Chapter 5.

27.9K 320 9
                                    

CHAPTER 5


Hindi pa ako umuwi right after school.. 

Pumunta muna ako sa park at umupo sa swing.. Nag-isip isip ako tungkol sa sinabi ni Cody.. 

Nang hindi ko nalang namalayan na natumulo na yung luha ko.. 

Hindi ko talaga alam anong gagawin ko.. Tutulungan ko ba sya o hindi?

Oo, crush ko lang sya.. DATI! Pero ngayon ata, mahal ko na sya.. 




Oh wait, MAHAL? Well, i love everything about him.. Parang mali to.. 

Lagi akong nakatingin sa kanya from a distance.. Hindi nya ako pinapansin or tinignan man lang! Tapos ngayon, kinakausap kausap nya ako para lang tulungan ko sya na mabalik sa kanya yung ex-girlfriend nya! Ano yun joke? Hindi nga nya talaga alam na may gusto ako sa kanya.. 

Medyo nag-tagal ako sa park.. Nakaupo sa swing.. 

Siguro nga dapat tulungan ko sya kahit na masakit.. Mag-papaubaya nalang ako... 

Tumayo na ako sa swings at nagtumawag sa driver namin.. Sinundo na ako ni Manong Henry sa park.. Sumakay na ako sa kotse at iniisip ko parin yung tungkol dun.. Nakatingin sa bintana..


Nang biglang nag-salita si Manong Henry..

"Iha, okay ka lang ba? May problema ka ba? Tulala ka kasi eh mukhang malalim ang iniisip mo.." tanung ni Manong

"Ah. eh.. Hindi naman po.. Heheh.. Pagod lang po ako.."

"Ahh.. Kung meron ka mang problema, pwede mo saakin sabihin.. Hindi ko sasabihin kahit kanino.." sabi ni Manong.

"May tanung po ako.. Kasi po yung kaibigan ko, yung ex-boyfriend nya humingi ng tulong sa kanya.. Tulungan daw po sya na mabalik yung ex-girlfriend nung lalaki.. Nag-iisip po yung kaibigan ko kung tutulungan nya pero ang kapalit naman ay mag-papanggap sila na mag-karelasyon kasi gusto ng parents nila na maging sila.. Ano po satingin nyo? Ano pong gagawin ng friend ko??" tanung ko (Sorry~ ang gulo ng pag-kaexplain ko!!!)

"Ay nako iha, mahirap yun ah.. Mahal nya parin ba yung lalaki?" tanung ni Manong

"Hmm.. Parang ganun na nga po.." sabi ko

"Kung ako sakanya, ay tutulungan ko nalang yung lalaki.. Kung baga, magpapaubaya nalang ako kahit mahirap at masakit.. Kasi ibig sabihin lang nun, hindi sila para sa isa't isa.. At parang nagpagamit lang sya pero kung tutulong naman sya for a cause.. Edi okay lang naman siguro.." sabi ni Manong..

"May point po kayo! Tama tama! Sabihin ko po sa kanya bukas! Thank you po manong!" sabi ko

"Ay nako iha, pasensya na! Masyado na akong matanda para sa advice advice tungkol sa mga pag-ibig na yan! Haha!" sabi ni Manong

Tumawa nalang ako.. 

Binaba na ako ni Manong sa gate namin.. Pagkapasok ko sinalubong agad ako ng Mommy ko.. Nandun din yung Mommy ni Cody >____<

"Oh Honey!!" Sabay kiss ng mommy ko sa cheeks ko..

"Ah Good Evening po Mrs. Cojuanco! Kumain na po ba kayo?" sabi ko..

"Yes dear! Nag-merienda na kami ng mommy mo! By the way, don't call me Mrs. Cojuanco.. From now on call me Mommy L too!" sabi ni 'Mommy L'

"Heheh.. Okay po Mommy L" nagbeso beso kami.

"Anyway, how's the date anyway? Cody called me that you guys already did the date today because he's going to be busy tomorrow! How was it?" Tanung ni Mommy L.

"Okay naman po! Kumain lang po kami.." I lied.. Hindi ko kasi natanung kay Cody ano sasabihin ko pag tinanung ako ng parents namin..

"Oh that's great!!" Few more weeks before the wedding! It's all set! From the wedding to reception!! Excited na kami para sa inyo!" Sabi ng Mommy ko.

"Oo nga! By the way mare.. Hindi na ako mag-tatagal.. I need to talk to Cody eh.. Bye.." sabi ni Mommy L.

Nag-beso beso kami at hinatid nanamin sya palabas..

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, kumain kami ng mommy ko... Nag-usap usap tungkol sa iba't ibang bagay at pag-katapos namin magkwentuhan, pinataas na nya ako para daw magpahinga na daw ako.. 

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nagpalit muna ako ng pajamas at binuksan ko yung laptop ko.. Chineck ko yung facebook ko, nag twitter at nag-hanap ng mababasang story sa wattpad.. Hanggan nakatulog na ako sa table ko..

Nagising na ako ng 9:30AM! Nag-pray muna ako bago bumangon na sana maging okay na lahat between me and Cody.. Pagkabangon ko inayos ko na yung  kama at buong kwarto ko.. Tpos bumaba na ako..

Hinanap ko si mommy tpos lumabas si Manang. Yung yaya namin.

"Hayley, sabi ni Madam may aasikasuhin sya kaya  kailangan nyang pumunta sa Canada.. 3 days lang siya mawawala.." sabi ni Manang 

"Ah ganun po ba?" Nag frown ako.. Bat hindi nya ako sinama TT____TT

Habang kumakain ako ng cereals (haha bata!) naisip ko yung tungkol dun sa favor ni Cody! Kailangan ko pala syang kausapin!!

So after kong kumain inisip ko kung tawag ba o text nalang.. Naalala ko busy pala sya kaya text nalang siguro..

So tinext ko nalang sya ito ang sinabi ko :

[Cody, si Hayley to. Gusto ko sana ikaw kausapin tungkol sa favor mo.. Text mo nalang ako kung may free time ka today..]

****SENT****

Pumunta ako sa kwarto ko tinuloy ko na yung pag-babasa ko sa wattpad..

After 3 hours nagring yung cellphone ko. Nakalagay "Calling Codyabang" (RINGTONE: TROUBLEMAKER WHISTLE PART!LOL). WAA! Si Cody!!!

Sinagot ko agad. "Ehem.. Hello?"

"Hello? Magkita tayo ngayon na. Nasa labas ako ng bahay nyo.. Bilisan mo" sabi nya..

NASALABAS SYA NG BAHAY KO??? 


==================================================================

Pumunta si Cody sa bahay ni Hayley:P 


Pumayag na ba kayang tuluyan si Hayley na tulungan si Cody? 


Sino kaya ang ex-girlfriend ni Cody?? 


Malalaman sa next chappie ng 'Long Time Crush  into Future Husband!!!' 


See you next chapter:) 

Thank you po:) See you next chapter <3 <3 <3

My Long Time Crush to Future Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon