Chapter 7

109 6 14
                                    

Chapter 7

Mabuti na lang at humina na rin ang ulan kaya nagdrive ako papunta sa kanila, natandaan ko naman saan yung house nila. Ano ako? TANGA?

Pagkarating sa bahay nung BWISIT, may nag - aabang na babae, maganda pero masbata sa kin, parang high school.

“Hello Ate nikka!” tapos niyakap ako

Putek! Close ba kami at may nalalaman pang yakap-yakap?

“Sorry po ate, ako po pala si Ela, kapatid ni Jonathan.”

“Oh, hi? Teka, ba’t mo ako pinapunta dito?”

“Kasi po, itong si kuya, umuwi na basing-basa. Ewan ko san galing at nung tinulungan naming siyang pumasok sa kwarto, sobrang taas na ng lagnat.”

“Bakit hindi pa kayo nagpatawag ng doctor?”

“Nagpatawag na po kami, at sabi nung doctor, okay na po siya.”

Lintek! Eh okay naman pala eh!

“Bakit pa ako pumunta kung okay naman din pala kuya mo?”

“Kasi po, kanina pa niya tinatawag pangalan mo. Kaya hinanap ko num mo sa cp ni kuya. Kayo na po ba?” ^^

“hahaha! Ano?! Paki ulit nga.”

“Kayo na po ba ni kuya?”

“Putek! Hahahaha! Syempre hindi! Ano siya sinuswerte?!”

Tapos. AWKWARD SILENCE!!!

HAHAHAHA!

“Ate samahan na lang po kita sa kwarto ni kuya.”

“Okay.”

So sinamahan niya nga ako, mabait naman itong si Ela, malayong-malayo sa kuya niyang hindi madescribe ang ugali.

Nakita ko si Jonathan na patagilid ang higa, habang yakap-yakap ang isang ulan.

Hahahah! Ang bait ng mukha! Parang puppy.! Punyemas! Ano na naman ba tong iniisip ko.

Galit ka Nikka, galit!

“Sige po ate, iiwan ko na po kayo.”

“K. thanks ela.” Tapos nagsmile ako. Oh my gosh! Ang bait ko na naman!

Hindi ko alam anong gagawin ko, kaya umupo na lang ako sa sofa.

Siguro naman wifi tong bahay, kaya nilabas ko ipad ko at ayun! Nag internet na nam an ako! Hahhahahah!

Pampalipas oras lang po. ^^

Napatigil ako sa paglalaro ng temple run nang..

“Nikka, sorry. Nikka?”

Tiningnan ko si Jonathan, pero tulog pa rin siya. Hay naku!

Kahit tulog malandi pa rin, kung ano-ano ang iniisip..

Nilapitan ko at hinawakan ang noo, PUTEK! WALA NAMANG LAGNAT EH! Punyemas! Pero baka bumaba na din.

Tatayo na sana ako,

“Nik? Wag mo kong iwan.” Sabay hawak sa kamay ko

“Punyemas! Matulog ka na lang.”

“Ayaw ko, hangga’t hindi mo sinasabi na hindi ka aalis.”

Tinanggal ko kamay sa kamay niya. Kainis eh!

“Nabwibwisit na ako sa iyo eh, alam mo bang, sinira mo ang plano ko.”

“Sorry Niks.”

“Okay, matulog ka na.”

“Wag kang umalis ha?”

“Ano ka? Presidente para sundin kung anong gusto mo?”

“Please Nikka.”

“Pakshet. Okay-okay. Bumalik ka na sa tulog.”

Tatayo na sana ako nang hawakan niya na naman ang kamay ko. Ang landi ha?!

“Dito ka lang, wag kang umalis sa tabi ko.”

“Punyeta! Grabe na to ha? Ayaw mo na nga akong pauwiin, gusto mo pang hindi umalis sa tabi mo, ano ako TUKO?!”

Pero hinigpitan niya ang pagkakahawak. Hay naku! Anong gagawin ko?!!! SAGOT?!!!

Ela’s POV

Hello po! Younger sister po ako ni Kuya Jonathan. Dalawa lang po kaming magkapatid.

May sasabihin ako sa inyo, pero wag kayong maingay kay ate Nikka ha?

Ganito kasi yon, ang totoo niyan, umuwi talaga si Kuya na basing-basa. Pero okay naman siya. Pero may inutos siya sa akin.

Hahaha. Alam niyo na no?

Inutusan niya akong tawagan si Ate Nikka at sabihing mataas ang lagnat ni kuya in short, magsisinungaling ako.

Hephep! Hahaha!

Hindi naman ako tlaga pumayag nung una pero bigla kong naalala na pwede kong pagkakakitaan ang mga pirma ni kuya. Sikat si kuya eh! Gwapo pa man din! Hahahah

So yan ang nangyari!!! Waaah! Kinikilig ako!! Never pa si kuya humingi ng pabor para sa lang sa isang babae.

Inlababo si Kuya JONATHAN!!! Pero teka?!

May gusto siya kay ate nikka?! Eh ang taray nun ah!!! Tapos kung ano-anong bad words ang lumalabas sa mouth niya. Bad example. Ewan ko ba! Pero baka may nakikita si kuya kakaiba sa kay ate.

Iba talaga ang mga lalaki kung mag-isip. Hay naku! Basta ako! Forever kuya ERIC!!!! SHHHHH. ^^

Nikka’s POV

Hindi ako umalis sa tabi niya, umupo na lang ako sa kama niya at nanood ng tv. Mas malaki yung tv niya kesa sa kin. Hahaha. Meh ganon?!

Mabuti na lang at walang assignment, kaya okay lang na nandito ako sa bahay nila. Pero may gagawin pa naman sana ako.

“Hahahahhahahaha!” hindi ko napigilan ang sarili ko

Sobrang funny nung pinapanuod ko. Hahahah!

Tapos.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hulaan niyo anong nangyari!!.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napatigil ako sa katatawa nang bigla akong yakapin ni Jonathan! FUCKING SHIT!

Nanigas ako!!!

(AN: sinong kinilig?!

Hahah! Kahit ako yung author, kinilig ako sa last part! Lols!

Comment.vote.fan)

CAKE (on going ^-^)Where stories live. Discover now