3rd Episode - Who's C?

67 1 0
                                    

3rd Episode - Who's C?

< Ashra’s POV >

Swerte. Swerteng-swerte talaga ako. Well, if you define ‘swerte’ as in UNBELIEVABLE BAD LUCK edi ANG SWERTE KO NA!

Nagtatakbo na ako ngayon papuntang tren. NAKU NAMAAAAAAAN! Ba’t ba kasi ngayon lang nasira yung aking 5 years old na alarm clock?! Aish! Bwisit talaga! Ngayon pa talaga na kelangan na kelangan akong pumasok ng maaga kasi ngayon lang ang pinakaaasam-asam kong school fair! Lecheeen! Mala-late na talaga ako! Ngayon pa naman ang school fair ng Kingstate Academy! Lecheeeeeeee!

Mabilis pa sa alas-kwarto akong pumasok sa tren kasi papasara na ang pinto. Whew! Mabuti na lang at di pa ako nabangga unlike what happened 3 years ago. SALAMAT LORD AT NAKASAKAY NA AKO! *u*

“Late na naman.”

“AY MAHIWAGANG PINTUAN NG TREN!”

 

“Haha! Adik ka na sa tren ah. Try mong magbus minsan. Haha.”

Si Dylan lang pala. =_______=

Naaalala niyo yung kras ng baklang ulap at ang boypren ng Deminyita? Oo, siya ‘to. Ang poging Deelan. >.>

 

“Hi Deelan.” -____-

“Haha. Hello Asslee.”

Oh wag kayong magtaka. Close kami ng mokong na ‘to. JOKE LANG. Feeling close, pwede pa. Haha.

“Asslee ka diyan.” -___- Close tayo?

“Haha. Deelan ka diyan.” Nakatawang sabi naman niya.

“Copycat.” -____-

“PasteDog, Ang sunget mo talaga Ash. :P”

 

“Alam ko.”

“Ang ganda mo sana. Kaso ang sunget mo.”

Tiningnan ko siya ng masama. Tamo oh! May girlpren nang demonyita, lumalandi pa! Tumawa naman siya ng malakas. Wow. Delikado 'tong lalaking 'to. Mukhang tatalbugan ako sa pagiging abnoy ee. >.>

Bespren Kong Bakla (Working Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon