Kabanata 12

367 20 67
                                    

 Movie to Reality

Damon's POV

"DAMON!" Sigaw ni myloves sa akin at sinipa ang hawak ko palabas ng gusaling ito, ang sarap pala pakinggan ng isinisigaw ng may pagmamahal ang pangalan mo no?

Pffft. Di ko mapigilang tumawa, she's so angry that she could eat me whole. I didn't do anything except... showing her the rat I killed. Nahalikan niya pa! Grabe! Natatae ako sa kakatawa. Napahampas pa ako sa dingding na sinandalan ko kanina. Hindi ko talaga mapigilan, she kissed a dead rat! Pfffft bwahahahahaaha. "ARAY!" Sigaw ko. Pano ba naman, eh sinapak ang gwapo kong mukha, di niya ba alam na nagkakapera ako sa mukhang 'to?! Pano nalang kung mamaga? Magkaroon ng galos? Tsk. Pasalamat ka't mahal kita. 

"HMPF! Pasalamat ka at tumanaw pa ako ng utang na loob sa'yo at di kita pinatay agad! Isang kibot nalang, bubulagta ka sa sahig na 'to!" Pagbabanta niya, she's so hard on me. Kanina nga nahawakan ko yung boobs ni Caesee, di naman nagalit pero siya, yun lang nagalit na. Wag pong dirty minded, gumagalaw kasi lupa kanina kaya napahawak ako sa kung ano mang mahawakan ng kamay ko, sa boobs pala ni Caesee dumapo kamay ko at buti nalang di ako nasuntok saka nakaswerte pa ako *taas-baba ang kilay*.

"Demonise," Seryosong tono ang pagkasabi ko sa pangalan niya kaya agad naman siyang napalingon at kumunot ang noo. "Gutom na ako hehe," Napakamot pa ako sa ulo ko't sumunod ang pagkalam ng sikmura ko. Ilang minuto din bago niya ako kinibuan. "Ako pa magpapakain sa'yo, lalake ka ba talaga?" Parang natamaan yata ako ng pana sa sinabi niya, ang sakit naman. Binuhat po kasi kita kaya di ako nakapaghanap ng pagkain, as if masasabi ko yan sa'yo, baka magalit ka pa ng husto.

"Ito oh!" Pasigaw niyang sabi at inabutan ako ng dates na di man lang nakatingin sa akin. Pinasalamatan ko siya at naupo na at isinandal ang likod sa dingding. Magkaharap kami, sa kabilang dingding din siya. Nang matapos siyang kumain tumayo siya't tinignan ang labas. Ilang minuto nalang ay lulubog na ng tuluyan si haring araw kaya't ang natitirang sinag nito ay natatamaan ang katawan ni Demonise.

Una kong sinuri ng mukha niya, bagay sa kanyang kutis ang kanyang pulang buhok na kinontra ng kulay ng kanyang mata na asul, matapos kong suriin ang kanyang mukha ay bumaba ang aking tingin sa mga curves ng katawan niya. Oh yeah, a perfect face and a perfect body. Napatango-tango pa ako sa inisip ko, I was busy comparing her perfect body to the girls in my tribe. I wonder what does it feels like to touch her boobs? Is it as soft as Caesee's? But not as big as Mayel's.

Nasa sarili kong mundo na ako nang may marinig akong tumakbo sa tabi ko't kinakalabit braso ko. Napadilat ako ng mata at tinignan ang taong yun, it's Demonise at parang nakakita ng multo. Inis akong tumayo at hinintay siyang magsalita. "M-may nakita a-ako." Nauutal na pabulong niyang sabi. Nagtaka namang ako, ano ba ang nakita niya't kung makayakap siya sa'kin ay parang isa akong importanteng bagay na ayaw niyang mawala. "Ano bang nakita mo?" Napapabulong na rin ako sa kanya, nanghahawa pa eh.

Palakad na sana ako palabas nang mas hinigpitan niya ang yakap sa braso ko, madilim pa naman at ano ba talaga ang nakita niya at tarantang-taranta siya? Biglang umilaw ang abandonadong syudad, lahat ng gusali ay lumiwanag pati ang mga poste at sirang traffic lights na patay sindi. "Alam kong matapang ako pero... takot ako sa mga ganun!" Hiyaw niya. Naguguluhan na talaga ako, ano ba kasi? May narinig naman akong humalinghing sa labas at mga nagbabagsakang mga bakal. Napabitiw si Demonise sa akin pero hinila ang kamay ko papunta sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng gusaling ito at pinatay ang mga ilaw. "AN--" Di na niya ako pinatapos magsalita at agad niyang tinakpan ang bibig ko. Mabigat ang kanyang paghinga at may narinig ulit akong humalinghing sa labas ng gusali.

The Death's Game [EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant