Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 5: Plan B Lessons

279K 5.8K 476
                                    

Chapter 5

Plan B Lessons


Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko nahanap iyong dress ko. I only have my ballet flats, underwear, and my anger. Even my pride and dignity are in shreds. Aalis na nga lang ako dito, I have to 'borrow' some clothes pa from that asshole.

And what infuriates me more is ang daming pambabaeng damit sa closet niya! Halatang mga naiwan ng mga nilandi niyang mga babae. Mas kinaiinisan ko pa ay mapapabilang dito ang black dress ko!

Bahala na! Isaksak na niya sa baga niya 'yon! Wala na akong balak kunin sa kanya 'yon. Ayoko na ring makita siya. Ayoko na makita ang pagmumukha niya. Kahit anino niya, ayoko na ring makita pa!

Pinakadisenteng damit ang hiniram ko sa closet ni Percy. Isang blue backless dress na three inches above the knees. Ito na talaga iyong pinaka-disente, I swear. Iyong iba, three inches below the keps na!

Kumuha na lang ako ng white dress shirt at ginawa itong pang-ibabaw sa disenteng dress na suot ko.

Matapos kong magbihis ay umalis kaagad ako sa condo niya without looking back. Nabahiran na ang masayang gabi ko. As much as I want to cherish last night's memories, naaalala ko lang na naisuko ko ang Bataan.

Teka. Bakit nga ba Bataan ang tawag doon?

Oh, right. The Fall of Bataan. Entry point. Right. My hymen is the Bataan.

Oh gods. Bakit ko pa ba ito iniisip? Wala na rin namang kwenta! Umiyak man ako o tumawa, hindi na babalik sa dati ang hymen ko. Kailangan kong tigilan ang pag-iisip about last night. Ang dapat kong isipan ngayon ay kung paano ako makakauwi.

Hindi man lang siya nag-iwan ng pamasahe! Alam naman niyang wala akong dala na kahit ano! Take care on your way home daw. Paano ako makakauwi kung wala naman akong pamasahe?

Sumalubong sa akin ang magarbong lobby. Hindi ko masyadong matandaan ang hitsura ng lobby last night dahil masyado akong preoccupied. Pero now that I'm sober at nagising na sa katotohanan, sobrang namangha talaga ako. Mayayamang tao lang talaga ang may afford ng condominium units dito.

Umiling ako at ibinalik ang atensyon ko sa aking mission. I have to find a way para makauwi ako. Hindi rin pwedeng maabutan ako ni Percy dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya kapag nagkita kami uli.

I look around and see the receptionist. Agad akong lumapit dito. Nakita kong Rachelle ang nasa nameplate nito.

"Hi, Rachelle. Pwede bang makigamit ng phone?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya muna ako nang mabuti bago nginitian. "Of course," sagot niya. Mukhang naaalala niya ako. Siguro ay nakita niya ako kagabi.

Nakakahiya.

I smile back at her. Tinanggap ko agad ang teleponong ipinahiram niya. Magda-dial na sana ako pero naalala kong number ko lang pala ang kabisado ko.

I inhale deeply and hope to God na sana ay nasa mga kaibigan ko ang cellphone ko. I dial my own number and with three rings, may sumagot kaagad.

"Hello?" Nabosesan ko agad kung sino ang sumagot. Si Louisse!

"Oh my gods! L! Thank God you picked up!" Halos matumba ako sa relief na naramdaman ko.

"JAMIE SERAFINA NAVARRO! Where have you been? Hindi kami nakatulog ni K! We're worried sick!" sigaw niya. Inilayo ko ang receiver ng telepono sa tainga ko.

Napatingin ako sa likuran ni Rachelle. It says Pallas Athena Taguig. "I'm in Pallas Athena Taguig. Pick me up, please?" I ask in a small voice.

"Wait for me there. Naku, J! I'm going to beat your ass!" sabi niya bago naputol ang linya.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Ciara, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Ciara
@seeyara
Geek and bookworm Jamie Navarro doesn't exactly know how to have fun...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 58 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @seeyara.
When He Fell For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon