Chapter 52: Sagutan

5.6K 127 14
                                    

Raven's POV

"Uy Ray. Ano nangyari? Bakit..bakit kasama ni J-jp si Melody? Ano nangyari?" Sunod sunod na tanong ni Lex. Sinarado ko na yung locker ko at tinignan ang dalawa na pinagkakaguluhan ng mga studyante ngayon

"Huy. Shet. Hindi bagay! Ano ka banaman Raven! Bakit ang bilis mo naman siyang bitawan?"

Napalingon ako kay lex. Tsk. Nanghuhugot nanaman

"Eh hindi naman siya naging akin akin eh" sabi ko at nag lakad na

Naiinis ako

Ang iingay nila!

Pumasok na ako sa room na onti lang ang tao dahil halos lahat sila ay nasa labas

Nakakarinig ako ng tili at puri sa kanila. Nagsalpak nalang ako ng earphones at humalumbaba

Eh bakit nung kami ni JP wala man lang akong natanggap na puri?

Puro nga lait eh tas.. tas..

-_-

Ah basta bad trip!

Narinig ko ang pagpasok nila pati na rin ang ibang studyante

"Ahm. Excuse me" napaangat ang ulo ko ng may umalog alog saakin

Nakita ko si Melody sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngayon ko lang din napansin na nandiyan na siya nakaupo sa tabi ko

"Alis" napatingin ulit ako kay melody

"Bakit?"

"Girlfriend ako ni JP may problema ba doon?" Tinignan ko siya pati si JP at umiling

"Wala" sabi ko at humalumbaba ulit. Narinig ko siyang nagmura at tinulak tulak ako paaalis sa upuan ko. Masama ko siyang tinignan

"Ano ba?!" Inis kong sabi. Ewan ko ba. Na babadtrip ako sa pagmumukha niya. Tsk

Nakita ko siyang nag smirk

"Ms. Salazar! Bakit ka sumisigaw?!" Napatingin ako may mam jennie na ngayon ay galit na nakatingin saakin

"Mam" sabi nj melody "May nag cecellphone" pagpaparinig niya na nasa harapan ko parin ngayon

"Sino?" Tinuro naman ako ni Melody. Agad agad kong tinanggal ang earphones pati ang cellphone ko na nakuha ko na noong kami pa..

"Akin na yan. Akin na yang cellphone na yan" dahan dahan kong binigay ang cellphone ko kay mam

"Hindi mo ito makukuha hanggat walang parent ang pumupunta dito" sabi niya at inilapag ang cp ko sa table niya at sinermonan na ako

Tsk. Kakakuha ko lang ng cellphone ko tas kukunin ulit saakin. Pati nga siya kinuha na rin saakin eh. Char

Masama kong tinignan si Melody na nakangiting tagumpay na ngayon na bumalik sa upuan niya. Napa tsk ako at tinignan ang cp ko na nakay mam

Naramdaman ko ang tingin niya kaya humalumbaba ulit ako

"Alam mo, nanggigigil na talaga ako sa babaeng yon eh. Sarap ipatapon sa manila bay. Ang baho ng ugali!" Sabi ni lex. Naglalakad na kami ngayon sa hallway para mag lunch

"Kaya nga eh. Tapos pinag malaki p na syota niya yung siopao na yun. Tss"

"Hmm. Kami ba ang pinag uusapan nyo?"

Napatingin kaming dalawa sa boy and girl nanasaharapan namin

"Come on melds. Umalis na tayo dito" narinig kong sabi ni Jp kay melody na mahigpit ang pagkakakapit sa braso nito

Wow. Siya may nickname?! Bat akin ashley? Awtsu

"Why babe. Don't you want to meet your girlfriend wanna be?"

Naramdaman kong kumulo ang dugo ko pero pinigilan ko lang. Huminga ako ng malalim at nginitian ang dalawa na ikinagulat nila

"Sorry melody kung nag seselos ka saamin dati ni JP" nakita kong nagulat ang tatlo "But that's not my problem anymore. Dapat nga iniisip mo ng mabuti kung sino talaga ang may ari niyan eh!" Sabi ko sabay turo sa tiyan niya

Nakita ko ang pagsimpleng ngiti ni JP kaya nginitian ko din siya

"What-- JP. Don't smile at her! Remember. Im your girlfriend!" Galit na bulong ni Melody dahil pinapalibutan na kami ng studyante ngayon

Naglakad ako. Sa gitna nila

Nagulat ang lahat. Pati narin ang dalawa

"Grabe. Ang bilis naman. Kakaumpisa niyo palang nagbitawan na agad kayo. Bye!" Sabi ko at tumalikod na



"Good bye class"

Uwian na namin ngayon. Nasa may hallway na kami ng biglang may groupo ng babae ang humarang saamin. Kasama doon yung ibang barkada ni Melody except kay Elrah

Hindi namin sila pinansin at nag patuloy ng paglalakad ng patirin nila si Lexi. Buti na lang nahawakan ko siya

"Nakng-- ano ba problema nyo!?" Inis na tanong ni lex at inaayos ang pagkakasabit ng bag sa likod

"Kayo!" Sabay na sabi ng kambal na katropa ni music

"Pwede ba. Tumigil na kayo" mahinahong sabi ko

Napatingin saakin ang groupo ng mga babae. Lumapit ang isa na isa nanaman sa tropa ni Music

"Bakit? Sino ka ba para utusan kami huh?" Sabi niya at tinulak tulak ako. Pinapaligiran nila ako kaya hindi na ako makakatakas doon. Nakita si lex na pilit na sumisiksik para tulungan ako

"Oh. You don't want to know" kaswal kong sabi. Napataas naman ang kilay niya

"Bakit? Mayroon pa bang mas lalala diyan sa ugali mo? Sige! Ipakita mo! Ipakita mo tunay mong uga--" hindi ko na siya pinatapos ng aktong sasampalin ko siya. Napapikit siya

"Wala pa nga, pikit ka na agad diyan. Paano pa kaya kung idinikit ko na talaga to sa napakakapal mong mukha?" Sabi ko at binaba na ang kamay

"How dare you--" aktong sasampalin niya ako ng may sumigaw sa likod

Si lexi. Nakuha niya lahat ng atensiyon. Tumingin siya saakin at sinensiyahan akong tunakas na. Nginitian ko siya

"WHATS GOING ON HERE?"

Tatakas palang ako ng biglang sumigaw si Sir Ryan. Natigilan ako ng mag tama ang mata namin

"Who's responsible for this?" Tanong niya

Nagulat naman ako ng ituro nila ako. Pati ako napaturo sa sarili ko eh

"A-ah. Talaga?" Nakita ko ang pag aanlinlangan niya

"Ahm.. Ms. Salazar. Please come with me" sabi niya. Nginitian nila ako at binigyana ako ng daan papunta kay sir

Habang nag lalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sakanya. Shit. Ano ba nangyayari saakin? Ibinaling ko nalang ulit sa daan ang tingin

Tumigil kami sa tapat ng room namin. Humarap siya saakin

"Ah.. can you tell me kung ano talaga ang nangyari?" Napatingin ako sakanya. Nakaramdam ako ng kaba at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak tuloy ako don

"H-huh? Ah kasi... Ano.."

"Sir. Pwede po ba kitang makausap?"

Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita. Nag tama ang tingin namin

Ang Girlfriend kong Tomboyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن