S2.10 Hide n Seek

367 6 6
                                    

S2.10

Hinatid nga ako ni Ian, nasanay na naman ako nun, araw-araw nya kasi akong hinahatid sa school, ang sweet noh ! Kung hindi ko lang to kaibigan aakalain ko na talagang nanliligaw to sakin! Di lang kasi sya tagahatid ko sa School, taga karga ko pa pag nakakatulog ako at hinahatid pa ako sa kama. Grabe nya ha, daig pa nya ang ex-boyfriend ko!

Araw-araw ang routine ko ay kumain, pumunta sa school tapos shop, pag week-end naman malling kasama ang barkada pero mas madalas kami ni Jrew magkasama at saturday nights sumasama na ko sa Gig nila Ian at Jrew, at akalain mo andun lagi yung lalaking sigaw ng sigaw nung unang pagkanta ko dun, nagpa-authograph pa nga!

Si Dave naman ayun busy sa career nya, tawag nga ng tawag sa phone ko, pero ayokong sagutin, matapos ba namang ikaila ako sa buong Pilipinas! At makulit nga ang mokong nato, di tumitigil kaya iniiwan ko yung isang phone ko sa bahay, yung bago lang dinadala ko. Bitter na kung bitter, ang sama kasi, sinaktan nya ang ang puso kong nagmamahal, di nya lang alam! At ayan umamin na ako! :))

Ilang buwan na rin ang lumipas at ayan malapit na ang sembreak! Matapos kong ipasa ang mga projects ko, sinundo ako ni Jrew kain muna daw kami tapos nun umuwi na kami.

"Hi my Princess! san si Ian? ahahaha" tawa pa kami ng tawa habang papasok ng shop, nakakapit pa ako sa braso ni Jrew, para kaming couple,at ganun talaga kami ka close!

"Hi Luisa!" natigilan ako nang makita ko kung sino yung bumati sa akin! Para akong natunaw at unti-unting bumitaw kay Jrew.

"Hi.... hi.. Ri.. Rico" napautal-utal pa ko.
"how are you Luisa? im glad to see you again. Is he your new.."
" ahh... hin -" pintutol ni Jrew at sinabing "Oo! and you are?" hinawakan nya ang aking kamay.


"Hi! I'm Rico, Im luisa's -" pinutol ulit ni Jrew "Oh you are that stupid guy who left this Moonstar Princess!" nang-aasar yata to si Jrew parang galit. Pilit kong tintanggal ang kamay ko pero ang higpit talaga ng pagkakahawak. Buti dumating si Missy.


"O Rico, Here's your order"
"im sorry... Rico right? but we need to go." tapos hinila na ako palayo kina Rico.


Umakyat na kami sa taas sa may living area, nakita ko nga si Ian naka headset, nagko-compose yata, ewan ko kung napasin kami basta lumagpas lang kami sa kanya. Pagdating sa may sofa, binitawan na nya ako tapos aalis na yata.

"lighttoooooo! bat mo yun ginawa?" sigaw ko sa kanya habang paalis, napahinto naman sya.
"Anu ba Isaw... hindi mo nakikita? inaasar ka lang ng lalaking iyon!"
"anu?"
"magpapa-uto ka na naman ba sa kanya?" patuloy ni Jrew.
" anu ba Lightto wala na kami, tapos na kami!"
"oo, wala na kayo! dahil si david na ang laman ng puso mo!" at nag-walkout siya.
"at panong nasali si Dave sa usapan?" pero umalis na talaga sya.
" kung alam mo lang..." yun lang ang huli kong narinig sa kanya.

akto naman dumating si Ian, nilagpasan lang sya ni Jrew.

"anong nangyari dun?"
"ewan ko Ian, he's acting weird kanina."
"ah. hayaan mo na yun, okay na yun mamaya" sabi nya tapos umupo sa may computer desk.
"maiba nga, ano ba yang ginagawa mo?"
"ah eto? wala..." tapos nagpatuloy lang. Hay wala ba akong matinong makaka-usap ngayon.


Pumasok nalang ako sa kwarto at chineck ko yung isang phone ko. 200 missedcalls and 143 text messages! grabe... nakaya yun ng memory nang phone ko, buti hindi na lowbat! pag-open ko, "my siopao 0922.. " lahat! replyan ko kaya : sorry naiwan ko cp ko, sino ka ba? send! ... check operator service! wala pala tong load ang CP nato. Hmmmp... hindi nalang ako mag rereply.

S.2 My Moviestar Prince [for revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon