Challenge # 13

39.1K 1.4K 145
                                    

"Is it real? As fucking real as the dalandan?"

Hindi ko alam kung anong oras na pero nabungaran ko na lang iyong mga sira ulo kong kaibigan na nasa loob mismo ng silid ko at pinaliligiran ako. I haven't slept that much yet but they are here and they are trying to get information out of me. Pakiramam ko, tulad ng dati ito na kapag may kailangan sila sa isang tao, they will fucking torture him just to get what they want. Hindi man nila ako tino-torture sa ngayon, pero parang ganoon na rin dahil mukhang wala naman silang balak umalis na lang basta. Nakahiga ako sa kama, disoriented pa. Kagigising ko lang kasi talaga at ang una kong nakita ay si Ido na nakahiga sa tabi ko, sumunod si AJ na nakangisi habang nakaupo sa gilid ng kama tapos si KD at Azul na nakatayo sa harapan ng kama ko habang nakahalukipkip. Kinurot pa ni Ido ang dibdib ko kaya marahas akong napabaling sa kanya.

"Tang ina, Jude, matandang binata ka na pero hubad ka pa rin matulog! At may tent!" Nanlaki ang mga mata ko nang himahisin niya ang parteng iyon ng katawan ko. Sinuntok ko naman siya sa mukha.

"Hit me anywhere but the face!"

"Tang ina ninyong lahat! Anong ginagawa ninyo dito?! Alas kwatro pa lang ng madaling araw! Putang ina ninyo!" Pinagbabato ko sila ng unan. Tawa naman nang tawa si KD.

"Sige matulog ka pa. Narinig ko si Yella kaninag umaga, alas sais daw ang alis ni Arielle papuntang Bataan. Matulog ka pa, kundi ka darating bad shot ka na naman doon." Pang-aasar ni KD sa akin. Sa bwisit ko ay bigla na lang akong tumayo. They all had to look away because I am butt naked but I didn't care. We shower together a lot before hindi naman nab ago na magkikita kami nang nakahubad lang.

I took a quick shower. Narinig kong inaayos na ni Axel John ang mga gamit ko. Si Ido naman ay sumigaw pa.


"Jude, maligo ka lang, h'wag ka nang mag-jajakol diyan!"

"Ulol!" Inis na sigaw ko. Paglabas ko ay napansin ko agad iyong damit kong nakahanda na. Iyon ang isang bagay na talagang nakakatuwa sa mga kaibigan ko, they are all supportive of whatever. Kahit si Simoun pa.

Nang bihis na ako ay lumabas na ako. Nakita kong dala na ni Axel ang bag ko pero natigil ako sa paglakad nang makita kong nakaupo si Simoun sa kama ko. I know that we have to have this talk. I took a deep breath and faced him.

"Simoun..." He looked at me.


"Don't give her false hope, Judas. If you can't forget her and if you can't move on from her memories, then don't give Arielle false hope. Kapag nasaktan siya dahil sa'yo, Jude, pasensyahan tayo."

Simoun is a good man. He is just and fair. Siya ang leader dati ng grupo pero ibinigay niya iyon kay Ido dahil gusto niya nang matahimik na buhay para sa pamilya niya. Lahat naman kami ngayon ay tahimik na at ang kalaban na lang namin ay ang aming mga sarili. I smiled at him. Tinapik niya ang balikat ko.

"I won't hurt her, Simoun."

"Thank you. And we are all happy because you are trying, Judas." Tinapik niyang pabalik ang mga balikat ko. Iniwan niya ako matapos ang usapang iyon. Napakadali lamang pero maraming ibig sabihin. I will try my best. I have Ido and Azul and the girls to consider for this. Hindi ko man alam kung paano sisimulan pero ang mahalaga, may naisisimulan ako.

Inihatid nila akong lahat papunta sa hotel kung saan ko sinundo dati si Arielle. May shuttle na susundo sa kanya mula roon. Hindi naman ako nahuli dahil paglabas ko ng sasakyan ay ang siyang pagdating ng shuttle at ang pagsakay ng mga sasama. I saw her. Dala niya ang lugguage niya. Agad akong tumakbo para alalayan siya at kunin ang mga dalahin niya. I could see my friends, they were all grinning like crazy. Hindi ko na lang pinansin masyado. Arielle smiled at me.

Judas: The Redeemed Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon