when your CRUSH replies "k."

195K 5.6K 2.8K
                                    

WHEN YOUR CRUSH REPLIES "K."

Written by: ayawmobuuh

www.wattpad.com/user/ayawmobuuh

"k."

 sa modernong kapanahunan ngayon, yan ang madalas na nirereply natin kapalit ng "okay". mapa facebook man yan, text, wall post, at kalimitan, sa chat.

 ginagamit yan kapag tinatamad tayong magreply ng mala-nobelang text.

ginagamit yan para barahin yung mga jokes at pick-up lines na sobrang corny.

at kadalasan, ginagamit yan para mang-asar.


pero kung ang crush mo ang nagreply nyan sayo..






maaasar ka pa ba??

============================

Copyright @ 2012 by ayawmobuuh

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electrical or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

============================

>>author's POV<<

time check---> 9:00pm

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin nakakapag gawa ng mga homeworks si Katherine.

kasalukuyang lunes ng gabi ngayon kaya naman paniguradong tinambakan na naman sila ng homeworks ng kanilang mga guro.

"Nakuu naman. Mag ca-cramming na naman ako.." ang sabi ni Katherine sa sarili..

"di bale. Sanay na naman ako dyan. Hahaha" dagdag pa nya. At tumawa pa siyang mag-isa. Hayy.. baliw na yata to.

pagkatapos kumain ay umakyat na siya papuntang silid niya at nagsimula nang halughugin ang bag nya.

"naman. Andami ko palang gagawin .. Hayy.. welcome to my face, eyebags at pimples!" sabi niya dahil sigurado siyang magpupuyat na naman siya ngayong gabi.

Sa totoo lang, sanay na siya sa gawain niyang yan kaya naman walang pinagbago para sa kanya. Sanay na rin siyang matulog sa eskwela habang nagkaklase kaya napapagalitan siya ng guro nila at minsan, binibigyan pa siya ng special project bilang parusa..

"Ugh. Spanish, Chemistry, Advanced Statistics, tas dumagdag pa tong Araling Panlipunan na to! waaaaaaa" hate na hate niya ang subject na AP. Kahit anong pilit nyang intindihin ang mga binabasa nya ay wala syang ma-gets.

when your CRUSH replies &quot;k.&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon