Chapter 19 Till we meet again

15.3K 320 14
                                    

Chapter 19

Tamara's POV

           Tatlong araw matapos ang nangyari ay nilibing na rin namin si Kuya James. Dumating ang daddy ko galing japan. Nagkita na si Papa at si Kenzie. Habang si Kenjie (Uno) ay hirap pa rin kaming suyuin dahil nakalakihan na niya si Kuya James.

"Kenjie gusto mo bang kumain?"  Umiling ito at lumayo sa akin.

"Anong gusto mong kainin. Do you like soup, i will cook for you?"

"No!.. i want to see my daddy." sabi nito at gusto na niyang umiyak.

Bigla ko siyang niyakap at tumulo nalang ang luha sa aking mata. Ayaw kung makita ang anak kung nasasaktan. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

Dinala ko siya sa kwarto nito ay pinatulog na muna. Nong nakatulog na siya ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Sakto na naman na parating si Kenzie.

"Okay ka lang ba?" Tumango ako.

"Magpahinga ka na muna." Umiling ako.

"Titignan ko pa si  Patrick." sabi ko. Akma na akong maglalakad pero pinigilan niya ang kamay ko. "I'm really sorry Tamara." pero tinanguan ko lang siya ay naglakad palayo. Dinala kami ni Kenzie sa dating bahay niya sa maynila. Ayaw ko sanang dalhin pa sila dito pero pinilit kami ni Kevin. Baka daw kasi balikan kami ng mga iba pang nakatakbo.

Papunta na ako sa loob ng kwarto nila Patrick at Peter ng maramdaman kung nagising ito sa kanyang pagkakatulog.

"Nay..." sambit nito. Bigla ko itong nilapitan at niyakap.

"Nay umiiyak ka po ba?" tanong ni Patrick sa akin habang yakap yakap ko ito. Hindi ko mapigilan ang sarili kung wag maiyak. Dahil na rin sa sabay sabay na pumapasok ang mga katanongan sa isip ko. Paano kung hindi ako matanggap ni Kenjie. Paano ko sasabihin sa bata ang katotohanan. Paano ko ipapaliwanag ang laht sa kanya. At heto si Patrick handa akong tulungan para sa lahat. 

"Nay...kung ano man po ang problema ninyo. Nandito po ako para makinig sa inyo. Di po ba Good Listener ako." sabi nito at sa isang iglap napangiti niya ako.

"Oo naman anak. Isa ka sa mga nagbibigay sa akin ng lakas." niyakap kung muli ang bata.

"Sige na matulog ka na ulit. Lalabas muna si nanay." sabi ko at humiga na muli si Patrick.

Kenzie's POV

                  Sa nakaraang araw hindi iilang besis kung sinuyo at kinausap si Tamara. Pero parang hindi pa ito ang tamang panahon para kausapin ito. Alam kung nag aadjust pa rin ang bata sa amin tatlong taon siyang nawalay at hindi kami nakilala.

"Kamusta ka na pare?" tanong sa akin ng mga kaibigan ko.

"Hindi ko alam kung paano ako haharap sa familya ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan humingi ng tawad sa kanila. Lalong lalo na kay Tamara."

"Pare, maiintindihan ka naman siguro ni Tamara kung ipapaliwanag mo sa kanya ang lahat. Oo sa una mabibigla siya, dahil sa simula hindi niya alam ang tunay mong trabaho. Hindi niya alam na undercover ka. Pero kung mag uusap kayo at sasabihin mo sa kanya ang lahat. Hindi siya magdadalawang isip na patawarin ka. Just be honest to her."

Napaisip ako sa sinabi ni Lenard. Tama siya kailangan kung sabihin sa kanya ang totoong pagkatao ko. Yung wala akong tinatago sa kanya. Pero paano ko gagawin yun kung galit pa rin siya sa akin. Hinawakan ko ang sentido ko.

"Basta ang gawin mo kausapin mo siya at humingi ka ng tawad. We learn lesson from our mistake. At yun ang nangyari diba."

Pagkatapos naming magusap ni Lenard ay umuwi din ako agad. Napansin kung may tao pa sa labas ng verandah pagpasok ko. Tinignan ko ito at nakita kung nakatulog dito si Tamara.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETEWhere stories live. Discover now