Chapter 2

26 2 0
                                    

ALEX'S POV

2nd day na. Nasa room na kami ngayon, maaga na kong pumasok. Na-trauma ako sa nangyari kahapon e. Sobrang nakakahiya! Sana di ako mamukhaan o makilala ng mga students dun sa section na yun. Loko loko kasi tong si Pat eh. Nalaman kong nagkamali pala siya ng bigay ng room number. -___-

Pat: HAHAHAHA!! Nakakahiya ka Lex!!! Sobra!!! Hahahaha!!

Myke: Buti nalang maaga akong nagising! Kupal ka eh! Ginigising kita pero ayaw mong gumising! Kaya hinayaan na kitang matulog. Hahahaha!

Tignan mo tong mga to. Pero kung sa bagay, kung sakanila rin naman mangyayari yun baka umiyak ako buong araw kakatawa. "Tama na nga yan! Pag kayo nako. Uy ah, andaming maganda dun sa section na napasukan ko. Kaso hindi ko alam kung anong year na nila tska kung anong course e. Nasa kabilang room lang sila tol! Mamaya abangan natin!" sabi ko kay Myke at bigla naman akong binatukan ni Pat.

"Aray!"

"Lakas ng loob mo ha! Napahiya kana't lahat lahat, nagawa mo pang tumingin ng babae don?!" para ko talagang nanay to kung pagalitan ako. Inakbayan ko siya sabay ginulo ang buhok niya.

"Wooo. Joke lang naman ATE!" asar ko sakanya.

Para ko na talagang kapatid tong si Pat. Minsan sa sobrang close namin napagkakamalan kaming mag-on. Na sobrang pinandidirian naman niya. Hahahaha! Si Myke ang gusto nito eh. Pero may nililigawan na si Myke na feeling ko namang malapit na din siyang sagutin. Kaya hopia tong si Pat. Ewan ko ba sa babaeng to, marami namang nagkakagusto sakanya, pero ni isa wala siyang pinayagang manligaw. Gusto niya, yung unang magiging boyfriend niya, eh yun na din ang magiging asawa niya. Tss. She's missing half of her life! Hindi ba't parang amboring nun?

Maya-maya lang dumating na yung professor namin sa Philosophy. Babae, medyo may edad na. Di ko pa pala nabibigay yung COR ko sa kadahilanang ngayon lang ako pumasok sa klase niya.

"Goodmorning, class. May mga new student pa ba tayo dito? New comers? Anyone?"

Tinaas ko ang kamay ko at pumunta sa harapan para ipasa ang COR ko. Babalik na sana ako ng upuan ko nang bigla akong tawagin.

"Hmm. Mr. Mariano. Please stay in front of the class and introduce yourself. But before that, why were you absent yesterday?" naku po. Hot seat nanaman ako.

"Uhmm. I'm sorry Ma'am. I woke up late and went to the wrong classroom yesterday." sabay tawa ang pang-aasar ng mga kaklase ko.

"Ohh. Ikaw pala yung kinwento sakin ni Ma'am Alimuin. Hm. Now, go on. Intoduce yourself to the class."

"Uh, goodmorning classmates. I'm Alexander Mariano. Alex for short. I love dancing. and I---"

"SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE!" sigaw naman ng mga kaklase ko.

"Quiet class. Mr. Mariano, since you were absent yesterday.. would you mind giving us a sample of your dancing skills?" oh fudge. eto na nga bang sinasabi ko.

"woooo! sample na yan!"

"go alex!!"

"we love you alex! HAHAHAHAHAHAHA!"

Loko loko talaga tong mga to! Halos lahat kasi sila mga naging kaklase ko na last semester eh. Kaya ganyan yang mga yan. -___- Tapos biglang nagpatugtog ng "Strip" ni Chris Brown yung kaklase ko. Sige na nga, makapal din naman mukha ko eh. :D

(A/N: Pakinggan niyo yung song! Para ma-feel and ma-imagine niyo siyang sumasayaw! :D)

* intro beat playing *

Nagsisimula na kong gumalaw.. Sinenyasan ko si Pat na kunin yung cap ko sa bag. Binato niya sakin at sabay suot nito.

"Take it off, I wanna love ya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not your ordinary love. (Ongoing)Where stories live. Discover now