Unang dalawang salita sa blankong Papel

31 2 0
                                    

. ® All Rights Reserved 2018, Aspenz18q@AspensBasco
---------
(credits to kuya Jake Paulo Elano)
----

Tuldok...
Tuldok...
Tuldok...

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Basta't ang alam ko'y magsulat ng mga salita
Mga salita? Hindi ko alam kung anong salita.

Ano bang Tama?
Anong akma?
Ilang talata ba o gaano kahaba?

Gusto kong simulan sa isang salita
Ikaw,
Ikaw ang unang salita

Saan ko ba ito itutugma?
Ikaw na puro salita?
O ikaw na kulang sa gawa?

Ikaw, Parang di tugma?
Bura.. Bura.. Bura..ikaw ay burado na
Kaya mananatiling blanko ang papel na ito.

Simulan nalang natin sa salitang ako.
Ako? Hmmm?
Bakit ako?

Ako na nagmahal sayo?
Ako na laging sinusunod lahat ng gusto mo?
Ako na gumagawa ng assignment mo?

Ako na alam lahat ng paborito mo?
Menudo, mechado, adobo!!
Ano pa ba ang pwedeng idagdag sa salitang ako?

Ako na binabalewala mo?
Ako na tatawagin mo lang pag kailangan mo?
Ako na sasampalin, sisigawan o mumurahin mo?

Ako na uutuin at sasabihing ako ay gwapo kahit hindi naman totoo
Hindi ang salitang ako,
Ang sasapat sa papel na blanko.

Masyado nang madrama ang mga salita
Hindi ko alam kung ito pa ba ay Tama
Mga salitang diko makaila

Mga salitang gustong kumawala
Mga salita na ayaw magpatala
Mga salita na mahirap itama.

Ikaw at ako, ang unang dalawang salita
Hindi tugma
Hindi Tama
Hindi akma.

Luha Ng Tinta (SPOKEN WORD POETRY)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora