Chapter 11: Wake Me Up

34.3K 401 12
                                    

Author's Note: Sorry. Y'all waited so long. So medyo mahaba tong chapter na to para naman makabawi ako :). All in all parang two chapters na din to. Enjoy guys. Talk to you after this chap. Happy Reads!

------

October - Junior Year (Highschool)

October 13th. One Year. A very special day for Alyssa and Denden. Sobrang dami ng nangyari. And its just one of those memories na they'll remember forever.

6AM nasa bahay na agad nila Denden si Alyssa para sabay sila pumunta sa school. Habang naghihintay yung dalawa ng breakfast nasa sofa lang sila. Tulog pa yung Daddy ni Denden so walang problema.

"Babe... Sitting. You're doing it wrong" sabi ni Aly kay Denden dahil kumalong si Denden sakanya.

"Pleasing your girlfriend in every possible way... you're doing it wrong" sabi naman ni Denden kay Aly. Lumabas yung mommy ni Den galing sa kitchen dala yung dalawang plates na may pancakes.

"Giving mom a peaceful morning... both of you doing it wrong" sabi ng mommy ni Den at ngumiti siya sa dalawa "Kainin niyo na bago lumamig. Para maaga kayong makapasok"

"Wow... Tita ang sarap talaga ng pancakes mo" sabi ni Aly.

"Alyssa your dad's better in cooking, shut up and eat that" sabi ng mommy ni Den at natawa si Alyssa.

"Thank you Mom" sabi ni Denden. Hinatid ng mommy ni Den si Aly at Denden sa school.

Sabay silang dumating sa gym para mag practice malapit na kasi yung laro nila ulit. Another championship games para sa team nila. Kaya sobrang hectic ng sched nila kay Coach Tin.

"Bakit ang ingay dito?" sabi ni Aly habang sabay silang papasok ni Denden sa gym na nakakuha ng pansin ni Ella at ngumiti yung kaibigan nila. "Kahit may bangs ka di matatago niyan na nakangiti ka..."

"Ang aga aga naman Ly! Anyway nagsisimula na kasi ng campaign si Nicole para sa prom..." sabi ni Ella at binaba na ni Aly yung bag niya.

"Prom? Anung petsa pa lang..." sabi ni Denden.

"October..." sabi ni Aly.

"October pa lang... Prom? February pa yun!" sabi ni Denden.

"Alam niyo naman. Frustrated. Dahil last year di niya nakuha yung korona..." sabi ni Ella.

"Wow super..." sabi ni Aly.

"Competitive..." sabi ni Denden.

"Di niyo napapansin pero in-sync yung sentence niyo..." sabi ni Ella.

"Sweet no?" bulong ni Denden kay Ella.

"No. Its creeping me out" sabi ni Ella at tinulak siya ni Denden.

"Inggit ka lang!" sabi ni Denden.

"Pero Happy Anniversary sainyo... weirdos" sabi ni Ella sa dalawa na silang tatlo lang nakarinig.

"Thanks pots" sabi ni Aly.

"Thank you Besh..." sabi ni Denden.

At nagpractice na sila. Before mag 10 nakapagshower na sila para pumunta sa third Period. Tuwing Champioship week excuse sila sa isang subject everyday. Pero si Aly whole school year niya ginagawa yun... with jovee. Perks of Being Master of everything.

Sa lunch magkakasama ulit silang tatlo naglalakad papunta sa canteen. Puro poster na ng Drama Club yung hallway dahil yung president nila na si Nicole is making her way to everyone para maging prom Queen.

"Dont forget of Nicole sa prom!"

"Vote for Nicole!"

yan lang naririnig nila sa hallways. Nakasalubong nila yung barkada ni Nicole at tiningnan lang sila ng masama. Di naman nagpatalo si Denden at inirapan niya yung mga babae.

Half A Heart (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon