♡29: [Basketball]

26 9 5
                                    

-=♡Red's Pov♡=-

Oh my! Ang galing nila magbasketball promise! Ang ganda manood! Lalo na! Si Black lang lagi ang may hawak ng bola. Lols. Ayaw niya yata ipahawak sa iba eh. Parang kanya =______=

Ang tangkad niya at nakaka-inlove talaga siya! Waaahhh! ♡__________♡

Ang hot niya shet... pinagpapawisan na siya. My ghad! How I wish to wiped his sweats away! Yiiieeehhh! Naiimagine ko pa lang halos mamatay na ako sa kilig! Pano pa kaya pag...!!!!! Ehehhehehe... hindi mangyayari yon asa pa ako noh. :(

"Vince boo! Hindi mo maisho-shoot yan! Asa ka!" -Ella

"Itigil mo na yan! May nanalo na uy! Umuwi ka na!" -Nadz

"Go papansin!!!^____^ asa pa more hah! Sige go lang! Keep it up" -Sarcastically said by Sophia.

Ibang klaseng mga babae 'to. Bigla na lang eeksena at mang-aasar hahahahahaha.

#parinigpamore

Hahahahhaha... nakita ko naman na biglang nabeast mode ang boys. Lol!

"Red bumaba ka nga dyan! Parang hindi sumakit ulo mo hah! Makaakyat-akyat ka ng puno dyan eh... kapag ikaw nahulog. Hay nako" si Nadz oh! Ang caring masyado. Sa sobrang pagkacaring gusto ko silang pag-untugin ni Drix. Hahahahaahaha.

Makababa na nga lang... may swing sa ilalim ng puno at sa swing na lang ako uupo. May bench naman pero... ewan ko ba! Bakit may part pa rin sakin ang pagka-childish.

Dalawa lang ang swing at... si Ella nakaupo na dun sa isa. Si Nadz at Sophia nasa bench... nagbabasa g wattpad sure ako. Pangiti-ngiti na parang timang ang dalawa eh.


"Hi Ella" bati ko kay Ella na nakafocus ang tingin kay Vince na nagbabasketball.

"Ella hello? Ikaw hah! Baka ma-fall ka niyan kay V! Hahahahhaha"


"What? Hell no! Never! Errr... Red wag ka ngang mag-isip ng ganyan!" Hala! Wagas makareact oh!

"Hahahhaha ok... mangga o gusto mo?"


"Yeah thanks" kinuha naman niya yung iniaabot kong mangga.

"Red bakit mo nagustuhan si Black?" Hmmm... bakit nga ba?

"Hmmm... kasi ano... ehm. Kasi basta ewan! Nainlove na lang ako bigla ganon! Sino ba naman kasing hindi maiinlove sa kanya eh Ideal type na siya oh. He is tall... he has a very charming eyes---"


"Huh? Charming eyes? Ikaw lang yata nakakakita niyan ah! Anong mata meron ka Red. Kita mong blangko lagi ang mata ng lalaking yan eh. Daig pa ang mata ng tilapia" hahahahha

"Hahahahaha ewan... nagustuhan ko rin siya siguro dahil... ang daldal niya at ang dami niyang alam tungkol sa BTS... nakakainlove kaya yung lalaking ganon. Harsh man siya pero... may konting pagka-caring pa rin naman"

"Huh? Si Black? Madaldal?! Red eh halos pipi nga yan eh... hindi marunong magsalita"

"Eh bakit ang daldal niya?"

"Oh my! Baka gusto ka rin niya!"

"Ssshhh wag ka sumigaw... maririnig nila tayo"

"Nag-uusap ba kayo? Tsaka pano mo nasabing ang dami niyang alam sa BTS? ikaw hah! Di ka nagsasabi sakin"


"Heheheheh sorry... hmmm Ella pwede ka ba magkwento tungkol kay Black?"

Not your Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now