CHAOS 20

315 8 0
                                    

CHAPTER 20

ALTHEA’S POV

“ Ano ba? Huwag mong itambak lahat ng dresses dito. Dalawa lang ang kailangan ko!” tumingin ako sa lahat ng binigay ng saleslady na dresses sa akin. Si Travis ang pumili at nagpadala ng lahat ng ito sa fitting room.

“The more the merrier.” Sumabat pa ang loko.

Natapos lang kaming kumain ng lunch ay agad na kaming dumeretso sa department store ng mall.

“Travis, as what I said, I only need two dresses. So please, stop giving me all of these.” I yelled again at him. I think I decided what to buy. Lumabas ako sa fitting room bitbit ang dalawang dresses. I apologized sa saleslady na nakabantay sa akin, ang dami kasi nitong liligpitin. Blame the pervert Smith!

“Travis let’s go, I’m done” nasan na kaya yun? Nahagip ng mata ko ang loko na nakikipaglandian sa isang saleslady. Hinayaan ko lang siya at dumeretso na ako sa cashier. Natapos ko na ang pagbabayad ng pinamili ko pero hindi pa rin tapos mag-usap ang dalawa. I think I am going home.

“Baby wait! Bakit hindi mo naman ako inantay?” may isang brasong umakbay sa balikat ko. Nakita ko sa harap ko yung saleslady kanina. Naka-pout itong tumingin sa aming dalawa ni Travis.

“Let’s go baby. ” walang sabi sabing hinatak ako ni Travis palabas ng department store.

“What was that scene?” tinaasan ko ng kilay ang katabi ko.

“Sorry, ayaw kasi akong tantanan nung babae. Tapos iniwan mo pa ako” maktol niya.

“Hand me those shopping bags” turo niya sa mga pinamili ko.

“No, I can manage” tanggi ko sa kanya.

“Sabing akin na eh!” inagaw na agad sa akin ang mga pinamili ko at nauna ng maglakad.

“San na tayo ngayon?” tanong ko ng makahabol ako sa kanya.

“Ice cream” tipid niyang sagot.

“Okay libre mo ako, tutal naman pinagpanggap mo akong girlfriend mo kanina” isang “tsk” lang ang sagot niya.

Tinginan lahat ng babae sa ice cream parlor na pinuntahan namin ni Travis. Agaw pansin ang kagwapuhan nito. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagsimangot nito ay nagawa pa rin niyang i-maintain ang pagiging pogi niya.

“Look for a table, order na ako ng ice cream natin. What do you want?”

“Strawberry topped with chocolate syrup ang almond kisses” tumango lang siya at dumeretso na agad sa counter.

Nakabalik na ito mula sa counter pero lukot pa rin ang mukha.

“Anong problema mo? Kanina pa nakasimangot ang mukha mo?” tanong ko dito habang nag-aantay ng order naming ice cream.

“Nakakainis ang mga tao dito sa mall.”Maktol nitong sumbong sabay pout. Napangiti ako doon.

“Ha? Bakit naman? Dapat nga masaya ka kasi lahat ng babae dito sa shop napapatingin sa iyo”

“Anong sa akin? Sa iyo nakatingin yung mga lalaki. Buhat pa kanina sa department store, lahat ng mga lalaking nadadaanan natin napapalingon sa iyo! They are all irritating. I want to wring their necks!” I rolled my eyes in disbelief.

CHAOTIC LOVE (FanFic of SITNOL-A) TRAVIS' LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon