#PinansinAkoniRobinDay1

1.1K 25 5
                                    

Natutuwa talaga ako dahil napapadalas na ang pagpansin ni Robin sa akin.

Oh diba?

Hindi niya rin natiis ang gwapo niyang Daddy. Hahaha *Evil Laugh*

Ewan ko pero kahit nakakatanga at nakakabading, tuwang tuwa ako sa pagpansin niya sakin kahit na..

Kekwento ko nalang! Hahahahaha :D

Ganito kasi yun..

Day1:

Habang nasa sala ako, biglaan naman dalaw ng mga mokong na mga kaibigan ko.  As usual hindi pa rin sila nagbabago.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko naman kayo pinatawag ha? At lalong hindi ko kayo sinundo!" sabi ko habang nakapajama pa, nakaupo sa sofa at nakapatong ang paa sa lamesa.

"Ikaw na nga tong dinalaw ikaw pa tong choosy, hindi ka naman chix!" Sagot naman ni Third na umupo na din kahit di ko pinapaupo.

"Oo nga Fafa Bryle, hindi mo ba kami namiss? Hahaha" sabi naman ni Steve na nakiupo na rin kasabay ni Tommy.

"Manahimik ka Steve kung ayaw magpush up!" bulyaw ko.

"K!!!!!!!!" sabay sabay silang tatlo. "Hahahahahahaha!" Badtrip talaga. Sinisira na naman nila ang araw ko.

"Weak ka na dre, hahaha! Hindi ako papayag niyan, ginaganyan ka nalang ni Steve! Hahaha" pangaasar ni Third sa akin na sinabayan ng tawa ni Tommy.

Yang Tommy na yan, wala pa ring kwenta. Puro "No Comment" pa din o kaya naman yung pamatay niyang "K". Lakas makapikon! -_- Siya ang nagpauso niyan kaya tuwang tuwa silang naasar nila ako. Bakit nga ba kasi wala na akong magawa sa kanila? Hindi ako weak ha. Hindi!!!!

"Mga sperm niyo weak! Bwiset! Lumayas na nga kayo!" bulyaw ko sa kanila.

"Pag meryendahin mo muna kami!  bisita kami dito dre, bisita." nakigaya na rin ng pwesto si Third sa akin sabay sangayon nila Steve at Tommy.

"Bakit kita paghahanda? Hindi ka rin naman chix." sabi ko at tawanan naman kaming apat. Ganito lang ang buhay, kahit may kanya kanya na kaming buhay magkakaibigan pa rin kami.

Naputol lang ang tawanan namin ng mapansin kong papalapit si Robin sa amin.

Napakacute niya talaga *O*

Babae siya pero parang ang angas ng lakad niya. Teka? Ano yun hawak niya?

May hawak siyang puting blangkong papel. Para saan?

Nung makalapit na siya. Inabot niya yung papel sa akin kahit na malayo siya. "Para sa akin ba to?" tanong ko with puppy eyes. Pansin ko na kasing nangangawit na siya kaya kinuha ko na.

"Un..fortu...nately...*with sarcasm*" Sagot niya. Kahit na sarcasm yung sagot niya tuwang tuwa ako *O* Ang cute cute niya talaga. Naiintindihan ko na ata si Tanda sa pagiging OA niya?

Did I say naiintindihan? Ah mali! mali! Iris niyo yun, iris.

"Baka naman erase..."

Heh! Manahimik ka isip lang kita basta ganun na din yun. He he he

BASTA HINDI KAMI PAREHO NI TANDA, AKO ABNORMAL LANG SIYA MONGGOLOID KUHA NIYO?

"Sabi ni mommy draw something that I can, to make you happy. Here it is!" sabi niya habang nakaextend pa din ang kamay paabot sa akin pero hindi siya nakatingin.

"Wow! *O* Ano ba to?" ano ba yung sagot ko nakakatanga. Yung tatlo naman nakatingin lang, nagaabang siguro ng maasar sakin.

"Siguro papel.." Sarcastic pa din sagot ni Robin.

"Hahahahaha..." Tawa naman nung tatlong pugo. *cricket cricket* bakit may cricket? Bigla kasi natigil ang tawa nila ng tumingin si robin sa kanila. Hahaha

"Waaaaaaah! Anak ko talaga siya.*O* *O* *O*" 

"I drew a cow and a grass.." nagtaka ako sa sinabe niya. Ano daw ulit? nagdrawing siya ng cow tska glass?

"Asan yung glass dito?" sagot ko.

"Hahahahahaha!" Tawa na naman nila Third tapos titigil kapag tinignan ni Robin.

"Grass.. stupid!" Waah! Pikon na siya tanga mo kasi Bryle. Nakakatanga naman talaga kasi kapag nakita mo kacutetan niya (_ _)

"Okay, wheres the grass?" tanong ko.

"Eaten by the cow tss *sarcastic*" Sumasagot naman siya pero di siya nakatingin sa akin. Pero ok na yun kesa dati na bukmbibig niya na panget ako T^T

Nagtaka pa rin ako? Wala na yung damo kasi kinaen ng baka? Nasaan ang baka?

"What about the cow? wheres the cow?" yes magaling na ako kahit papaano sa english. Kasi naman english ang mga anak ko (~ ^_^)~

"Ano pang gagawin ng baka jan kung wala ng damo? Malamang umalis na! Common Sense!" Waah! Nakakatuwa humahaba na yung paguusapan namin ni Robin kahit na ano pa yan basta pinapansin niya na ako. Hahaha magpapainom ako mamaya!

Tumalikod na si Robin at akmang aalis aawatin ko sana pero bago ko pa man maawat humarap na siya.

"How come mommy loved you, youre stupid." sabi niya at umalis na paakyat ng kwarto.

O__O   O__O   O__O

"Hahahahahahaha!" tawa ng tatlo.

"Combo yun pre, times 2 times 2!" Napatayo pang sabi ni Steve.

"Hahahahaha 100 times yun mga dre knock out!" sabi naman ni Third na nagkakame hame wave pa.

"Ano pang hinihintay niyo? Inuman na!" sabi ko na kinabigla niya.

"Ok lang yan Fafa Bryle naiintindihan ka naman namin ganun lang siguro yung mga anak mo sayo pero mahal ka ng mga yun.." Pag momotivate ni Steve sakin.

"Oo nga...." sabay sabi at tango nila Tommy at Third. Pinapat pa nila yung balikat ko.

"Mga tanga! Hindi ako malungkot.. Hahaha Masaya ako! Napakasaya ko dahil hindi lang isang word ang sinabi ni Robin sa akin mga dre. Hindi lang isa kundi 61, 61 words yun dre. biruin mo yun dati swerte na ako sa dalawang salitang sasabihin niya. Hahahaha! Tara na inuman na tayo!" pagmamayabang kong sabi.

"Akalain mong nabilang mo pa yun -__-" Sabi ni Third.

"Masaya pa siya kahit puro panlalait sinabi sa kanya.. Haha" sabi naman ni Steve.

"Hindi mo ako maiintindihan Steve, kasi hindi ka pa tatay. Weak kasi sperm mo hahahaha!"

"Boom Panes!" Nasabi ni Tommy. At nagtawanan nalang kami. Sa huli, pinaframe ko pa yung blangkong papel na yun at nakadisplay sa kwarto ko. Nakikipagawayan pa nga si Tanda sa akin. Asa siya! Hahaha

GFFH AND OHG SHORT STORY FANFIC By .ƧƦ.Where stories live. Discover now