Plant (One Shot)

258 19 3
                                    

Naisip ko rin itong isa pang one shot story na to dahil sa isang

maliit na tumutubong halaman sa itaas ng pader. Hehehe…

Kung ano-ano na lang ang naiisip kong story dito sa attic.

 

Basta enjoy guys!     SANA! ^__^

 

 

 

**

 

 

“Ilang araw na kitang inaalagaan” Habang dahan-dahang dinidiligan ang maliit na buto ng halaman.

 

“Kailan ko kaya masisilayan ang berde mong dahon” Habang iniingatan na hindi malunod sa tubig.

 

“Hindi na ako makapaghintay” Sabik kung sabi.

 

 

Tuwang tuwa talaga ako kapag kausap itong alaga kong halaman, tawag ko sa kanya ay halaman kahit buto pa lang siya, okay lang dahil alam ko naman na doon din siya papunta, sa pagiging isang halaman.

Siya lang ang kaligayahan ko at lalong lalo na ang buhay ko.

 

 

“Dito ka muna sa araw hah” habang inililipat sa may bintana at napatingin sa labas.

 

“Ibang iba na talaga ang mundo ngayon” napabuntong hininga kong bulong sa sarili.

 

“Hindi pa rin ba sila matototo” napailing at dismayado kong sabi.

 

“Kailan ba sila magbabago?”

 

 

“Hoy!, ano bang binubulong at sinisilip mo dyan sa labas?” tanong ng matalik kong kaibigan na sumilip din.

 

“Wala naman” sagot ko sa kanya.

 

“Kaw talaga di ka pa rin nasanay” habang nakapatong ang isa niyang kamay sa aking balikat.

 

“Oo nga eh” mahina kong sagot.

 

“Wag kang lalabas!, alam mo kung anong mayroon dun, ok!” tugon niya sa akin at umalis.

 

 

 

Nakita kong kaunti lang ang naglalakad sa araw na ito, siguro dahil na rin sa init ng araw at pabago-bagong panahon. Nakita ko ang isang matanda na nagkakalkal ng basura sa gitna ng abandonadong kalsada. Yung iba ay nasa loob ng sira-sirang abandonadong gusali.

Wala ka ng makikitang puno at halaman sa buong paligid, tanging usok,  dumi at mabahong amoy lang ng hangin.

 

Minsan sa gabi ay hindi ako nakakatulog dahil sa naririnig kong mga putok ng baril, mga hiyawan, mga taong dumadaing sa gutom at karamdaman.

 

Magulo at nasisira na ang mundo.

 

 

“Pluk!”

Plant (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon