Chapter 13

6.3K 100 0
                                    

Anchel's pov.

Nagising ako ng may humahaplos sa aking mukha. Dahandahan kong minulat angbaking mga mata at nabungaran ko ang nakangiting mukha ni kuya Ice." Gising na lil sis kakain na tayo." Nakangiting sabi nito. Agad naman akong bumangod at nginitian din si kuya." Ayos ka lang ba kuya? Pasensiya kana kung pinagod kita kanina. Ang totoo papatulungin lang naman talaga kita kaya lang trip talaga kitang pahirapan kanina eh." Paumanhin ko dito sabay kamot sa ulo. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko." Ok lang yun. At isa pa ayos na rin nakapagwork out din ako." Sabi nito. "Siya sige,sumunod kana sa hapag para makakain na tayo." Sabi nito sabay korot sa aking ilong kaya napapuot ako na siyang ikinatawa naman nito at lumabas na.

Nakatulog pala ako kanina dahil sa pag-iyak at take note dito pa ako nakatulog sa kwarto ni kuya Ice. Inilibot ko naman ang aking paningin sa kabuoan ng silid. May kalakihan pala ang kwarto nito kuya Ice hindi gaya ng kwarto ko well, mas malaki naman ang kwarto ni kuya Arch. Ang ganda rin ng kwarto niya dahil sa malinis ito hindi kagaya noong unang pasok ko na puro kalat na maaari ng bahayaan ng mga insekto. Hindi naman sa tamad si kuya Ice sadyang wala lang siguro siyang time na makapaglinis dahil sa pinagtutuonan niya ng maiigi ang kanyang pag-aaral. Gabi na pala,napahaba yata ang tulog ko. Inayos ko muna ang aking pustura bago lumabas ng kwarto ni kuya Ice patungong hapag.

Ng makarating ako doon ay sakto namang tapos nang maghanda si kuya Ice kaya naupo na ako." Hindi pa ba  umuuwi si kuya Arch kuya?" Tanong ko dito." Tumawag sa'kin kanikanina lang. Pauwi na rang sila siguro mayamaya eh narito na siya."sabi ni kuya at naglagay na ng pagkain sa kanyang plato." Ah ganoon ba."sabi ko na lang at naglagay na rin ng pagkain sa aking plato." Nga pala kuya wala ka pa bang girfriend or nililigawan?" Tanong ko dito sabay subo na siyang kinaubo nito kaya dali dali nitong kinuha ang basong may lamang tubig sabay isang lagok na ininom." Anchel naman! 'Wag ka ngang nagbibigla!"asar na sabi nito." Eh ano namang nakakagulat doon? Nagtatanong lang naman ako kung meron ka nang nililigawan o girlfriend." Taas kilay kong sabi. Umiwas naman ito ng tingin at doon ko nakita ang pamumula ng tenga at mukha nito. So meron nga.

"Oy namumula siya. Ano meron nga? Sino ipakilala mo naman siya sa'kin kuya!" Tukso ko sa kanya." Tumigil ka nga dyan! Kumain ka nalang ang dami mo pang tanong!" Namumulang sabi nito saka pinagpatuloy nalang ang pagkain." Oy si kuya nagbibinata na. Sige na kuya pakilala mo na ng makilatis ko" panunukso ko parin dito." Aish! Pwede ba kumain ka nalang dyan. Babatukan na talaga kita dyan. At saka ko na siya ipapakilala kapag kami na."ibinulong pa nito ang huling sinabi na nadinig ko parin kaya napangiti nalang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresintang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin. Pinagpahinga ko na muna si kuya dahil sigurado ako pagod pa ang isang yun. Matapos kong maghugas ay nagtungo na ako sa labahanan upang makuha ang mga damit na maaari nang iligpit at pati narin ang uniform namin ng paplantya na. Tama namang ttuyo na lahat kaya inilagay ko nalang sa may kalakihang basket at nagtungo na sa silid kung saan pinaplantya at inaayos ang mga damit.

Ng makarating ako doon ay sinimulan ko nang itupi ang mga damit na dapat itupo. Tupi dito,tupi doon. Ayos dito,ayos doon at ng matapos ako sa pagtutupi ay sinimulan ko nang plantyahin ang mga uniform at damit naming dapat plantyahin. Plantya ,tupi,plantya tupi,plantya tupi. At ng matapos ako ay naupo na muna ako grabe 'yon pa nga lang ang ginagawa ko pagod na agad ako. Dala na siguro ng kalagayan ko. Nag ayos na ang pakiramdam ko ay pinatay ko na ang ilaw sa silid na 'yon at lumabas na. Nagtungo naman ako sa kusina upang uminom ng tubig. At ng maglalakad na muli ako ay nakaramdam ako ng paninikim ng dimdim kaya napahawak ako s aking dibdib. Naman bakit ngayon pa. Tatawagin ko na sna si kuya Ice ng sakto namang dumating ito at ng makita ang kalagayan ko ay nag-aalalang lumapit ito sa'kin.

"Anong maskit lil sis?" Nag-aalalang tanong nito sabay inalalayan akong makaupo." M-medyo n-nakakaramdam ako ng p-paninikim ng d-dibdib k-ko k-kuya." Medyo nahihirapan kong sabi." Ganoon ba. Sige dito ka pang kukunin ko lang ang gamot mo." Nag-aalalang Sabi nito. Tumango lamang ako,dali dali naman itong umalis upang kunin ang aking gamot. At wala pang sampong minuto ay dumating na ito. Ng maibigay nito sa'kin ang gamot ay agad ko na itong ininom at uminom narin ng maraming tubig. At sa awa ng May Kapal ay bumuti buti na ang pakiramdam ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo lil sis ayos na ba? O kailangan na kitang dalhinsa ospital." Nag-aalalang sabi nito. "Bumuti buti na ang pakiramdam ko kuya kaya wala ka nang dapat na ipag-alala. At saka hindi naman grabe 'yon naramdaman ko para dalhin pa sa ospital." May pagkamataray kong sabi dito at ngumiti narin para ipakitang ayos na ako." Mabuti naman kung ganon. At saka kung kinakailangang dalhin kita sa ospital ay gagawin ko maging mayos ka lang. Mabuti ng makasigurado tayong ayos ka."sabi nito." Ayos kana ba talaga?" Paniniguradong tanong nito. "Oo nga kuya 'wag ka nang mag-alala ok na ako. Magpapahinga na rin ako may pasok pa ako bukas eh."sabi ko dito at tumayo na mula sa pagkakaupo." Oh siya sige. Basta kapag may masakit o kaya'y nakaramdam ka ulit ng paninikip ng dibdib ay tawagin mo lang ako ok?" Paalala nito at kahihigan sa boses nito ang pag-aalala.

"Opo kuya. Ikaw rin magpahinga kana alam kong pagod ka pa." Nakangiting sabi ko. Ginulo naman nito ang buhok sabay korot sa aking ilong kaya napasimangot ako na siyang ikinatawa lang nito." Sige na magpahinga kana. At saka 'wag mo akong alalahanin malakas pa ako sa kalabaw."nakangising sabi nito kaya napangiti na lang rin ako at nagpaalam na upang magtungo na ako sa aking kwarto. Nang makarating na ako s aking kwarto ay nagaipilyo na muna ako at naghilamos ng mukha bago matulog. Ng makahiga na ako sa 'king kama  ay niyakap ko si Archy at pumikit na at hindi naman nagtagal ay nakatulog na rin ako...

______________________________

Copyright 2018 ©ompodR

I'm His TutorWhere stories live. Discover now