Chapter 1

34 3 0
                                    

Avi's P.O.V (Avi/Aviana)

"Hi miss Avi!"

"Hi Ate Avi!"

"Good Morning Ate Avi!"

"Na miss kita Ate Avi!"

"Good morning and i miss you din sainyo".Yan nalang ang nasabi ko sa mga bumabati saakin

Halos lahat kasi ng mga nakakasalubong ko sa hallway ng school kahit kanina sa gate palang ay ganyan na sinasabi at sinusuklian ko nalang din sila ng ngiti.

At Hello po Ako si Aviana Grace Briones ang President ng SSG officers at Campus princess....sabi nila dahil maganda daw ako at ako ang prinsesa nila.... Pero para sakin lahat naman ng tao ay maganda wala namang ginawa si Lord na pangit eh.... Isa po akong half american at half filipina ang mommy ko ang filipina at ang daddy ko naman ang american at ako rin ang Top 1 sa Star section ng batch namin.

Habang naglalakad ako papunta sa office ng SSG officers (Supreme Student Government) and yes meron kaming sariling office para dun nalang kami magkita kita kung merong mga meeting ang mga officers. At dahil First day ng school ngayon at may mga transferee ay maaga ko silang pinapasok para matulungan namin ang mga transferee kung saan sila naka assign na room or kung saan ang ibang mga facilities dito sa school dahil alam ko marami sa mga transfer students ang nahihiyang mag tanong dahil mga bago palang sila.

Hanggang sa makarating nako sa harap ng pinto ng office ay pinihit ko na ang door knob at pag pasok ko sa loob ng office ay hindi nako nagulat sa tumambad sakin.

Ang mga tinitingalang at mga kinakatakutan leader ng gangs sa school ay nakaupo sa sofa at hindi lang mga nakaupo para si lang nakakaawang bata na nagsisiksikan sa sofa eh alam naman nilang hindi sila magkakasya dahil sa laki ng mga katawan nila

"Good Morning!! Oh himala mas maaga kayo sakin ngayon.. Change is coming na nga ba talaga". Pang aasar ko sakanila

"Eh siyempre naman Avi baka mamaya kasi pag nalate nanaman kami di mo nanaman kami papapasukin sa canteen.... Ayoko nang magutom". busangot na sagot sakin ni Gab (Darius Gabriel) ang pinaka matakaw sa magkakaibigan pero wag nyo muna sya i judge kahit matakaw yan meron parin syang abs at habulin ng chicks... Infact lahat naman sila may abs at habulin ng chicks dahil pare parehas silang gwapo.

At Oo nga pala hindi ko pa sila napapakilala....

Simulan natin sa pinakamatanda siya si Joziah Leighton Alvarez ang pinaka seryoso at mukhang suplado sa magkakaibigan pero sa totoo lang hindi talaga siya suplado hindi nya lang talaga pinapansin ang mga hindi niya ka close pero pag ka close mo siya napaka sweet niya at siya din ang Vice President sa SSG officers.

At ang susunod naman ay si Vaughn Elian Xaczon siya naman ang pinaka mahilig sa music at musical instruments sa magbabarkada actually meron nga silang banda eh ang A.X.E.Lviana Band dinugtong pa nila yung pangalan ko kasi ako daw ang muse nila...haish!!.. Palagi nalang nila ako binobola..... Pero lahat naman sila magaling kumanta at gumamit ng musical instruments mas mahilig lang talaga si Vaughn pag about sa music kaya siya ang leader ng banda nila at siya din ang pangalawa sa pinaka matanda.

At ang sunod naman ang pinakamahilig matulog...

(Avi:katulad ni author!!)

Si Ace Xavier Liamente pero kapag gising naman siya ay napakagaling niyang gumamit ng computer kaya niyang mang hack ng kahit kaninong accounts kahit na sa gobyerno at magaling din siyang humawak ng armas kaya nga sabi ng mga kaibigan niya bagay lang daw sa kanya ang pangalan niyang Ace dahil siya daw ang Alas ng gang nila.

At ang pinakahuli....

Ang aking baby Gab si Darius Gabriel Espana ang pinaka close ko sa kanilang apat dahil parehas kaming mahilig kumain at siyarin ang pinaka bibo, madaldal,maingay,matakaw, at pinaka childish pero okay lang din kasi siya din naman ang pinaka bata sa kanilang apat at sabi pa nga nya ako daw ang mommy nya kasi ako ang palaging nagtatanggol sa kanya kapag pinapagalitan siya nila leigh at Vaughn kasi hindi naman siya pinapansin ni Ace kasi palagi namang naka headphones ang taong yun kaya hindi niya naririnig ang kadaldalan ni Gab at ang isa pang kinakagalit nila kay Gab ay ang pag ubos nito ng pagkain sa Ref dito sa office.... Hindi nila alam isa din ako sa umuubos sa pagkain whahahahaha!!.

"Oh bilisan niyo na umayos na kayo parating na yung ibang mga estudyante at mga transfer student.... Lumabas na kayo dun hindi yung mga nakahilata lang kayo dyan at marami pa tayong gagawin at Leigh and Vaughn kayo ang incharge mamaya sa Flag Ceremony". Sabi ko sakanila

" K ". bored na sagot ng dalawa

"Ano ba naman yan guys cheer up!! First day ng school ngayon wag kayong sumimangot, smile naman kayo para dagdag good vibes". Sabi ko at nginitian ko silang apat

"Tama si mommy Avi, tara na guys kaylangan tayo ng ibang estudyante at malay niyo maraming magagandang transferee naku jackpot tayo!!. Dagdag naman ni Gab..... Naku ang batang yan talaga napaka chickboy.... Pero mabait naman siya

"At kapag hindi pa kayo bumaba duon sa ground hindi talaga ako pupunta sa laro niyo ng basketball at hindi ko narin kayo lulutuan ng favorite niyong food". Pananakot ko sakanila

At pagkatapos kong sabihin yun ay nakita ko nalang na halos magkandarapa sila sa pagtakbo palabas ng office.

Hay naku ang mga hinahangaan ng mga estudyante ng A.X.E.L University at iba pang tao na nakakakilala sa apat na mokong na yun ang akala nila ay mga perpekto sila dahil sa angking kagwapohan, katalinuhan at kakisigan pero mali sila dahil agad ko itong napapasunod gamit ang kanilang kahinaan lalo na ang kahinaan ni Gab. Ang...........













Pagkain.......

-Ending


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Two World PrincessWhere stories live. Discover now