Isang Pangako

707 28 27
                                    

Isang Pangako

Hi guys meet Alvin and alice

sila ay parehong galing sa isang mahirap na pamilya

si alvin ay nag mula sa isang pamilya ng mag sasaka at ang kanyang ina ay isang tindera sa palangke, si alvin ay tumutulong din sa kanyang ama na mag-saka sa tuwing umaga hindi lang pag sasaka ang ginagawa nya kundi pati pag tatanim ng gulay tulad ng repolyo, karots, okra, ampalaya at talong. sumasideline din si alvin bilang isang bangkero ng mga tourista sa kanilang lugar pero kahit gano pa kasipag si alvin hindi nya parin nakakalimutan na makapag aral at makapag tapos kaya patuloy pa rin syang nag aaral ng High school sa kabila ng kanilang kahirapan hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pag aaral...

ito naman si alice nag mula rin sya sa isang pamilyang mahirap. ang kanyang ina ay isang tendera din ngunit hindi nga lang sa palengke kundi sa kalsada lang, tuwing umaga si alice at ang kanyang ina ay nag lalako ng suman at pag sapit naman ng alas diyes ng umaga gulay naman ang nilalako ni alice at ang kanyang ina naman ay isda.. si alice ay nag mula sa isang tribo ng badjao na nag mula sa mindanao at halos ng kanilang katribo ay hindi nakakapag aral ngunit si alice ay iba sinikap nyang makapag ipon at makipag sabayan sa pag aaral, kaya naman bukod sa pag tulong nya sa kanyang ina si alice din ay sumisisid sa kailaliman ng dagat upang makakuha ng ibat ibang klase ng shells upang ibenta sa mga touristang bumibisita sa kanilang bayan at sa tuwing sasapit naman ng gabi pag katapos ng eskwela si alice ay nag bebenta ng balot at penoy kapag na ubos na ang kanyang benta kung may oras pang natitira sya ay nanlilimos at nangangalakal ng basura para makaipon ng mga plastic at lata na pwedeng pag kakitaan. ginagawa ng lahat to ni alice upang pandagdag panggastos din sa kanilang pamilya, wala na kasi syang ama dahil ito ay namayapa na nung mga musmos palang sila..

alice and alvin have a lot of common things in their life hindi lang din sa estado ng kanilang buhay pati na rin sa eskwela pareho silang matalino at may aking kagandahang loob at panlabas.

naging mag best friend sila habang nag aaral sa high school, pareho silang nakapag tapos ng pag aaral naging Valedictorian si alvin at naging salutatorian naman si alice. at sa kanilang pag tatapos ng high school yun na rin ang naging hudyat ng pag tatapat ng pag ibig si alvin kay alice....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

8 years later..

ako si alvin ang taong masayahin at punong puno ng pangarap.

walong taon na kong naninirahan sa kalungsuran

at walong taon na din akong palaboy-laboy sa lansangan,

lahat siguro ng pwedeng gawin ng isang palaboy halos nagawa ko na din....

gaya ng mag-nakaw, makipag basag ulo, mag droga, mag sugal at marami pang iba.

isang araw habang akoy nag lalakad sa lansangan pauwi sa aking mumunting tahanan

may nakasalubong akong isang babaeng mukhang kagagaling lang sa opisina.

Syempre gaya ng dating nakagawian ko na, pagnanakawan ko tong makakasalubong ko.

medyo madilim naman ang kapaligiran, kaya alam kong di nya ko mamumukaan sa gagawin ko

kaya sasamantalahin ko na ang pag kakataon na to, para naman may maiuwi akong pera.

habang unti-unti akong papalapit sa kanya mabilis kong hinablot ang bag at cellphone nya,

pero di ko agad naagaw yun, dahil may pagkahigpit ang pag kakahawak nya sa gamit nya,

pilit kong inagaw yung bag at cellphone nya, pero nanlaban din sya gaya ng inaasahan ko,

kaya mabilis agad akong nag labas ng patalim sabay tinutok ko sa kanyang tagiliran,

Isang PangakoWhere stories live. Discover now