Chapter Eight

33 2 3
                                    

Chapter Eight

 

Nagising si Charmy sa pagtama ng liwanag ng araw sa kaniyang mukha. Mabilis na nag flash back sa kaniya ang nangyari kahapon. Agad na sumilay sa kaniyang mga labi ang isang matamis na ngiti. Tumayo siya sa kaniyang pagkakahiga at binuksan ang kaniyang bintana. Itinukod niya ang kaniyang siko at nangalumbaba habang nangangarap ng gising. May dumapong ibon sa isang sanga ng punong malapit sa kaniyang bintana.

“Good morning birds! Good morning sun! Good morning clouds!” Napako ang kaniyang mga mata sa tanawing nasa harap niya. Walang iba kung hindi ang nakatalikod na hubad na katawan ni Prince. Mukhang kakatapos lamang nitong maligo. Bumuntunghininga siya.

“Good morning Pr—“  Biglang humarap ito sa kaniya at mabilis siyang binato ng tuwalya sa mukha. Sapul na sapul sa kaniyang mukha.

“Hoy! Charmylaine! Kelan ka pa natutong mangboso?!” sigaw nito mula sa kwarto nito.

Hawak niya ang tuwalya nito. “Hindi kaya ako namboboso! Bigla ka na lang lumitaw sa harapan ko. Which is good by the way.” Pang-aasar pa niya dito.

“Tigil-tigilan mo yang kamanyakan mo ah! Kadiri ka.”

“Kunyari ka pa, gusto mo naman.”

“Tse!”

Sininghot-singhot niya ang twalya nito bilang pang-aasar niya dito.”Hmm! Bango!”

Pinanlakihan siya nito ng mata. “Ibalik mo yan.”

“Ayoko nga. Hinagis-hagis mo sakin ‘to eh.”

“Charmy!” May pagbabanta sa tinig nito.

“Hmmmm! Bango talaga!”

“Charmylaine Destiny del Castillo! Isa!”

“Kung gusto mo, kunin mo. Bleh!”

Umakyat ito sa may bintana at tumulay sa mga sanga ng punong nasa pagitan ng bintana ng kanilang bintana. Napalunok siya ng makitang naka-boxers lamang ito. Hindi malaki ang katawan nito. Binatilyong binatilyo ang hubog niyon. Hindi niya maialis ang tingin niya habang unti-unti itong papalapit sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy ay nasa isa silang play. Siya ang gumaganap na Juliet at ito si Romeo. Well.. alanganing Romeo.

Tuluyan na itong nakatawid at ngayon ay nakatungtong na sa kaniyang bintana.  Napanganga na lamang siya. Nang akmang bababa na ito sa sahig ay biglang dumulas ang isang paa nito at tuloy tuloy na bumagsak sa kaniya.

Tugsh!

“Aw!”

“Ouch!”

Magkalapit ang kanilang mga mukha at ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang pisngi.

Narinig niya ang humahangos na pag-akyat ng kaniyang ina sa hagdan kasabay ang pagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto.

Nakakubabaw pa din si Prince sa kaniya ng madatnan sila ng kaniyang ina.

“A-aray…”

 

Tahimik na nakahalukipkip sila ni Prince sa kailang sala. Nakatingin sa kanila ang kanilang pamilya. Habang naghihintay ng kanilang sagot.

“Ma, sabi ko naman sa inyo, wala akong ginawa kay Charmy. Aksidente lang ang lahat—“

“Prince Trevor, hindi kita pinalaki para lang gawin mo ang mga bagay na ganito.” Pangaral ng ama nito dito.

“Pa—“

“Pero… I’m proud of you anak. Ang akala ko ay bakla ka eh.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng ama nito habang nakapatong ang isang kanay nito sa balikat ni Prince at malakas na tinatapik tapik iyon.

Prince's CharmyWhere stories live. Discover now