Shoot 29 "Going... or not?"

63.5K 3.6K 1.9K
                                    

It's wednesday at wala na kaming klase dahil may meeting ang lahat ng faculty members

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's wednesday at wala na kaming klase dahil may meeting ang lahat ng faculty members. It's a good thing dahil sobrang nakaka-stress ang pag-aaral sa panahon ngayon. It's nice to have a little break.

Maagang umuwi si Jace ngayon dahil susunduin pa raw nila sa airport si tita Vicky.

Kaming dalawa ni Sophia ang magkasama ngayon at nakatambay kami sa cafe malapit sa school. Sophia and I is really close. Wala kaming pakialam kahit na sabihin ng ibang tao na nagpaplastikan lang kami because we're both... Ehem... Pretty. (Which I find nonsense.)

Ikinuwento ko kay Sophia ang pag-uusap namin ni BWUGuardian at maging siya ay nagulat sa kanyang narinig. "Wow! Bigtime ka na Dani, yung isa sa mga game developer pa mismoang nag-invite sa inyo to have some dinner." Pagpuri ni Sophia sa akin.

"Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung pupunta 'ko e." Sabi ko sa kanya. I know it's just a simple dinner but I think it will expose my real identity.

"Bakit naman? Hindi ka ba curious sa kung sino si Darkshadow?" Tanong niya sa akin.

Isa pa 'yon. I am really curious sa kung sino si Darkshadow or how does he look. Maging si Darkshadow ay hindi pa binibigay ang kanyang sagot kay BWUGuardian.

Tinatanong ko rin sa sarili ko, am I ready to face him?

"I am curious per--"

"Iyon naman pala e," she sipped on her dark mocha drink. "Pupunta ka lang naman doon to have some dinner, si Mr. Tiu ang ipupunta mo ro'n. Bonus na lang na makikita mo si Darkshadow."

May point naman si Sophia. "Ah, hindi na lang ako pupunta." I declared.

"What? That's so unprofessional, Dani. Natatakot ka bang makita si Darkshadow or ayaw mong pumunta 'coz Mateo is hitting on you?" Ngumisi ng malaki si Sophia at pinipilit niya talaga ako. "Dinner lang 'yon. Kung hindi mo bet, umalis ka na lang agad. Baka pagsisihan mo pa ang hindi pagpunta."

Sobeang mapilit si Sophia. Bumuntong hininga ako bago uminom ng chocolate mint. "Ganito na lang, if pumayag si Darkshadow sa dinner na iyon then pupunta ako."

I have a strong feeling that Darkshadow is a reserved type of person. Hindi siya basta-basta sasama sa mga meet up na ganoon. Yeah, feeling ko rin hindi ito matutuloy.

"Then let's do shopping! Bibili tayo ng dress para sa sunday," tumayonsi Sophia at hinatak ang aking kamay.

"Wait, what? Hindi pa ak--" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi dahil mapilit si Sophia. Halos kaladlarin niya na ako palabas sa cafe.

***

Pagkarating namin sa mall ay tumungo kami sa department store. We're both scanning the rack and choosing a dress. May nagustuhan akong kulay asul na dress perp nung tiningnan ko ang presyo. "3,600 pesos. Ang mahal naman, saan ba gawa ang tela nito? Sa balat ng buwaya?" Reklamo ko at ibinalik na ito.

School War OnlineWhere stories live. Discover now