CHAPTER 135: To Confess

4.9K 68 1
                                    

A/N: Hello Readers! Today's update is all about Blue and DA. :P Sana basahin niyo pa din kahit wala masyadong Ken-Grace scenes dito. But I do promise na sila ang focus sa next update.

Anyway, these past few days parang inaatake ako ng sakit. Katams. You know, the quality of being unwilling to work or use energy. In short, katamaran. Feeling ko parang tinatamad akong tapusin na tong story na to. Kulang sa inspiration and motivation, maybe? Irunno.... Pero there is this part of me na nagsasabing wag daw akong tamarin. At utang na loob, tapusin ko na daw to dahil it's been f*ckin 9 years since I wrote this story (2005, for goodness gracious. 2014 na!). Maawa naman daw ako kay Grace at Ken na wala pa ding ending. Minsan pumapasok sa isip ko kung bakit ang lame kong magsulat ng story. Sa sobrang lame, sobrang OA na sa pagkahaba nung FP. Mala-Maya at Sir Chips lang ang peg. Umabot na ng 100+ chapters tong Frog Princess, samantalang ang normal stories dito eh hindi pa umaabot sa 100+. Irunno. Should I finish this? Silly question. Syempre kelangan ko tong tapusin. Haha lol. =_=

So yea, I'm weird. Sorry. TLDR na tong Author's Note. Napa-rant lang ng di oras. Huhubels. Sige na, basahin niyo na nga yung next chapter. Hehehe. Mwah!

PS: may pasok na naman bukas, err, mamaya. Tinatamad na talaga kong pumasok sa trabaho (WARNING: WAG TULARAN ANG KATAMARAN NG BABAENG ITO). Huehue.

=============================/

BLUE's POV
Ilang araw na lang at birthday ko na. As usual, dadaan na lang na parang ordinaryong araw yun. Madami ngang makakaalala, pero hindi naman iyon naiba sa mga nagdaan kong birthday. Party, inuman, pabongahan ng regalo,batian. Isang araw na puno ng kaplastikan, akala mo kung sinong ka-close mo yung mga tao. Isang araw na akala mo ay perpekto dahil lahat ng tao, mabait sayo. Lahat ay pabor sayo. Pero ang totoo niyan, kaya lang sila nasa party dahil gusto nilang maging "In". Same old sh*t.

Gusto ko sana sa taong ito, maging kakaiba yung birthday ko. Yung simple lang, hindi magulo, hindi komplikado. Wala mang espesyal na mangyari sa taon na to, at least kahit papaano stress free ang birthday ko.

Blue~

Bigla akong nagulat ng narinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

Blue~

Si DA.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Makita ko lang siya, bumibilis na tibok ng puso ko. Paano pa kung nakausap ko na siya? Bakit ganun? Kahit anong iwas ang gawin ko, pinaglalapit pa din kaming dalawa?

DA: Blue!
B: o? Anong ginagawa mo dito sa rooftop?

Ang laki pa din ng smile niya kahit na pasungit ko na siyang kinakausap. Sinusungitan ko na nga siya para hindi na niya ako lapitan pa. Pero wala eh. Nakakainis! Dahil sa ngiti niyang yun, napapalambot niya yung puso ko!

DA: wala lang. Nagulat ako kasi nakita kita dito sa rooftop. Dito kasi ako lagi tumatambay eh.
B: ah ganun? So dahil lagi ka tumatambay dito ibig sabihin hindi na din ako pwedeng tumambay dito?

Eh ano bang malay ko na dito pala to tumatambay palagi! Err. Kaya lang naman ako nagpunta ng rooftop eh para mag-yosi. Ayoko na kasing mag-yosi sa may gate dahil baka makita ko na naman yung mga kabarkada ko. As of now, gusto ko ng katahimikan. Gusto ko munang mapag-isa.

DA: wala naman akong sinasabi ah. Natutuwa nga ako kasi nakita kita ulit eh.
B: ahhh. Ako naman hindi. Makita pa lang kita sira na araw ko. Ang ingay mo kasi.
DA: hahahahahaahhaahahahhaa
B: anong tinatawa-tawa mo jan?!
DA: wala lang. Namiss ko kasi yung pagsusungit mo eh. Hehehehe.
B: ugh. *blush*

Argh. Alam kong wala lang naman yung sinabi niya, pero bakit bigla akong nakaramdam ng bigat sa puso ko? Parang bagang may humahatak ng puso ko.

DA, you are tugging my heart strings, and I hate it!

DA: okay ka lang? Namumula ka.
B: mainit lang.
DA: nako, baka dahil na yan sa kaka-yosi mo. Itigil mo na pag-smoke. Nakakasama ng health yan.
B: ayan ka na naman sa pagiging nagger mo eh. Wag mo nga akong pakilaman sa mga ginagawa ko!
DA: eh hindi naman kita pinapakelaman eh. Nagpapaalala lang.
B: alam mo, kaya siguro hindi ka nagustuhan ni Grace dahil jan sa kaka-nag mo. Annoying eh!

OOPS. Ano ba namang bibig to, ang daming sinasabi! Biglang nag-iba yung expression ni DA nung nabangit ko yung name ni Grace. Did it offend him?

His expression was blank, and then he smiled. Parang wala man lang transition ang mood niya.

DA: sige na, ako na nagger. Concerned lang naman kasi ako sa mga taong importante sa akin. Kaya as much as possible, nina-nag ko sila para hindi sila makalimot.

Ako? Importante sa buhay niya?

DA: at isa pa, sayang ang buhay mo kung ngayon pa lang eh hindi ka na titigil sa pagyoyosi. Isipin mo na lang kung na-meet mo na yung Soulmate mo, tapos nagpakasal kayo? Edi saglit mo na lang siya makakasama kasi na-diagnose ka na ng cancer at a young age. Ang sad nun diba? At naisip mo ba kung anong mararamdaman nung taong magmamahal sayo kapag iniwan mo na sila? Malulungkot yun.

Lumapit siya sakin, then kinuha niya yung stick ng yosi na naka-ipit sa labi ko. Pagkakuha, pinatay niya ito gamit ang swelas ng sapatos niya.

B: right, whatever.
DA: *smiles*

Ang sweet na naman ng smile niya, how can I resist that?! It's tugging my heartstrings again~

AHHH!!!! Erase erase erase!!! Hindi ako pwedeng kiligin!!! Dahil... dahil...






Para kay Rika lang si DA. :(

B: uhh. Since wala na naman akong dahilan para mag-stay pa dito dahil kinuha mo na yung yosi ko, bababa na ako. Ge.
DA: ui teka sabay na tayo.

Naman oh, kaya nga aalis na ako kasi umiiwas ako sa kaniya, pero siya naman itong lumalapit sakin!

DA: hintayin mo naman ako!

BIgla kong naramdamamang hinawakan niya yung braso ko. Ugh! Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Biglang ayaw ng gumalaw ng mga paa ko!

DA: okay ka lang?
B: yuh.

Letseng mga paa naman yan oh.

Wala naman akong choice. Sabay kaming naglakad ni DA papuntang classroom. Ang daming bumabati sa kaniyang mga lower class. Hmp. Right. Siya na ang sikat.

DA: o, bakit naka-simangot ka na naman?
B: wala.
DA: haha, wag ka ngang sumimangot. Ang ganda ganda mo tapos nagsasalubong yung kilay mo. XD
B: hmp. Tse! *blush*

Nakakinis kahit anong simpleng banat ang sinasabi niya sakin, madali niya akong napapakilig. Madaming lalaki na ang nakapagsabi sakin na maganda ako, pero ng marinig ko mismo galing kay DA yun, sobrang kinilig ako.

DA: ah. Nga pala!

Bigla siyang may inilabas sa envelope na hawak niya. 2 tickets. Kung para saan yun, hindi ko alam.

DA: meron akong 2 tickets para sa concert this Sunday..

Ahh... binili niya siguro yun para sa date nila ni Rika this Sunday.. na nataon naman na birthday ko din.

DA: pwede ba-
Bestie~~!!
B: Rika!
R: hello ^_^ Hi DA!
DA: hey, Rika :)

Dumating na din si Rika. Mas lalo siyang gumaganda habang tumatagal. In love? Inspired? Obvious naman kung bakit eh. Inspired and In love kasi siya kay DA.

Kay DA na may lihim akong pagtingin...

B: Rika, tignan mo oh, may biniling tiket si DA. Concert this Sunday. :P Mukhang may date yata kayo this weekend!
R: eh? Really? Anong concert naman yan?

Biglang nag-iba yung timpla ng expression ni DA nung sinabi ko kay Rika yung about sa ticket. May mali ba sa sinabi ko? Tama naman diba? Ticket yun para sa date nilang dalawa this Sunday? O baka ayaw niyang pangunahan ko siya kasi surprise dapat yun. Eh wala na. Nasabi ko na kay Rika eh.

Hindi din naglaon, bumalik din yung ngiti sa mukha ni DA. Baka nga namalik mata lang ako sa nakita ko kanina.

DA: concert para sa mga Indie Bands na tutugtog this Sunday :)
R: wow cool! What time yan?
DA: 4pm pa naman ang start, pero dapat by 3PM nandoon na sa venue para makahanap ng magandang spot.
R: cool! Excited na ako sa Sunday~ ^_^
DA: ha? Eh ano kasi Rika.. Hin-
B: siya, una na ako. May bibilhin pa kasi ako sa labas. DA, ingatan mo bestfriend ko sa date niyo ha. Siguraduhin mo lang na ma-eenjoy niya yung concert. Kung hindi, mananagot ka sakin!!!
DA: teka-
B: ciao!

Hindi ko na talaga kaya, Kailangan ko ng lumayo. Baka kasi kung nagtagal pa akong kasama silang dalawa, baka hindi lang kayanin ng puso ko.

Dahil habang tumatagal, unti-unting nadudurog ang puso ko.

At habang tumatagal, lalo akong nahuhulog kay DA... at pag nagtagal, baka mahirapan akong kalimutan siya. Alam kong mali tong nararamdaman ko! Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman maturuan tong lintik na puso na to.....

-:-:-:-

DA's POV
SUNDAY


Mabuti na lang at maganda ang panahon ngayon. Perfect weather para manood ng concert! Pero bago pa ako pumunta doon, nakipag-meet muna ako kay Grace. May iaabot daw kasi siyang notes sa akin para sa exam namin bukas kay Sir Sadista.

Oh, don't get me wrong ha? Wala na akong feelings kay Grace. In fact, naka-move on na ako. Pero siyempre, special pa din siya sakin. More of like Best Friends kami niyan.

G: DA! Sorry late. Ang dami kasing utos ni Boss eh kaya hindi agad ako naka-alis sa kanila.
DA: bakit? Alam ba niyang magkikita tayo ngayon?
G: oo. Nasabi ko sa kaniya nung nagpaalam akong umalis. Tapos yung hudas na yun!!! After kong sabihin sa kaniya na makikipagkita ako sayo, bigla akong tinadtaran ng madaming utos! GRR!!!

I knew it. Nagseselos si Boss. Hehehe. Nakasalubong pa ang mga kilay ni Grace habang nagkekwento siya. Cute.

DA:*laughs* ganun talaga. Nagseselos eh. :P
G: hoy! Selos ka jan. Hmp! Ay nga pala, baka magkalimutan pa tayo, eto na yung notes.
DA: thanks!
G: bakit kasi namiss mo pa yung lecture ni Sir last time? Nataon pang nung wala ka, yun pang dinisucss ni Sir yung ipapa-exam satin sa Monday
DA: nagkaroon kasi kami ng meeting eh. Hindi naman pwedeng hindi ako umattend diba J
G: well, sabagay. Saan pala punta mo at umaga ka nakipag-kita sa akin?
DA: ahh.. manonood kasi kami ng concert ngayon ni Rika.
G: ooh...

Actually, hindi naman dapat si Rika ang kasama ko today sa concert eh. Hindi ko binili yung tickets para sa kaniya. Eh kaso itong si Blue nangunguna. Nasabi na niya kay Rika yung tungkol sa tickets bago pa ako nakapagsalita. At ayoko namang mapahiya yung tao kaya siya na lang ininvite ko.

G: eh pano si Blue?
DA: what do you mean?
G: diba you like her?

Buti pa tong so Grace alam niyang gusto ko si Blue. Pero si Blue, hindi niya magawang maramdaman yun. Pero sa bagay, paano nga naman niya mararamdaman yun kung panay naman ang iwas niya sa akin?

Instead of answering her question, I just gave her a smile.

G: nga pala, na-greet mo na ba si Blue? Birthday niya ngayon ah!!
DA: oh, really? Di ko alam. Di naman niya sinabi sakin eh.
G: nye? Samantalang last week pa niya kami kinukulit na bilhan siya ng regalo. Akala ko alam mo na birthday niya.
DA: ahh.. hindi eh.

Birthday pala niya. Hindi ko alam. Pinaalam niya kina Grace na birthday niya, pero bakit sa akin hindi? Kung alam ko lang sana na birthday niya..

G: hay nako DA, kelangan ko ng mauna. Nina-nag na naman ako nitong si Boss. Pinapabalik na ako.
DA: okay. Ingat ka!
G: byebye! *waves*

Loko loko talaga yang si Blue oh. Nagawa pang isikreto sakin na birthday niya.

-:-:-:-

DA~
DA: hey Rika!

Nandito ako ngayon sa loob ng isang Cake Shop malapit sa event ng concert habang hinihintay ko si Rika sa pagdating niya. Naka-apat na cake na ako ng saka siya nakadating.

R: DA! Ang dami mo ng nakain na cake!

Nagulat si Rika ng makita niyang may apat na plato sa harap ko. Bigla ko din narealize, ang dami ko ngang nakain na cake sa loob ng 30 minutes. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na naka-apat ako na cake.

R: sorry! Sobrang tagal ko ba? Ang dami mo ng nakain!
DA: ahh, hindi. 30minutes lang naman ako naghintay dito. Normally, malakas lang talaga ako kumain ng cake :P
R: sorry talaga DA! Medyo traffic kasi kaya ngayon lang ako nakarating.
DA: okay lang. 1 hour pa naman bago mag-start yung concert eh. Mahaba-haba pa oras natin.

Rika's so stunning with her dress. She's wearing a red dress. Bagay na bagay sa kaniya because she's a beauty. Nagcompliment pa sa kulay niya (maputi kasi siya) yung color ng damit niya.

Kahit sinong lalaki, mapapalingon talaga sa kaniya.

DA: gusto mo bang kumain ng cake? Masarap cake nila dito! They even have the famous Pavlovaand Coffee Opera Cake!! Ang sarap! First time ko lang din natikman yung Vanilla Mascarpone Saint-Honore cake. Tara, kain tayo ng cake while waiting for the concert to start!

Just thinking of those cakes I mentioned, napapa-drool ako. Ang sarap kasi, and they all have it in this Cake Shop! Ang sarap talaga kumain ng cake, the best feeling ever! Makakilala lang ako ng babaeng mahilig din sa cake, pakakasalanan ko! Sa kasamaang palad, cross out na doon si Grace kasi meron na siyang Ken eh. At ano nga bang palag ko doon sa lalaking yun? Hehehe.

R: sorry DA, hindi kasi super mahilig sa cake eh. At tsaka, starting today, hindi na ako masyadong kakain ng sweets dahil baka tumaba ako. Medyo naging conscious na ako sa weight ko kasi nag-gain ako ng 3lbs. Huhuhu..
DA: ganun ba? Sayang naman. Mukhang masasarap pa naman cakes nila dito..

Well, that's so sad. Hindi pala mahilig si Rika sa cake. Akala ko magiging cake buddy ko din siya tulad nina Grace at Blue. Kung si Blue ang nayaya ko dito, for sure dadamayan niya ako sa pagkain ng cake.

Si Blue.

Bigla ko na naman siyang naalala. It's her birthday, pero happy kaya siya ngayon? I greeted her thru text. It has been 2hours, pero hindi siya nagreply sa text ko.

Kamusta kaya siya ngayon? Sino kaya kasama niya ngayon? Ano kaya ginagawa niya ngayon? Is she happy? Or is she lonely?

R: DA? May problema ba? Kung gusto mo talaga kumain ng cake, we can just eat here.

What if kung mag-isa nga siya ngayon at malungkot na nagcecelebrate ng birthday niya? What if she's sad because she's lonely and there's no one she can celebrate her birthday with? What if... what if puntahan ko siya ngayon sa kanila?

I wanna see her.. And I wanna celebrate her birthday. Sa pinaka-importanteng araw ng buhay niya, gusto ko siyang makita at makasama.

R: DA?
DA: I'm so sorry Rika, pero may gusto sana akong sabihin sayo.
R: ano yun, DA?

This is it. I am going to tell her. It's now or never. Dahil this time, ayoko na ulit maulit yung pagkakamaling ginawa ko. Ayokong mag-slip sa kamay ko yung chance. At habang may chance pa ako, at habang maaga pa, sasabihin ko na ang totoo. Straight, at wala ng paligoy ligoy pa.

I am going to tell her that I like Blue. And this time around, I will do my best para hindi na mawala sa akin ang babaeng importante sa akin.

== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now