CHAPTER 28

17.2K 421 59
                                    

Ziana's POV

"Make sure that traitor will die painfully. I want him to suffer to hell." sabi ko bago ibaba ang telepono.

Problems! Di na ako tinantanan ng problema. Kaliwa't kanan ang problemang dumarating. This is why I left everyone before. I want to handle all of these by myself.

Ayokong may madamay pa na iba.

"Hey love, you look stressed. Ano ang nangyari?" Zavier asked.

Napaayos ako ng upo at ngumiti nang maliit sa kaniya.

"Where's the kids?" Instead of answering I asked him back and diverted the topic.

"They're at the dining room. C'mon, let's go down. They're waiting for us. I cooked foods for us," he said.

Tumango lang ako at sinabihan siyang mauna.

Tinawagan ko ang number ni Alex pagkaalis na pagkaalis niya. I will be needing their help. I was left with no choice but to ask for their help.

"Hey Ziana. Why?"

"12mn at our hideout."

Pagkababa ko ng tawag, agad akong bumaba at naabutan ko ang mag-aama kong masasayang nagke-kwentuhan.

Agad namang napansin ni Zavier ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko at nginitian ako. Tipid akong ngumiti pabalik at umupo sa katabi niyang upuan.

"Let's eat!" Sigaw ni Hera.

Sinimulan na namin kumain habang lumilipad pa rin ang utak ko para sa susunod kong mga hakbang.

Wala akong imik dahil sa dami ng iniisip ko. Si Jasmine...

"Love ba't di mo ginagalaw ang pagkain mo? Kumain ka na. Ang lalim ng iniisip mo." Napatingin ako sa pagkaing nasa harap ko.

Lahat sila ay nakatuon ang pansin sakin kaya nginitian ko lang sila.

"Don't worry about me. Eat up kids, and go to your room after eating." I looked at Zavier who's still looking at me. "Just eat. I'm fine."

"Okay."

Alam kong di siya naniniwala at gusto pa magtanong pero mas pinili niyang manahimik at ipagpatuloy ang pagkain. Kilala niya naman ako, kapag gusto ko sabihin, sasabihin ko. Kung hindi, hinding-hindi ako iimik.

Pagkatapos namin kumain ay sinamahan ko ang mga bata sa kwarto at pinatulog ko muna sila bago ko sila iwan. Pagdating ko sa kwarto namin ni Zav, naabutan ko siyang nakasandal sa headboard at gamit ang laptop.

Pero agad siyang tumigil nang makita ako.

"Let's sleep." sabi niya matapos itabi ang laptop na kanina ay hawak niya.

Tumango lang ako bilang tugon at dumiretso sa banyo. Nag half bath muna ako at nagbihis bago ko siya tinabihan.

"Goodnight, love. I love you," he whispered.

Niyakap niya ako patagilid at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. I started caressing his hair gently while humming a melody to make him sleep. Ipinikit ko rin ang mata ko habang hinihintay na bumigat ang paghinga niya.

Nang maramdaman kong tulog na siya, dahan dahan akong umalis sa tabi niya at nagbihis.

Saktong alas dose nang umalis ako sa bahay at pumunta sa hideout.

.

Dumiretso ako sa loob at naabutan kong kumpleto na sila. Ako na lang ang kulang.

"Anong meron? Bat mo kami pinatawag?" Agad na tanong ni Shanelle.

The New Mafia Empress [COMPLETED] Where stories live. Discover now