Prologue

1.5K 54 46
                                    

"Gray, homaygad!  Nakita mo na ba to?" nilapitan ni Clara ang kanyang kaibigang si Greta na nakaupo ngayon in front of her vanity mirror at naglalagay ng make up para sa gig nya.

Si Greta Ray Antonio, known as Gray sa kanyang family and friends, ay isang singer sa isang beachside bar in Boracay.  Pag Monday to Thursday, she performs an all acoustic set with her friend Joey on the guitar and her brother Gary on the cajon.  Ang kanyang best friend na si Clara naman ay ang kanilang manager slash promo girl ng kanilang banda.  Pag Friday to Saturday naman, si Greta ay kumakanta naman sa isang club ng mga contemporary dance and R&B hits.  Mas malaki ang sahod pag sa club sya kumakanta.  Kahit hindi sya masyadong mahilig na nagdadamit ng sexy ay napipilitan sya pag may gig sya sa club.  Sya ay kakanta sa club kaya sya ay naglalagay ng medyo makapal na make up.  Hindi nya tiningala si Clara dahil sya ay busy sa pagdikit ng false eyelashes sa kanyang eyelid.

"Nakakalaglag panty lang naman, G!" tumili ulit si Clara at lumapit kay Greta.  She put her smart phone down on the vanity and pointed to it para makita ni Greta ang e-mail na natanggap nya.

"Cla, I'm busy.  Ano ba yan?  Basahin mo na lang."

"Di ba sasali ka dun sa talent show next week?"

"Oo, ikaw ang nagsali sa akin," Greta said in an even voice and began attaching false lashes to her other eye.

"Eh nagpadala sila ng e-mail na may nagback out na judge pero ang kapalit naman ay bongga!" 

"O, sino nga?  Crush mong artista?"

"Hindi lang ako ang may crush sa kanya!  Buong Pilipinas ay may crush sa kanya."

"Aba, bigatin!  Nakakakaba naman yan!" biglang napatigil tuloy si Greta sa kanyang ginagawa.  "Sino ba yan?" she picked up the phone from the vanity and scanned through the e-mail.  Biglang nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ang pangalang nakasulat sa e-mail.  Kilalang kilala nya ang pangalan na yun; in fact, tama si Clara:  kilalang kilala sa buong Pilipinas ang pangalan na yun!  Kahit hindi pa nya nabubuksan ang attached image ng bagong flyer, alam nya na ang itsura ng bagong judge na yun.

"Gray...si Aaron Gilmore!  Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!  Grabe, di ko na kaya!  Ang gwapo gwapo ni Aaron!"

No!  Bakit sya?!  Out of all people, bakit sya pa?!

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now