Chapter 2.

0 0 0
                                    


Trishia Pov.

Simula ng maging ka close ko si Peris ay kami na ang palaging magkasama, minsan ay nahihiya na ako sa kanya dahil madalas nya akong nililibre ng pagkain. Ang sarap pala magkaroon ng kaibigan na mayaman.

O pano trishia? Tara na ba sa bahay tapos naman na ang klase. Pag aaya ni Peris

Sige pero pwede bang hintayin mo nalang ako sa kanto magpapaalam pa kasi ako kay auntie.

Sige, sige I'll wait for you. Sabi niya.

Habang naglalakad ay naiisip ko kung bakit bigla ko nalang nakaclose si Peris hay nako siguro ganon talaga

Auntie mano po. Ammmm auntie pupunta po pala ko sa bahay ng kaklase ko gagawa po kaming research. Pagpapaalam ko kay auntie sana pumayag syaaaaaa.

Bata ka! Kakauwi mo lang aalis ka na naman. Sabi ni auntie

Auntie e kailangan. Bahala ka nako pag di ako nakagraduate di kita matutulungan. Pagbibiro ko kay auntie

Aba ikaw pa nanakot ah! O sige nako dami mong palusot. Natatawa nyang sabi

Labyouuuu auntie hahahaha.

*****

Nakita ko Peris na nakaupo at parang may iniisip kaya tinawag ko sya.

Peris! Tulaley ka na naman ano bang iniisip mo? Pasigaw kong sabi sa kanya.

O nandyan kana pala. Tara na nga kung anu-ano pa iniisip mo. Irita nyang saad

Tahimik kaming bumyahe papunta sa kanila. Parang may kakaiba kay Peris ngayon, may sakit kaya sya? Ano kaya nangyayari sa magaso na 'to

Hoy ba't ang tahimik mo naman? Pambabasag ko sa katahimikan.

Ah eh wala lang. At kitang kita ko kung paano n'ya iniwas ang tingin nya saakin

Nakakapanibago ka ah nung una ang gaso gaso mo ngayon ang tahimik mo. Seryoso kong sabi sa kanya.

Pasensya ka na ah may iniisip lang ako. Sagot nya sa akin.

You Were My First And LastWhere stories live. Discover now