Dahil Mainit ang Kape at Malamig ang Ice Cream.

308 8 0
                                    

Dahil Mainit ang Kape at Malamig ang Ice Cream.

One-shot Story

Title based on a song composed and performed by one of my instructors. :)

 (c) Rz de la Cruz | 25 May 2014

A/N: May problem po ang Wattpad (siguro) kasi ang dami ko nang nailagay na spaces sa editor pero ganito parin kinalabasan. :( My entry to @Wattpad_Quotes' one-shot story contest.

 ------------------------------------------------

“Gusto ko nang makipaghiwalay sa’yo.”

“Bakit, Zel? Anong problema? Wag ka ngang magbiro ng ganyan.” Trinato ko nalang na biro ang pinagsasabi ni Zel at saka ko hinarap yung kapeng na inabot niya sa’kin pagkaupo ko sa sofa nila. Alam na alam niyang kape ang paborito kong inumin kaya ito ang inaabot niya sa’kin tuwing pumupunta ako dito sa kanila.

Mainit ang kape. Mainit. Nakakapaso pa nga eh. Pero masarap. Lalo na pag malamig ang panahon. Ramdam mo ang pagdaloy nito sa iyong lalamunan, papuntang esophagus, hanggang sa makarating sa tiyan mo. Kakapain mo ang tiyan mo at mararamdaman mong maligamgam ito. Tapos hihigop ka ulit, mapapaso. Hanggang sa hindi mo na maramdaman ang mga ito dahil paulit-ulit mong hinigop ang isang tasang kape hanggang sa maubos na ‘to. Badtrip. Ito pa talaga ang binigay niya sa’kin ngayong may balak siyang makipaghiwalay.

Magpi-pitong taon na kami ni Zel, kilalang-kilala na namin ang bawat isa and we’ve been through a lot. Napakarami na rin naming napagdaanang almost break-ups, ngayon pa ba ako maniniwala sa mga sinasabi niya?

Humarap siya sa’kin, seryoso. Mukhang naghiwa muna siya ng sibuyas kanina para makakita ako ng konting luha sa mga mata niya, pero hindi, naiiyak talaga siya. “Lyren... Hindi mo ko maiintindihan. Basta, please... wag ka nalang magtanong. Pagkatapos mo diyan sa kape mo, ilagay mo nalang sa kusina yung tasa at makakaalis ka na.”

Akmang aalis na sa kinauupuan niya si Zel ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pinaupo ko siya gamit ang mga kamay kong ipinatong ko sa mga balikat niya. “Teka, nag-uusap pa tayo.” Bumaba ako ng konti para tignan siya sa mukha, pero naka-yuko siya at tumutulo ang mga luha niya. “Totoo ba ‘to? Nakikipagbreak ka na ba talaga sa’kin?” Gusto kong ulit-ulitin niya hanggang sa mabingi ako para hindi ko na marinig ang mga susunod pang ganito niyang sasabihin.

Tumango-tango lang siya.

“Bakit?” Mahinahong tanong ko, Kinakalma ko ang sarili ko hangga’t maaari. Nagpipigil narin ako ng emosyon, kasi pag hindi ko napigilan ang sarili ko, pwedeng umiyak din ako at mag-iiyakan nalang kami dito, o pwedeng makabasag ako ng kung ano dito sa bahay nila. Ayoko namang mangyari yun.

ONE-SHOT: Dahil Mainit ang Kape at Malamig ang Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon