Sulat Para Sayo

5.2K 26 2
                                    

Sana mabasa mo to.

Dear Him,

Alam mo ba, matagal na kitang gusto. Nahihiya lang akong sabihin baka kasi hindi mo ako pansinin, ireject mo pa ako. Dinadaan ko lang sa mga simpleng pag ngiti at pagtawa para minsan makita mo rin ako. Alam mo ba, Araw araw tinitingnan kita at araw araw rin sinasabi kong: “Kailan kaya ikaw mapapasakin?” 

Hindi mo naman ako mapapansin dahil lagi kang malayo sa tao ganun pa man marami parin ang may gusto sayo. Kailan mo kaya ako mapapansin? Lagi ka na lang nakasubasob at nagbabasa ng libro o di kaya natutulog lang. Hay, pansin mo naman ako kahit minsan. Isang Hi mo lang, ok na ako. Isang tingin mo lang, matutunaw na ako. Pero kahit minsan hindi mo naman ako nakita. Hanggang palihim na pagmamahal ang maibibigay sayo at hanggang hintay na lang siguro ako.

-Her 

Dear Her,

Matagal na kitang napapansin. Yung mga ngiti mo, yung tawa mo at kung paano ka magpasaya ng tao, nakakagaan ng loob. Nahihiya naman akong lapitan ka at magpakilala kasi palagi kang may kasama. Hinahangaan ka ng maramig tao sapagkat ikaw na ang all around. Ito lang ako oh, laging nasa sulok at naghihintay sayo. Palaging kaharap ang libro para hindi napapansin nakatingin sayo. Nakasubasob sa upuan, para hindi mo mapansin na ikaw ang iniisip mo. Kailan mo kaya ako mapapansin? Kailan kaya kita malalapitan at sabihing gusto kita? Hanggang kailan ako ganito sayo? Palihim na nagmamahal at naghihintay sayo. 

-Him

Minsan kailangan mo rin mag take ng risk sa larangan ng pagibig. Hindi mo malalaman hangga’t hindi mo susubukan. Kung maghihintay ka lang, baka maubusan ka ng oras at mawala na yung pagkakataon mo. Kahit masaktan ka, ok lang yan. Atleast masasabi mo sa sarili mo na nagtry ka at nagmahal ka. Sapat na yun dahil yun naman ang dapat.

-Pero hindi ko kaya sabihin sayo.Kahit ilang beses ko ng gustong ipaalam sayo parang nawawalan ako ng pag-asa.Sino ba naman ako?Isang hamak na kaibigan mo lang.Hanggang duon lang ang tingin mo sa akin.Ayaw ko naman masira ang friendship natin.Baka lumayo ka.Ang tanga ko noh?Ganun talaga ang nagmamahal.Kaya ayaw kong sabihin sa kanya baka hindi ko makayanan ang isasagot niya.Kaya Forever ko nalang sigurong ililihim itong nararamdaman ko para sayo.

Itong post ay para sayo. Sa lahat ng nagmamahal pero hindi makuha ang kanilang gusto dahil masyado silang naghahanap ng mataas ang lipad.

Ikaw. Oo, ikaw. Masakit noh? Minsan ka na nga lang magmahal hindi mo pa makuha kuha. Minsan ka na nga lang maging ganyan, ayaw pa sayo. Sakit noh? Ngayon tinatry mo siyang kalimutan dahil ayaw mo pang masaktan. Ngayon nagmumukmok ka at tinatry mo lahat para makuha siya. Ikaw naman kasi..

Bakit kasi siya pa? Hindi naman kita masisisi. Gwapo siya, mabait, matalino, at habulin. Kaya napabilang ka sa mga naghahabol sakanya. Pero naisip mo ba kung siya parin ang minahal mo, magiging masaya ka? Alam mo namang hindi siya marunong makuntento pero bakit siya parin? Ay,oo nga pala. Nagmahal ka lang. 

Dyan lagi tayo pumapalpak eh. Lagi mong dinadaan sa nagmahal ka lang. Pero kung magmamahal ka na nga lang, maghanap ka naman nung sigurado kang mamahalin ka. Huwag mo naman kasing madaliin diba? Tsaka ang pagmamahal kusa yang dadating. Huwag mo siyang mahalin dahil gwapo siya o kung anu man. Mahalin mo siya dahil hindi mo alam kung bakit. Hindi mo alam basta ang tangi mong alam; mahal mo siya. Para in that way, alam mong tama yung dinaanan mo kahit masakit.

Tingnan mo yung paligid mo. Alam kong may naghihintay sayo. Yung lalaking destined sayo. Yung lalaking papasayahin ka. Tingnan mo lang paligid mo. Hindi mo alam nasa kanan mo na pala o di kaya nasa kaliwa mo na. Masyado ka kasing busy maghabol sa lalaking gago na hindi mo pa makuha. Gusto mo kasi perpekto paano naman si Mr.Right sa tabi mo? Hindi mo man lang napapansin.

Kaya ikaw, sa susunod na magmamahal ka. Alam mo na ang gagawin. :)

To all the girls/guys who have been hurt because of love

In love, you should be prepared to face any pain or hurt. It doesn’t matter who hurt you or what he/she had done, it’s the matter of being in love. Love revolves around two things: Pain and happiness. It should be both present for you to grow and understand what love really is.

Now to all the girls/guys who have been hurt because of love, congratulations. Yes, congratulations because you became a mature person and so much stronger. You’ve learn the imperfections of love and you’re now ready to love again. Don’t stay in a relationship which you know that there isn’t hope anymore. Experience is the best teacher and never forget all the things happened to you. It may be happy or sad, always take care of it. Value it for your own good and for the next love of your life.

Basahin mo na lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon