ay mamaalam na, nais kong pasalamatan kayo dahil naging parte kayo ng makabuluhan kong paglalakbay sa mundong puno ng masasayang ala-ala na mayroon ding mapait na ala-ala. Bago ako lumisan, nais kong pasalamatan ang aking Ama at Ina na nagpalaki ,nag-aruga at nagtaguyod sa aking pag-aaral kahit na mahirap ang buhay. Sa aking Ama at Ina, kayo ay naghanap-buhay upang ako ay mabigyan ng magandang kinabukasan upang sa gayon sa inyong pagtanda, ako naman ang mag-aruga at magsilbi sa inyo, hindi man tayo perpektong pamilya, pinipilit pa rin natin na tayo ay manatiling sama-sama at kumpleto sa iisang bahay. Sa aking mga kapatid, sa paglisan ko sa mundong ito, kayo ay manatiling mabubuting mga anak sa ating mga magulang at magmahalan, kayo ay magkakadugo, walang sino man ang pwedeng magtanggol sa inyo kundi kayo kayo lang din na magkakadugo, ipangako niyo saakin na kayo ay magmamahalan at magtutulungan kahit na anong mangyari at alagaan ang ating magulang, huwag silang pababayaan kung sila'y nangangailangan ng tulong mula sa mga anak. Para kay Cedrick at Seann, ang aking dalawang pinakamatalik na kaibigan at kapatid, hindi man tunay na magkakadugo ngunit magkadugo dahil kay Kristo, nais kong magpasalamat dahil hinayaan niyo akong maging matalik niyong kaibigan kahit na malayo man ang ating edad, personalidad at kagustuhan sa buhay para sa isa't-isa, hindi iyon naging hadlang para sa inyo na tanggapin ako bilang kaibigan at kapatid niyo. Masaya ako na kahit ako ay lilisan na dito sa mundo, alam kong mayroon pa rin kayong iba makakasama na maaaring pumalit sa pwesto ko sa pagkakaibigan nating tatlo. Hindi ko na makakasama ang matalik kong mga kaibigan na nagbago ng pananaw ko sa mundo na hindi dapat ako maging mapag-isa o malungkot dahil may mga tao pa ring gusto ako makasama at makilala pa ng lubusan, kapag ako ay lumisan na sa mundong ito nawa'y hindi niyo ako makalimutan at kung sakaling mabasa niyo ito, marahil ako ay wala na sa mundong ibabaw na ito. Paalam sa inyo, Cedrick at Seann, ang mga matalik kong kaibigan. Sa ICSC na organisasyon na aking sinalihan sa aming parokya, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang naglabas ng aking talento sa pagkanta at laging nagpaalala na may kakayahan ako kumanta, sa tagal ng panahong ako ay naging miyembro ng organisasyon na ito, hindi sumagi sa aking isipan na umalis dahil lamang napapagod na maglingkod sa Panginoon sa paraan ng pagkanta na naging daan din upang ako ay makabuo ng mga panibagong pamilya. Maraming salamat sa inyo Ama , Ina, Kapatid at Matalik na Kaibigan, ito na ang aking Huling Pamamaalam. Mi Ultimo Adios, Mi Amigo y Mi Familia.

-Carlo Castro

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi Ultimo AdiosWhere stories live. Discover now