Iba Pang Tauhan

10.6K 6 0
                                    

Ginoong Pasta

✏ Naging alila ng mga prayle bago naging pinakatanyag na abogadong Pilipino

✏ Dating kaklase ni Padre Florentino

✏ Mapanuri at namimili sa kanyang kausap

✏ Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan

Pepay

✏ Isang kaakit-akit na manayaw

✏ Maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina

✏ Mahilig humingi ng pabor kay Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog

✏ Kaibigan ni Juanito Pelaez

Sinang

✏ Matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere

✏ Nakapag-asawa na siya

✏ Mabiro at masayahin pa rin

✏ Anak ng mayamang sina Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika

✏ Mahilig sa antigo, mamahalin at magagandang alahas

Kabesang Andang

✏ Butihing ina ni Placido Penitente

✏ Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak

✏ Nahigpit siya ng sinturon sa sarili mabigyan lang ng edukasyon ang anak

✏ Larawan siya ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng anak

Quiroga

✏ Mayamang mangangalakal na Intsik

✏ Kontrolado niya ang takbo ng kalakalan

✏ Iniaangkop ang ugali depende sa kaharap

✏ Isinusulong ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa

Mr. Leeds

✏ Mahusay sa mahika

✏ Napaniwala niya ang manonood

✏ Nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas

Kapitan ng Barko

✏ Beteranong marinero

✏ Malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panig ng mundo

✏ Lulan ng matutulin at malalaking barko noong kabataan

Sinong

✏ Kutserong dalawang ulit na nahuli sa guardiya sibil dahil walang sedula at walang ilaw ang kalesa

✏ Kutsero siya ni Simoun sa huli at naging kasapi sa lihim niyang kilusan

Camaroncodio

✏ Tanging nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na opereta mula sa Pransiya

✏ Dating mamahayag at anak ng kilalang pamilyang Espanyo pero sa kadahilanang hindi nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita at namamalimos

Tiyo Kiko

✏ Matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata

✏ Nabubuhay sa pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo

✏ Kaibigan ni Camaroncocido

✏ Mahirap na Indio

Mga Tauhan sa El Filibusterismoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें