Ch. 24//At his place (part 1)

6.6K 130 30
                                    

Daniel 'Dan' Jimenez and Zenaiah 'Zen' ----->

Ch. 24//At his place (part 1)

“Don’t move. It’s me, your fake boyfriend.”

Literal akong natigilan dahil sa sinabi nya at pati yata puso ko ay nakalimot sa pagtibok. Lumakad sya patalikod habang nakapulupot pa rin ang kaliwang braso nya sa may itaas ng dibdib ko at ang isa nyang kamay ay nakatakip sa bibig ko.

“Pasok.” Utos nya nung makarating kami sa isang sasakyan na malapit lamang sa amin. Wala akong reklamong pumasok sa kotse at naupo sa shotgun seat. Umikot naman sya upang maupo sa driver’s seat.

Nakatingin lang ako sa unahan ko habang siya ay nakahawak lang sa manobela ngunit hindi pa nya binubuhay ang makina ng sasakyan.

“Bakit mo ko pinakasakay dito?” ngayon ko lang nagawang magsalita at ilang minuto na din ang lumipas na hindi pa rin nya binubuhay ang makina. Kanino bang sasakyan toh?

Pero wala akong pakialam kung kaninong sasakyan toh, basta ang alam ko, nandito na sya ngayon kasama ko.

“Tinext kita.” Malamig nyang sagot. Hindi pa rin ba sya bumabalik sa dati? Ah. I forgot, eto nga pala ang tunay na katauhan nya.

“Nawala phone ko, last week.” Napatungo na lang ako ng aking ulo at napabuntong- hininga. Ang sama ng pakiramdam ko, hindi ako mapakali dahil nitong malakas na pagtibok ng puso ko.

Binuhay nya na ang makina ng kotse at pinaandar. So sa kanya ‘to? Hindi ko alam na may iba pa pala syang sasakyan bukod sa motor nya.

“San—“

“You’re going with me at my hometown.”

Bago ko pa matapos ang tanong ko ay sinagot nya na kaagad.

But… WHAT THE HELL?! Sinabi nya bang sa hometown nya kami pupunta?! Kelangan ko pa umuwi!

“What—!”

“Alam na ng pamilya mo.”

Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Paano nya nasabi yun sa pamilya ko? Tinawagan nya ba? Pinuntahan sa bahay? Anong sinabi nyang dahilan?! The eff! I’m confused!

“Tinawagan ko sila. Sinabi kong isasama kita sa probinsya namin sa loob ng dalawang araw kaya hindi ka makakauwi.”

Mind reader ba sya? >.<

“Pumayag naman sila dahil sinabi kong, boyfriend mo ako.” malamig pa rin ang tono ng pagkakasabi nya ng mga salitang yun. Walang kaemo- emosyong mararamdaman! At diretso pa rin syang nakatingin sa daan. Pero ako? Halos yata malaglag na ang panga ko sa sobrang gulat. Hindi kapani- paniwala.

He’s just joking, right? Tell me, I’m right.

“Stop joking.” Yan na lang ang nakaya kong sabihin.

Pero sana nga nagbibiro na lang sya.

“I’m not.”

Oh, please! Seriously?! Bakit nya ba sinabi yun?! At bakit ba nya ako isasama sa probinsya nya?!

Hindi ko mai- imagine kung ano ang mga naging reaksyon ng mga kuya ko lalo na si Mama!

“But—!”

“Stop asking. That’s my order.” Tiningnan nya ako ng seryoso. The same cold stare bago sya mawala ng isang linggo pero parang mas malamig ang mga tingin nya ngayon. Ganun ba sya kagalit sa nasabi ko sa kanya noon?

That Kind of a Girl: When Ms. Gangster Meets her Mr. Gangster[S2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon