Pangit ba Ako?

420 11 12
                                    

Pangit ba ako?

     Christmas party noong high school ka. Oras na para sa exchange gift. Turn na niya para ibigay ang nasa wishlist ng taong nabunot niya. Last week kasi may bunutan. Inilista ng bawat isa sa klase ang kanilang pangalan at wishlist sa mga kapirasong papel saka tinupi ang mga ito at inilagay sa fishbowl.

     Napalunok ka pagkakitang palapit siya sa kinatatayuan mo, may ngiti sa kaniyang labi. Bumilis ang tibok ng puso mo. Ayan na, palapit na siya...

     Napapikit ka noong maramdamang dinaanan ka niya, pero agad ka ring dumilat para makita kung sino talaga ang kaniyang nilapitan.

     Ang inyong class muse.

     Napasimangot ka noong iniabot niya sa muse ang gift, at napatikhim ka noong sinabi ng muse, “Ito na ba yun? Hala, thank you!” Pero napanganga ka na lang pagkakitang niyakap siya ng muse sabay halik sa kaniyang pisngi. Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga kaklase mo sa ‘yo… tapos sa kaniya… tapos sa ‘yo. Mga limang segundo sigurong ganito, pero pakiramdam mo nagtagal nang higit pa roon ang kirot sa iyong puso.

     Pagkahiwalay nila, nasilayan mo ang nahihiyang ngiti sa kaniyang pisngi. Noong mga oras na iyon, gusto mong humugot ng armed-chair para ihataw doon sa magandang mukha ng muse hanggang sa maging kamukha ng babaeng ito ang nilamog na Elizabeth Ramsey. Tinapik ka sa balikat ng isa mong kaibigan sabay sabing, “’Wag ka malungkot. Okay lang ‘yan.”

     “Hindi… hindi ‘to okay,” bulong mo, hindi na mapigilan ang pagdaloy ng mga luha mo.

     Hanggang ngayon kasi, hindi mo mawari… bakit kailangan ka niyang iwasan noong umamin ka sa kaniyang crush mo siya? Bakit hindi niya makitang nasasaktan ka na kahit katabi mo lang yung kinakausap niya eh hindi ka niya lalapatan ng sulyap?

     Pangit ba ako?

     “Aray… ang sakit na… ang hapdi na… ayoko na…” ang patuloy mong paghikbi.

     “HOY!” may bumulyaw. “Ano ba ‘yang binubulong-bulong mo d’yan? Ang drama ha! Bilisan mo ngang maghiwa ng sibuyas! Nag-uusok na yung kawali oh!”

     Natatawa pero maluha-luha mong tinugon, “Yung sibuyas ang sisihin mo, Mama! Sa lahat ng mga hinihiwa ko, itong sibuyas ang may pinakamadramang buhay… nakakaiyak! Ajujuju!” Sinadya mo talaga yung jeje-cry.

     Lumapit si Mama sa ‘yo para pitikin ka sa noo. “Naku, bata ka! Bumanat ka pa! Bilisan mo na d’yan! Mamayang gabi na uwi ng tatay mo.”

*

*

*

*Pangit ba ako?

     Naglalakad-lakad ka ngayon sa SM, suot plain yellow T-shirt at jeans. Kahit saan ka lumingon, may mga pink at pula, may mga dekorasyong korteng puso, at may mga magka-holding hands. Sa sobrang pula ng paligid, kulang na lang maging toro ka na.

     Panay ang buntong-hininga mo habang pinagmamasdan sila. Ang sasaya nila. Nakakainggit? Umiling ka saka nakangiting ipinagpatuloy ang paglalakad at pagtingin sa paligid, dinadama ang lamig ng SM.

     Nag-ring cellphone mo noong paakyat ka sa escalator, kaya hindi ka muna sumakay dito. Gumilid ka saka sinagot ang phone. “Hello?”

     “Hello Bes!” sabi nung excited na boses sa kabilang linya. “Happy birthday nga pala! Aiyee, twenty-five years old na siya. Haha!

     Natawa ka. “Salamat, Bes!” Buti pa ‘tong bestfriend mo, naalalang birthday mo ngayon. Kanina roon sa bahay, sa sobrang busy ni Mama sa paghahanda sa pag-uwi ni Papa, hindi niya naalalang batiin ka. Naintindihan mo naman eh. Limang taon kasing nasa abroad si Papa para magtrabaho, at ngayong araw daw siya uuwi. Sakto sa birthday mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangit ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon