Their Past One: Hopeless

517 10 5
                                    

 Author's Note: Drake and Riela's Past. Bahala kayo kung babasahin ninyo ito! XD Mga 10 chapters lang ata ito :3 

I promise na iiyak kayo dito :"3 Kung hinde, ako ay isang epic fail drama author XD (WOT?)

***

"HOOY!" pinatuloy kong habulin si Joshua. "Ibalik mo saakin 'yan, baliw!"

"Ayoko nga," binehlatan niya ako at nagpatuloy siya sa pagtakbo... Kinuha niya kasi ang aking precious bikini. Baliw 'yan, eh! Bakla ata iyan at kinukuha lahat ng make up o mga gamit kong pambabae.

"Bahala ka diyan. Isusumbong na lang kita kay lola." sabi ko habang lumalabas ng kuwarto. Nadinig ko siyang tumatawa. Nandito kami sa mansyon ng lola ko, dito muna kami titira sa loob ng apat  na buwan. Ang mga magulang kasi namin ay nasa ibang bansa habang may inaasikasong meeting. Walang mag-aalaga saamin kaya dito muna kami sa mansyon ng lola ko.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni lola. Nakaupo siya sa kaniyang kama--yung indian sit-- habang nakapatong sa lap niya ang laptop niya. Nakasalamin siya at ito ang nagpapaganda pa lalo sa kaniya. Matanda na siya ngunit napakalakas pa niya. May powers nga ata si lola eh.She's 73 years old.

"Oh, andiyan ka pala apo. Dito ka muna sa tabi ko. Turuan mo ako mag-facebook. Ang mga kabarkada ko noong araw ay may facebook na habang ako ay wala pa. Kawawa naman ako." nagiyak-iyakan si lola.

"Lola, bad influence ang facebook kaya ako nga ay nagtigil na sa kaka-facebook eh." paliwanag ko sa kaniya.

 "Ia-add ko lang naman ang friends ko eh." suminghot singhot pa si lola = O =

"La, bawal ka gumawa ng facebook. Malabo na ang mata mo, baka may mag-add sayo tapos accidentally na-accept mo siya kahit di mo kakilala. Tapos... tapos... Magcha-chat kayo. Mahuhulog ang loob mo sa kaniya. Magkikita kayo. Masamang tao pala siya kaya ginahasa ka niya. Tapos, mabubuntis ka. Hindi mo na kayang manganak kaya hinayaan mo na lang ang sanggol sa tiyan mo. Pagkaraan ng 1 year, pumutok ang tiyan mo kaya namatay ang baby. Nadepress ka, hindi ka makakain. Tapos, nung may gana ka ng kumain, kumain ka na. Kaso, hindi ka nabusog! Kasi butas ang tiyan mo, nung ooperahan ka para magkaroon ng tiyan. Wala kang donor.Kaya lumulusot ang mga kinakain mo sa butas. Nagutom ka hanggang sa mamatay. Tapos nung namatay ka, binaon ka sa lupa. Tapos kakainin ka ng mga bulate. Wala na akong lola. Kaya hwag kang gagawa ng facebook, lola kung ayaw mong kainin ka ng mga bulate!"  pagbanta ko sa kaniya.

"Ay sus! Kung anu-ano pa nalalaman. Tawagin mo na ang katipan mo upang makakain na tayo."  naglakad palabas si lola.

"Katipan?" tinaasan ko ng kilay si lola.

"Katipan as in boyfriend." sabi ni lola na kinikilig na ewan

"YUCK! Si Joshua? Eew!" kunyari nandidiri ako sa kaniya. Hindi ko kayang pandirian ang best friend ko. Pero kailangan eh. Baliw kasi si lola eh, kung anu-ano pinag iisip = O =

"Babushiee~ Kitakits sa hapag kainan." patuloy na umalis si lola sa kuwarto niya. Bumalik ako sa kuwarto ko, naabutan ko si Joshua na binabasa yung diary ko.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at hinablot ang diary ko "Akin yan! Diary Snatcher! Bumaba ka na, kakain na!"

"Yeah, yeah. Whatever." tumawa pa siya. "Nakakainis. Walang may crush sa akin. Ang ganda ganda ko tapos wala man lang lumalandi saakin. Buti pa yung panget na malandi kong katabi, merong lumalandi sa kaniya habang ako wala. Maganda din naman ako, ah? At Sexy!" paggaya niya ng boses ko. Isa iyon sa mga nakasulat sa diary ko. Inilagay ko pa nga iyon sa pinakagitna para hindi mabasa ng iba kasi nagsisimula sila sa unahan di'ba? Sa gitna ko iyon nilagay kasi nakakahiya yung mga pinagsusulat ko doon.

When Miss NBSB meets Mr.CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon