-Chapter 11-

313 9 2
                                    

Eleven

"I can say the same for you"

"Ang gwapo talaga ng pinsan mo, Dawn!" Sabi ni Hayley habang nginunguya ang baon niyang Pringles.

Pinasadahan ko ng tingin ang pinsan kong abala sa paglalahad ng kanyang speech. Gwapo, matangkad at mayaman si Chance Adams kaya hindi na ako magtataka kung bakit halos lahat ng babae sa school na pinapasukan niya ay nagkakagusto sakanya. Heck, kahit nga ang mga college students dito ay nagkakainteres sakanya.

"Ewan ko ba sa'yo, Dawn. Ang dami-dami kong ipinapakilalang gwapo sa'yo, tinatanggihan mo naman lahat. Ang gwapo talaga ni Chance!"

Kasalukuyang kaming nasa auditorium ng Adams University. Orientation lahat ng freshmen at nakatayo sa stage ang pinsan kong si Chance Adams. Kahit highschool pa lang si Chance ay naging tradition na ng Adams University na imbitahan siya bilang guest speaker taon-taon dahil siya ang magiging tagapagmana ng buong eskwelahang ito.

"Yuck ka, Hayley ha. Child abuse na yan."

"Maka Child Abuse ka naman, limang taon lang naman tanda ko sakanya no'. 'Age is nothing but a number, Dawn.' Tsaka ang isa pa, ang sabi ko gwapo siya, hindi ko naman sinabing makikipagrelasyon ako sakanya."

Inirapan ko siya at patuloy na lang akong nakinig sa speech ni Chance.

"Dawn." Hindi ko pinansin si Hayley dahil alam kong tungkol sa pagpapantasya na naman niya kay Chance ang sasabihin niya. Simula nung tumayo si Chance harapan ay puro ang kasexyhan at kagwapuhan ng pinsan ko ang lumalabas sa bibig niya.

"Dawn?" Nagulat ako dahil nag-iba ang tono ng boses niya. Napatingin ako sakanya at nakakunot ang noo nito. "Dawn, tignan mo, nakatingin yung mga varsity players sa'yo." Bulong nito.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa grupo ng mga basketball players na nasa right side ng auditorium. Nakangisi sila habang tinuturo ang kinauupuan namin.

Nanindig ang balahibo ko. Hindi, hindi ako ang tinitignan nila. Kung meron man dapat silang pagmasdan ay iyon ay si Hayley.

Kabaligtaran ko, maganda at morena si Hayley. Mahaba ang makinis niyang legs. Natural ang kulay brown niyang kumikintab na buhok. Kung hindi lamang siya nag-aaral bilang pharmacist ay mapagkakamalan mo siyang model ng sikat na sikat na brand na 'Victoria's secret'.

"Ikaw yung tinitignan nila, Hayley." Sabi ko naman sakanya ng pabulong habang nakaharap sa stage.

"Ikaw nga kasi." Pagpipilit nito. Halatang kinikilig siya. Dati pa niya ako pinapares sa mga gwapong schoolmates namin. Mahilig siyang mag-ala kupido pagdating sakin. Naniniwala siyang kailangan ko daw ng lovelife para hindi puro libro ang kaharap ko.

Baliw talaga itong si Hayley. Bakit naman magkakainteres sakin ang mga Varsity Players?

Katamtaman lang ang aking tangkad. Mahaba ang boring kong itim na buhok. Ang tanging gusto ko lang sa aking katawan ay ang maputi kong balat. Pero minsan, dahil sa sobrang puti ay napagkakamalan akong 'espasol' ng mga tao. Hindi ako attractive at boring akong kasama. Wala din akong special talent, pero kung masasabi mong talent ang pagiging matalino ay siguro masasabi kong talented talaga ako. Pero hindi, walang special sakin. Ang yaman lang ng pamilya ko ang nakakapagpaganda ng aking pangalan.

"Diyos ko, Dawn, kinikilig ako!" Pabulong na tili ni Hayley sa tabi ko. Napairap nalang ako at tinignan kong muli ang varsity players sa kabilang side ng kinauupuan namin.

Broken TrustWhere stories live. Discover now