Unang Kabanata

44 2 0
                                    

"Mahal na Hari! Mahal na Hari!" Tawag na kanyang cute na mahal na reyna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mahal na Hari! Mahal na Hari!" Tawag na kanyang cute na mahal na reyna.

"Ano yun mahal?" sagot naman ng kanyang asawa

"Hangang ngayon pa ba, wala parin nababalitaan sa ating nawawalang prinsesa?"

"Hangang ilang ulit mo pa bang tatanongin sa akin yan, hindi pa nga tayo nagaalmusal eh, yan na lang lagi ang tanong mo. Alam kong nagaalala ka, ako rin naman, pero patahimikin mo muna ang sarili mo dahil makikita din natin ang ating nawawalang anak."

Dumating na ang hapon, nagtataranta parin ang mahal na reyna sa kanyang kwarto. Ikot siya ng ikot. Punta doon, punta dito. Hindi parin mawala sa isip niya ang nawawalang prinsesa kahit pa noong 15 years ago pa. Eh, tutal, kasalanan niya rin naman to eh. Kung bakit pa kasi niya ito basta-bastang ipinamigay sa kung sino-sino. The man with the black hood pa. Sigh...


SA SASUSUNOD NA ARAW.


"Mahal na Hari! Mahal na Hari!" Tawag ng mahal na reyna.

"Oh, bakit?" sagot naman ng kanyang mahal na hari.

"Hangang ngayon pa ba, wala parin nababalitaan sa ating nawawalang prinsesa?"

"Oh? Eh diba pinagusapan na natin 'to kahapon. Yan ba nanaman ang itatanong mo? Ala, sige, mag-fb ka nalang baka sakaling mahanap mo siya. Sheesh!"


SA SASUSUNOD NA ARAW.


"Mahal na Hari! Mahal na Hari!" Tawag ng mahal na reyna.

"...." imik niya.

"Mahal na Hari! Mahal na Hari! Hangang nga-" Tawag ng mahal na reyna.

"Tigil-tigilan mo na nga ako! Nawawala na ang mga lines ko eh yan parin ang sasabihin mo! Magagalit na ang mga nagbabasa sa'yo kung hangang bukas pa ito"

"...." imik ng hari

"...." imik naman ng reyna

"Fine!" banat ng reyna

"Fine!" sabat naman ng hari

"Good" Reyna

"Good" Hari

"Whatever!" Reyna

"Opss, magbabanyo muna ako" Hari.

Malapit na lumobog ang araw. Nagtataranta parin, dahil doon, nag-mukha siyang panda bear sa eye-bags niya. Wala ang mahal na hari para kalmahin siya. Kaya hangang ngayon, ganun parin ang kalagayan niya.

Paikot-ikot naman siya sa kanyang mga lakad, at nakita ito ni Hari, na dumating na galing sa malayong lakarin.

"Ano, nanaman yan! Tigilan mo yang ginagawa mo. Ginagawa ko na ang lahat, kaya alam ko, positibo ako na makikita natin siya, kaya wag kang magalala, kunting tiis na lang"

Tumakbo ang reyna sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit habang humahagulgol.

"Gusto niyo bang malaman kung saan yung iyong mahal na prinsesa?" sabi ng mahiwagang boses

"Sino yun?"

"Sino ka? Magpakita ka! Wag ka ng duwag"

"O sige na, lalabas na ako para matigil ka na!"

Lumakas ang hangin na nangagaling sa bukas na bintana, pero wala parin ito

"Hoy! Lumabas ka!"

"Nandito ako sa baba ninyo!"

Sabay tingin sa baba ang mag-asawa at nakita nila ang isang unano, na naka hood pa.

Sa pagtingin palang ni Reyna Isabella sumigaw ito na napakalakas na parang isang fire truck, sa gayon, pumasok agad ang mga gwardya at prino-tecktahan ang reyna na hindi pa tumitigil sa kakasigaw.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prinsesa ng KanluranWhere stories live. Discover now