Twenty Six

16.7K 256 8
                                    

“ARGH!!”

Napasigaw na naman ako sa inis, at bumaba ako galing sa kwarto ni Kevin

“Mr. Black what’s the problem!?” tanong ni Rico sakin isa sa mga nag-aalaga sa bahay na ito

“Nasaan si Kevin!?” naiinis kong tanong

“Ah eh—nakita ko po kaninang lumabas ng bahay” nanginginig na sagot niya

“Bakit mo pinaalis!?”

“Kasi po sa-sabi niya bibili lang siya ng cake!” sagot naman nito

“TSK!!!” nasabi ko sabay lumabas ng bahay

Hahanapin ko na naman ang lalaking yon! Pahamak talaga, dapat na siyang umuwi sa kanila.

Inuna ko ang mall, nilibot ko ang lahat ng pwede niyang pumuntahan. Cake ang bibilhin pero tumagal ng dalawang oras, wala naman siyang masyadong kaibigan dito sa Pinas kaya imposibleng pumunta siya sa mga barkada niya. Oras ngayon ng klase kaya wala siyang makakasamang kaibigan.

Nasaan na kaya ang kumag na yun!? Tatawagan ko nga ulit!

Calling Kevin

DARN! Nakaoff ang phone niya dahil alam niya talagang tatawagan ko siya

Hays!! Sakit talaga ng ul—



“Sorry miss!” may nabangga akong babae

“Sorry din po!!” sabay yuko niya

“Here!” sabay bigay ko sa mga gamit niyang nahulog

May I.D siya sa school na kung saan nag-aaral si Carmella, taga doon ata ‘tong babaeng ito

“Black!?”

“Ha!?”

“Ikaw nga si Black diba? The famous guy in twitter!!” masayang sabi ng babae kaya napangiti nalang ako

“Uhm pwede po bang magpapicture!?” nakangiti niyang sabi na itsura palang ng babaeng ito ay mukhang mas bata pa kesa sakin

“Uhm sure!”

1

2

3

*click*

“Thank you po talaga!!” sabay bow niya na naman

“Ahehe welcome!” napakamot ako ng batok

“Naku alam niyo po na crush na crush ko po kayo!!”

“Ah ganun ba hehe salamat!”

“Pero sayang nga po kasi may gf na po pala kayo!!”

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon