Prologue

29 4 0
                                    

Ako si Devorah, di kilalang babae, simpleng mamamayan at tahimik na naninirahan sa lungsod ng Makati. Gusto ko ng tahimik na buhay at maging invisible lamang sa lahat. Pero lahat ng iyon nagbago mula sa isang taong minahal lang ako at sinaktan ko lamang.

*****
Nanonood ako ng isang anonymous dance "daw" sabi ng mga kaibigan ko sa isang mall dito sa Mate, syempre dahil sa kagustuhan makapagpanuod eh dumulog din ako, at nakipagsiksikan sa napakaraming tao hanggang sa nasa harapan na mismo nila ako. 'Dying inside to hold you' yung music at nagugustuhan ko ito dahil nakakatuwa at nakakakilig yung mga dancer 'cause they dance very well. I love dancing especially while singing. And I'm doing it on my own. I'm doing it on my bedroom, Alone. Dahil nahihiya ako.

"Dev, we're so happy for you." sambit ni Aisa sa tabi ko sabay hila sa braso ko at para bang kilig na kilig.

"huh? What do you mean?" natapos na ang music at isang lalaki ang lumapit sa akin na naka-cap at may dalang bouquet at mikropono.

"Devorah, for you." Iniabot nito sa akin ang isang bouquet na puno ng pulang rosas at puting rosas sa gitna nito. Nagsipagtilian naman ang mga tao. Mapait kong tinanggap at ngumiti ng mapakla dahil mukhang alam ko na kung saan patungo ang palabas na ito.

"It's been a year since I saw you. Naging magkaibigan tayo at ang swerte ko dahil naging parte ako ng buhay mo."

"Stop this Chad, maraming nanonood, ayokong mapahiya ka, Tayo. Mag-usap nalang tayo sa ibang lugar." bulong ko sa kanya at mukhang ayaw niyang makinig sa akin.

"nagulat nalang ako isang araw pagkagising ko, hinahanap na kita. Gusto kita laging nakikita at makasama." bigla itong lumuhod sa harapan ko at nagsipagkiligan naman ang mga tao.

"You are my whole new world now, Dev. Let me share this whole new world with you." Inilabas niya ang isang box na may necklace.

"Devorah, Will you be my girlfriend?" Halos lahat nasa paligid namin ay humihiyaw at sinisigaw na "yes" daw ang isasagot ko.

Biglang tumugtog ang isang music, at nakangiti siyang tumingin sa akin. Hinawakan niya ang isang kamay ko at agad ko 'tong tinabig.

"I can show you the world
Shining, shimmering, splendid
Tell me, princess, now when did
You last let your heart decide?"

"Chad, get up." Pero patuloy pa rin siyang kumakanta at nakangiti pa rin.

"I can open your eyes
Take you wonder by wonder"

"I said get up! Stop this nonsense--"
Nabubulag na ako sa paligid dahil sa flash ng mga camera at video na nakaharap sa amin.

"Over, sideways and under
On a magic carpet ride
A whole new world
A new fantastic point of view
No one to tell us,"

"No! " sigaw ko at ang bouquet na hawak ko ay nasampal ko sa kanya ng napakalakas at tumilapon din ang microphone nito. Kasabay nun ang pagtahimik ng buong paligid at umukit ang gulat sa mukha ng mga taong nakapaligid sa amin.

Patakbo akong lumabas ng mall at rinig na rinig ko ang bulungan ng lahat. Sumakay ako ng taxi at saka ko lamang naramdaman ang panginginig ng kamay ko. Kasunod nito ang buong katawan ko na at humagulhol ako sa pag-iyak sa loob ng Taxi. Napatingin pa si kuya driver sa akin sa likod, at di ko siya pinansin.

*****

Nung araw na yun, doon na gumuho ang mundo ko. Nasira ang lahat. Ang pagkatao ko, ang dignidad ko at ang buhay ko.

Nagkalat sa Social Media ang Video Proposal ni Chad at ang daming Memes ang lumabas. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang mga picture ko. Nabash ako ng maraming netizens. May mga kakampi pa rin naman ako, out of 10 nasa  0.10 lang sila. They invaded the privacy of mine. Dahil doon nagawa kong umalis sa pamilya ko. Nagdeactivate ako sa lahat ng social media account ko. Iniwan ko ang magandang buhay ko. Iniwan ko ang dating ako. Tinanggal ko ang connection ko sa lahat ng nakakakilala sa akin.

Ang dati kong mahabang buhok ginupit ko at ginawa kong boycut. Lumayo ako sa napakaraming tao. Lumihis ako papuntang Mindanao at napadpad ako sa Davao.

Kaya ko bang makapagsimula ng bagong buhay? Kaya ko pa bang ayusin ang sira-sirang salamin na minsan ng nabasag? O maghahanap na lang ako ng bago para tuluyan ng makita ang totoong ako sa panibagong salamin?



Copyright 2019
👠Miss Heels👠

Authors Note:
I just wanted to thank everyone who are reading this. Please support my story 'till the end. This story talks about the reality, the life we had right now. Whereas, people around us catered and eaten by social medias. I wanted to fight along with those people who ruins someone's life. I am against in their wills. Destroying one's capability in a real world by just commenting and sharing of wrongdoing to others is indeed a sin.



Date started: July 25, 2016
Date ended: on-going...



P.S.

Please be reminded that all I had written here, is not totally true, even the names that I've used are just my narrow minds product. So do me some favor guys, please vote and comment please, to make me inspired and continue this story.

👠MISS HEELS👠

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Noticeable Loud (on-going)Where stories live. Discover now