kabanata 4

119K 1.6K 16
                                    

Kabanata 4

Paris

          This is it! Finally dumating rin ang araw na hinihintay ko, after seven years of waiting makikita ko na sya ulit.

          Pinapaypayan ko ang sarili ko using my handa at napapaihip ng hangin. Kinakabahan ako! Ang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba.

          "Are you ready, anak?" Lumapit si mommy sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Halong saya at lungkot ang makikita mo sa mga mata nya. "Kung gusto mong umatras you still have time. Ako ang bahala sa daddy mo just be happy."

          Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng tuwa dahil sa sinabi ni mommy. Kung sa iba iba lang baka pilitin pa nila ako para lang matuloy ang gusto nila.

          Ilang beses ko na ring natanong sa sarili ko kung gusto ko pa nga bang ituloy ito o umatras na lang. Pero bandang huli iisa lang ang napagdedesisyonan ko palagi. Yun ay ang ituloy. Mahal ko pa rin sya at handa akong sumugal kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ako.

          "This is my last chance mom. I'd rather play my last card than regret for the rest of my life."

          She sighed and smiled. "Ang bunso ko dalaga na talaga. If that's what you want then we're here to support you. Just always remember na sa isang relasyon hindi maiiwasan ang magkasakitan o masaktan. Wear this necklace it's our family heirloom."

          Napasinghap ako ng makita ko ang kwintas. Naiiyak ako ng isuot ni mommy sa akin ang kwintas. I feel special dahil sa akin binigay ni mommy ang necklace kahit pa si kuya ang panganay.

          "It's beautiful, thank you, my. I promise iingatan ko po ito and give it sa anak ko when the right time comes."

          "Give it to your daughter when you think she found the right man for her." Yinakap ko si mommy. "Come on, mag sisimula na ang party."

          Hinawakan ko ang kwintas ko at tiningnan for the last time. I wonder kung ibebenta ko kaya ito magkano kaya mabibili? Kidding. Tumingin ako kay mommy at tumango.

          Nandyaan na naman ang mabilis na pintig ng puso ko. Mas lalo pang bumibilis at lumalakas ang pintig nya habang papalapit sa garden kung saan gaganapin ang engagement party namin. Engagement na namin pero ngayon pa lang kami ulit magkikita. Kaloka.

          Nahihilo ako sa dami ng mga tao na mostly mga businessmen at businesswomen, ang iba naman ay mga galing sa mayamang angkan. And mostly mga taong plastic.

          Hindi pa naman maguumpisa kaya nagpaalam muna ako kay mommy na pupuntahan ang mga kaibigan ko. Mahina akong natawa ng magkagulo sila ng papalapit na ako.

          "Nakakatampo ka, hindi mo man lang sinabi sa amin na engage ka na." – Nagtatampong sabi ni Justine.

          "You didn't even bother telling us that you have a boyfriend!" Pinandilatan pa ako ng mata ni Carrie pagkatapos nilang mag beso sa akin.

          I chuckles. "Wala akong boyfriend. It's arrange marriage. I'm glad you're all here. Thank you for coming at least nabawasan kahit papapaano ang kaba ko."

          Nagdududang tiningnan ako ni Howard and Taylor. "Are you sure you want to marry the man? You know you can always run, we are here to help you." Seryosong sabi ni Rance na nakapag pa touch s aakin.

          Ngumiti ako kay Rance at yumakap sa kanya. Humilig ako sa dibdib nya habang nakatingin sa mga kaibigan namin.

          "I am very sure, Rance. I still love Rain at kung ito lang ang tanging paraan para makasama sya handa akong sumugal."

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon