Chapter 38

4.1K 128 6
                                    

Chapter 38

Ang Pretty ko.

*******************************************************

-=JAZZ=-

“Kaninong bahay ito Vince?” tanong ko.

“Bahay namin. Wag mong sabihing inisip mo rin na wala akong bahay?”

“H-hindi naman.” ^___^

“Halika na.”

0____0

*Pling…plang…ching…chang….

Ang bilis ng pangyayari… pagbukas ng pinto mayhangin sa pisngi ko tapos narinig ko na lang yung tunog nung nabasag na baso tapos hinila na ako ni Vincent para makaiwas pa sa mga lumilipad na gamit.

“Pasensya ka na ah! Tinamaan ka ba?” tanong n’ya sakin.

“H-hindi naman. Ganito ba talaga sa bahay n’yo? Pag bumukas nang pinto sinasalubong ng mga gamit sa bahay?” tanong ko.

0__0

“H-ha?” tanong n’ya.

“Kasi sila Ken kusang bumubukas ang gate baka dito kusang lumalabas ang gamit.” Sagot ko.

“Hahahahahahaahahahahahhaa”

Nagulat na lang kami nung may tumawa. Sabay kaming napatingin.

“Sino yang kasama mo, kuya VJ? Nakakatuwa naman s’ya.”

“M-Missy, kaibigan ko s’ya.”

“Hi, ako nga pala si Missy, ikaw?” sabi n’ya sabay lahad ng palad sakin.

“A-ako si Jazz.” sagot ko.

“Nakakatuwa ka naman. Yung kanina nga pala pasensya ka na ah, hindi ko kasi alam na may kasama pala itong si kuya VJ.” Sabi n’ya naman.

“Yan, kasi ang hilig mambato.” Sabi naman ni Vincent.”

“E ang kapal kasi ng mukha mo 5months ka ng hindi umuuwi! bakit ba nandito ka? Akala ko kasi nakalimutan mo ng may bahay ka at may ganito kaganda kang kapatid!”

Nakakatakot ang kapatid n’ya. kaya naman pala hindi natatakot si Vincent kay Nash dahil mas nakakatakot pa pala ang kapatid n’ya.

“Missy naman wag ka ng magalit, babawi ako sayo basta mapasagot ko lang ang babaeng mahal ko.”

Tumingin naman sakin ang kapatid n’ya.

“Sya ba yung mahal mo kuya?” tanong naman ng kapatid n’ya tapos tinuro ako.

“Hindi, kaibigan ko lang s’ya. birthday nung babaeng mahal ko at mahalaga sa kanya ang babaeng ito kaya hihingin ko sana ang tulong mo.”

“Ano naman ang maitutulong ko?”

“Pwede mo ba s’yang ayusan? Gusto ko yung magandang maganda.” Sagot naman ni Vince.

^___^ para namang may igaganda ako.

“Oo ba ako pa ba? halika na Jazz.”  yaya sakin ng kapatid n’ya.

“Hindi ka naman na kailangang ayusan masyado kasi maganda ka na.” sabi n’ya naman sakin.

“S-salamat.” Sagot ko.

“Yung nash, yung nagugustuhan ng kuya ko maganda ba s’ya?” tanong n’ya sakin.

Ang daldal n’ya naman.

“O-oo”

“Maganda pa s’ya sayo?”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Where stories live. Discover now