Resibo (ONE SHOT STORY)

1.3K 43 8
                                    

               "PARE, okay na ba 'to? Babayaran na ba natin sa counter 'to?" Itinuro ni Sebastian ang isang maliit na basket na may laman na isang Koko Crunch, isang fresh milk, at tatlong plastik ng malalaking sitsirya.

               Kaagad namang tsinek ni Herman ang basket niyang dala at tinignan kung may kulang pa nga ba silang pinamili, "Heto lang naman ang isinadya natin dito, diba? Hindi naman siguro tayo mago-grocery para pamilihin natin ang lahat ng mga kailangan sa bahay natin?" Inosenteng sagot naman ni Herman kay Sebastian.

               Ngumisi si Sebastian, at tinapik ang ulo ng binata, "Binabara mo ako, bata ha. Haha. Sige na, ideretso mo na 'yan dun sa counter. Papausok lang ako saglit." Utos nito kay Herman at saka naman niya ito itinulak palayo. Wala na namang nagawa pa si Herman, kundi sumunod na lamang sa inutos sa kanya ni Sebastian.

               Si Sebastian at Herman ay magpinsan. Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon si Sebastian, dito sa Manila at nakikituluyan ngayon sa bahay nila Herman. 'Like a Boss' kasi itong si Sebastian. Hari-harian siya dun sa bahay nila Herman, kada nagbabakasyon ito sa kanila. Dinaig pa nga niya ang senyorito ng bahay nila Herman.

               Hindi naman natin masisisi si Sebastian kung ipinalaki siyang spoiled ng kanyang mga magulang. Mabuti na lamang at kaya siyang pakisamahan nitong pinsan niyang si Herman, kasi kahit ang mga sariling magulang nito, ay hindi nakakatagal sa ugali nitong si Sebastian.

               Matigas kasi ang ulo nito, pilyo pa sa mga babae, at karamihan sa mga nagsasabi, ay matigas nga raw ang ulo nitong si Sebastian. Bully nga rin daw ito si mga tao sa paligid niya, pati na rin sa kanyang mga sariling kamag-anak. Mahitsura naman ang lalaking ito, marami ring humahanga sa taglay niyang galing sa pagbabasketball, dagdag na rin ang kagwapuhan ng binata.

               Si Herman naman, ay kabaligtaran ng ugali at personalidad ni Sebastian. Masunuring bata ito, palabasa, kaya nga lagi siyang inaasar nitong nerd. Hindi ito sa tamad sa mga bagay, hindi nga rin ito tamad mag-aral, at kahit na inuutusan siya ng kanyang mga magulang, ay sumusunod naman kaagad siya. Sa katunayan, kung one of the boys 'yung si Sebastian, ito namang si Herman, masasabi rin namang one of the boys din, KUNG babawasan nito ang masiyado niyang pagiging bookaholic, at kung tatanggalin sa mukha niya ang salamin na nagpapamukha sa kanyang nerd.

               Nang makaderetso na itong si Herman sa counter, napansin niya na dito sa parteng ito ay may mahabang pila. Kaya naman tumingin siya sa ibang mga counter na... bukas naman, pero wala naman masiyadong nakapila dito. Kaya naman agad siyang nagtaka, "Ano kayang mayroon dito?" Kusang naisambit niya sa kanyang sarili.

               At dahil wala pa nga si Sebastian dahil nanigarilyo pa ito, nagmasid-masid nalang ulit si Herman sa paligid niya. Iniisip niya kung lilipat ba siya o hindi, pero dahil sa tindi ng pagka-curious niya, parang gusto rin niyang alamin kung bakit parang masiyadong pinagkakaguluhan ang saleslady sa counter.

**

               AT dahil nainip na siya sa sobrang tagal, at dahil hinahayaan nalang din niya na masingitan siya ng ibang mga customers sa kanyang pila, mas lalong humaba tuloy ang pila dito. Nahiya naman siyang magreklamo, at mas lalong wala rin naman siyang lakas nang loob magtanong kung bakit dito pa ang may pinakamahabang pila.

               Napagdesisiyonan nalang niya na lumipat sa kabilang counter. Iniisip na rin niya na baka nga hinahantay na rin siya ni Sebastian sa labas, "Tsk. Baka malintikan pa ako dun." Sabi pa niya sa ulo niya at saka napakamot nalang siya sa batok niya.

               Paalis na sana siya nang biglang...

               "T-teka! Diyan ka lang Herman!" Tila nagulat si Herman sa sigaw ni Sebastian sa kanya. Medyo malayo-layo pa kasi ito sa kanya, nang bigla siya nitong pinigilan. Kaya naman napatingin sa kanila ang ibang mga tao sa loob ng grocery na 'to. Bigla namang kinabahan si Herman, dahil naisip niya bigla na, All eyes on him.

Resibo (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon