You are more (one shot)

643 12 21
                                    

© elleseig 2012

______________________________________________________________

Ako si Hannah mehyle. Ang ganda daw ng pangalan ko no?.. oo nga e atleast kahit pangalan mayroon maganda sa akin.

19 years old na ko, matangkad pero mataba. maputi pero madaming peklat sa balat. 

simpleng tao lang naman ako e, tanggap ko kung ano ang meron ako ngayon. kulot na buhok, hindi matangos ang ilong, medyo malapad ang mukha. masungit ako dahil na din siguro sa madami akong insecurities sa sarili ko. pero kahit ganon may mga tinuturing din naman ako na mga kaibigan..

I have 1 best friend, sobrang saya ko nuon. simula pagkabata kami na talaga ang magkasama mahal na mahal ko yung Best ko na yun.. sa harutan, sa galaan, pag may nang-aaway sa akin pinagtatanggol nya ko. close ako sa family nya at sya din naman sa family ko. hay! namimiss ko na ang tinuturing kong best friend. oo tamaa kayo. hindi na kami mag best friend ngayon. kung bakit? kasalanan ko siguro, inilayo ko ang sarili ko sa kanya. sya kasi friendly, maganda pa.  total opposite kami . kaya lang kasi pag magkasama kami sobra akong nasasaktan. yung tipong lagi syang pinapansin, ang ganda mo naman, ang cute mo, ang galing mo. samantalang ako wala naitsapuwera na. kasi nga hindi naman ako maganda kagaya nya. Nainggit ako ng sobra sa kanya. kasi buti pa sya sinasabihan ng ang pretty pretty mo talaga. even my own mom at mga relatives ko sinasabihan sya samantalang ako ni minsan hindi. kaya I decided na lumayo na lang sa kanya. mali ba ako? kasalanan ko bang nasasaktan ako sa mga naririnig at nakikita ko? o masyado kasi akong nagpadala sa mga nangyayari? mali ba ako? na ang kaisa-isa kong best friend ay nawala?

naka survive ako ng Elementary ko na walang kaibigan. grabe no? ang hirap sobraa.. gusto kong umiyak lagi kasi walang gustong makipagkaibigan sa akin. hindi daw kasi nila ako ka level e. hanggang sa nag H.S ako. good thing may mga  nakipag kaibigan sa akin. tinutulungan ko sila sa mga assignments, projs. o sa kahit ano pang kailangan nila. sobra ko silang mahal kasi nga narealize ko na sila na lang yung tunay ko na mga kaibigan, tinanggap nila kung sino ako at kung ano ako. masaya ako sa kanila kahit ako yung nagmumukhang kawawa sa kanila. hingian ng favor, pakigawa naman nito, samahan mo naman ako, dalhin mo naman itong mga bags namin, lahat ginagawa ko para sa kanila kahit na alam kong friend lang nila ako pag may kailangan sila sa akin I stay on their side kasi alam kong sila na lang yung nandyan din for me. 

until one day everything has changed. 4th year H.S na ako 15years old ako nun. may transferee student kami from private school. she's so pretty, every man's dream sya at ang nakakatuwa pa  napa sama sya sa barkada namin. friendly sya super, mahinhin, mabait, matalino at sobrang ganda. nakakatuwa nga e naisip ko kasi dalawa na kami na magmamahal sa barkada ng sobra, yung tipong kahit na tinatake advantage ka lang nila okay lang. peroo nagkamali ako. yung treatment ng barkada ko "kuno" sa kanya ay FAAAAAAAR different from how they treat me. SHOOOOOOOOOTTTT!! from the first time ininda ko masyado yun. yung tipong they call each other sis. tapos sa akin hannah lang, yung feeling na harap harapan nagsasabihan sila ng ang gaganda talaga natin sis pa picture nga tayo "Hannah picturan mo naman kami. tks" ouch. yung tipong sa Fb nag lilike sila ng picture nung new friend namin at nagsasabihan ng i love this picture of yours sis. at alam nyo ba kung ano pa yung mas masakit dun? hindi ko kasi sila friend sa FB. ilang beses ko silang ina-add pero wala e Iniignore lang nila yung request ko... ganito ba talaga pag di maganda? bakit kasi ako ginawang ganito e. hanggang sa dumating ako sa point na napagod na sa kanila at gaya ng ginawa ko dun sa Best friend ko inilayo ko na lang din ang sarili ko sa kanila.  ako nanaman ang mali diba? inggitera kasi ako e :( pero kasalanan ko bang nasasaktan ako.

Grumaduate ako ng H.S na walang kaiyakang friend dahil ma mimiss nyo yung isa't-isa. well actually umiyak ako kasi yung sapatos ko sira at hindi ako agad nabilihan.

You are more (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon