Chapter 18: That One Swift Move

398 8 2
                                    

Chapter 18: That One Swift Move

Harley's POV

Dahil sa nangyari kaninang umaga, Napagpasyahan ko na na yayain ulit si Chi na sabay kaming umuwi. Kaya pagkapatak ng 4:30pm ay inayos ko na agad ang aking mga gamit para handa na sa paglabas. Nang narinig ko ang bell, agad kong nilapitan si Chi.

"Ah, Chi.." Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Kalma Harley! Niyaya mo lang siya sa pagsabay sa paguwi hindi kasal hay nako. "Gusto sana kitang yayain na sumabay sakin sa paguwi?" Halos lumabas na ang kokoro ko sa pagyaya sa kanya. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking dibdib at halos pigil na pigil ang mga hinga.

"Sorry Harley. May lakad na kasi ako ngayong hapon, sasamahan ko sina Alyssa eh. Maybe next time." Napaiwas naman siya ng tingin sakin. Siguro ay naguilty ito dahil nareject nito ang offer ko.

Tumawa ako at napahawak nalang sa batok

"Haha ganon ba? Pero pwedeng sabay tayo sa pagpasok bukas?" Galing mo talaga Harley! Pinilit mo pa talaga yan.

"Hm,I'll tell my driver nalang na sabay tayo pumasok bukas para maranasan ko ulit na sumakay sa Jeep at tri.. tri.." Iniisip niya palang pero dinugtungan ko na agad.

"Tricycle." Sabi ko. Napatawa naman si Chi. "Oo, tricycle," nang maayos na niya lahat ng gamit niya ay nagpaalam na ito sa akin. "Sige Harley, Maiwan na kita ha? Alyssa is already waiting for me at the entrance gate. See you tomorrow." Bago pa ako makapagpaalam sa kanya ay lumabas na ito ng room.

"Ouch naman, nareject nanaman si Tete, ayos lang yan baby tete, nandito pa naman ako." sabi ni Junjun at yumakap pa sa akin. Agad naman akong nagpumiglas sa pagkahawak nito sakin.

"Pota, Manyakis mo talaga Junjun!" Habang tinatanggal ko ang kamay nito sakin ay may naramdaman naman akong may umakbay sakin.

"Sama ka nalang samin ni Junjun sa Bookstore tutal wala ka namang kasabay sa paguwi." Sabi ni Rex habang nakaakbay sakin.

"Bigat niyo!" Sabi ko sa mga ito. Hanggang ngayon ay tinatry ko paring makaalis sa mga ito.

"Nakakatampo ka na Tete, Palagi nalang si Chi ang iniisip mo, paano naman kami? Minsan na nga lang tayo maging magkasama." Sa wakas, Inalis na ni Rex ang kamay nito sakin. Humarap pa ito sakin at nagpacute.

FYI, guys, Since gradeschool ko na ang mga iyan kaklase, Sino bang hindi magsasawa na hanggang ngayon ay magkaklase kami?

"Puro naman kasi kababuyan ang ginagawa niyo kapag pumupunta tayo sa Bookstore!" sabi ko sa mga ito. Which is very true. Napunta ang mga iyan sa bookstore para sa latest FHM. Dahil wala silang budget minsan, Humahanap ang mga iyan ng bukas na magazine para makita yung mga content. Oh diba? Kagaguhan lang. Tss.

"Hoy wag mo naman akong isali, Matino ako! Si Junjun lang naman diyan ang may taglay na kagaguhan satin. Hindi na ako magtataka kung sa future, 20 ang anak niyan HAHAHAHA!" tawang tawang sabi ni Rex. Natawa din naman ako dahil same kami ng iniisip.

"Sakit niyo naman, matino din naman ako, Wholesome kaya ako! At tsaka ang tawag sa ginagawa ko, being open minded at being thrifty." Pagdepensa pa ni Junjun.

"Dami niyong satsat, Tara na!" Inakbayan ko naman sila, at tumakbo papalabas ng room.

-------------------------------------------------------------------

Sa bookstore

As usual, si Junjun, humiwalay samin para doon sa latest FHM. Kami naman ni Rex ay nasa Teen Fiction books. Kaya pala siya nagyaya dito ay dahil birthday ni Alyssa next week. Mahilig daw kasi si Alyssa sa Wattpad kaya naisipan niyang ibili ito ng mga wattpad published books.

"He's Into Her? Maganda kaya ito?" Tanong nito sa akin. nagkibit balikat nalang ako.

"Siguro, bagay sa iyo yung title eh." napangisi naman siya sa sinabi ko. Patay na patay talaga ang boss natin kay Alyssa.

Habang naghahanap si Rex ng libro, ay may nakita naman akong libro na nakakuha ng attention ko yung title.

"How to win a girl's heart huh?" Tinitingnan ko lang yung title. Kinuha ko agad ito at tiningnan ang mga nakasulat sa likod nito. Hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Rex para magbayad. Kinuha ko agad ang libro na tinitingnan ko para bayadan sa counter.

"Pasama sa pagbayad, Rex" Isinama ko ang libro na bibilhin ko sa lima niyang dalang libro. Habang nakapila si Rex ay hinanap ko naman si Junjun. Pinuntahan ko siya sa may magazine stall pero wala ito dito. Hinanap ko agad si Junjun sa paligid ng stall pero wala ito kaya tumakbo agad ako kay Rex.

"Rex! Nawawalan si Jun squared!" sabi ko dito. Mabuti nalang at maikli ang pila kaya mabilis nakatapos si Rex sa pagbabayad at tinulungan niya akong maghanap kay Junjun.

Sa pagiikot namin ni Rex sa Bookstore, nagulat kami sa nakita naming ginagawa ni Junjun.

"Junjun, anong ginagawa mo?" Halos lumaki ang aming mata sa ginagawa niya. Napaluhod ako para pigilan si Junjun.

"Junjun? Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nasusunog?" Pagaalala ko dito.

"Mga brad, Gusto ko itong bilhin." Sabay pakita samin ang Bible na hawak niya. Sinong magaakala ba naman na sa may Bible section siya makikita?

"Bakit? magbabagong buhay ka na ba?" Pabirong tanong ni Rex.

"Brad, Feeling ko ang linis ko kapag binabasa ko ito." Humawak sakin ng mahigpit si Junjun. Napatingin naman agad ako kay Rex para humingi ng tulong. Wala ng nagawa si Rex kundi kunin ang bible at pumila ulit para barayan sa counter.

Hindi ako makapaniwala na bibili si Junjun ng Bible!

--------------------------------------------------------------

6pm na ako nakauwi sa bahay. Ang tita ko naman at si mama ay nagluluto ng aming hapunan.

"Nakauwi na ako! Mamaya po ako kakain!" Sigaw ko para marinig nila na mamaya ako kakain. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko dahil excited na akong basahin ang nasa loob nito. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, ay ibinaba ko na ang aking bag at kinuha ang librong binili. Humiga ako sa kama at binuklat ang libro.


How To Win a Girl's Heart

1.) Be yourself. Kung gusto mong magustuhan ka ng isang babae, unahin mo munang magpakatotoo sa sarili mo. Huwag kang mag panggap at gayahin ang isang tao. Being you is the most important in a relationship. Besides, an original is always worth more than a copy!

2.) Have an Interesting Passion. Isang malaking turn on sa isang babae lalo na kung maganda ang mga hobbies mo like studying, music, books, etc. Remove all the negative hobbies. All girls wants a guy who is very productive and sure in the future. Allow your passion to become your purpose, and it will one day become your profession.

3.) Be presentable. Having a bad hair cut? Old fashioned clothes? Thick Glasses? and Oh-so-bad Odor? Having a great hygiene will help you win your girl's heart! Start on the way you style. Use a body spray. Make sure it is not too strong for your girl's nose lol. 

4.)Give her all of your attention. They say, The most desired gift in love are not diamonds and flowers and chocolates, it is focused attention. Sa pagbibigay ng attention sa babae ay mabubuo dito ang tinatawag na "trust". It simply means na hindi ka talaga nagsisinungaling. Ito ang pinakamahirap makuha. Make sure to get her trust before the heart. 

5.) Be her friend. Being a friend is not really bad at all. Actually this is the starting point of your relationship. Being her friend will really help you na makilala ka niya as a whole person and same for you. Don't be afraid being on the friendzone. Boost some of your confidence!


----------------------

Sorry for the long wait! But I am back guys! I have finished Grade 10 year! Omg! SY 2017-2018 graduates, congratulations!


what do you think about chapter 18? 

don't forget to give it a vote! thank you for reading!


Taihen AcademyWhere stories live. Discover now