One

507 21 4
                                    

NOW....

"CHEERS!" Offer ng best friend kong si Georgette Santiago sa pang-- hindi ko na mabilang na drinks ko.

I'm tipsy already.

Nandito kami ngayon sa Club ng boyfriend niya para magpakalasing. Actually, ako lang talaga ang magpapakalasing sinasamahan niya lang ako dahil broken hearted ako.

My boyfriend-- ex boyfriend, i mean. He broke up with me last week dahil wala na daw siyang maramdamang sparks sa'ming dalawa. Punyeta! Ano'ng tingin niya sa'min kuryente para magka-spark? Gago pala siya e! Ba't 'di siya jumowa ng kuryente para laging may spark! Kung sabagay nakahanap na nga pala siya ng bagong ka-sparks niya.

'Yon ang totoong dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa'kin.

Punyeta siya!

Nakita ko siya kanina with his new giraffe girlfriend. Giraffe dahil ang haba ng leeg ng girlfriend niya. I sounded bitter pero langya, bitter talaga ako!

I just found out kasi na, almost a year na sila ng giraffe na 'yon. Langya, sinabay niya 'yon sa'kin at mas masakit kahit na mas matagal kami mas pinili pa din niya 'yon.

Urgh! Naiinis pa din talaga ako, kumikirot ang puso ko at kumukulo ang dugo ko sa tuwing naaalala ko.

"Fuck him and his new girlfriend!" I groan, angrily. Kinuha ko ulit ang cocktail ko at muli itong ininum.

"Makaka-get over ka din do'n sa walang kwenta mong ex, Patti. Don't stress yourself, magkaka wrinkles ka lang niyan."

"Nakakagigil eh! Ayos lang sana kung talagang nakipag hiwalay siya dahil wala na kaming sparks pero 'yong niloko pa niya ako? Urgh! Ang sarap niyang sapakin!"

I still can't believe he just ended our four fucking years relationship dahil lang sa giraffe na 'yon!

Tumayo ako at muntikan na 'kong matumba dahil sa hilo ko buti na lang naka hawak ako sa upuan ko.

"Where are you going?" Georgie asked. I called her Georgie.

"I'm going to pee."

"Samahan na kita."

"No! Kaya ko na."

Nag simula na 'kong maglakad papunta sa rest room. Ito ang unang beses ko dito sa Club ng boyfriend ni Georgie kaya hindi ko alam kung saan ang rest room dito.

Nag tanong na lang ako sa mga waitress at tinuro naman nila 'to sa'kin.

Pumasok ako sa rest room kung saan may lumabas na babae, dahil sa hilo ko dumiretso na ako sa cubicle toilet 'saka ako umihi at makaupo na din.

After i pee lumabas na 'ko sa cubicle, pero sakto sa paglabas ko napatitig ako sa isang lalake sa harap ko while peeing.

Napatili ako kaya napunta ang tingin niya sa'kin.

"Woe! Miss what are you doing here?" Tanong niya habang pilit na tinatago ang... basta 'yon pero huli na dahil nakita ko na 'yon kaya nga ako napatili.

Shocks! Mali ako nang napasukang rest room.

Parang nawala ang hilo ko sa nakita ko kaya nagawa kong tumakbo na palabas ng rest room.

Urgh! Sobrang nakakahiya 'yon, tapos nakakita pa 'ko ng... ng... oh my gosh!! My virgin eyes!

Bumalik ako sa table namin, umupo ako sa silya ko 'saka ko kinuha ang cocktail ni Georgie at ininum ito hanggang sa maubos.

Gosh! It's still on my head. Na pi-picture pa rin ng utak ko ang nakita ko.

"Hey, are you okay? Para kang nakakita ng multo ah." Georgie asked.

Beware of CasanovaWhere stories live. Discover now