Payong- one shot story

114 1 0
                                    

PAYONG

Tagulan nanaman kailangan ng bagong payong

Payong na pantabla sa ulan ng hindi ka mabasa..

Pero paano kung yung mismong payong ng buhay mo may iba ng kailangan payungan ..

Hahawakan mo parin ba o kailangan mo ng bitawan kahit mabasa ka pa sa napakalakas na ulan..

Ako nga pala si dianne .. 3rd year college sa *toot* university nagaaral..

Sabi nila pag masarap umiyak lalo na kapag umuulan hindi ka nila mahahalatang umiiyak kasi mismong mga patak ng ulan ang mismong magaagos ng luhang dumadaloy sa mukha mo..

---

Uwian na namin ng biglang bumuhos ang malakas na ulan..

Hayss nakalimutan ko palang dalin ung payong ko..

Bakit ngayon pa umuulan ,, nakikisabay kaba sa sakit na nararamdaman ko..

Tumakbo ako papuntang shed,,para magpatila ng ulan, nga pala may best friend ako si shiela classmate ko siya. Hindi ko siya kasbay ngayon kasi tinakasan ko siya ang sakit kasi na Makita ko sila ng taong lihim kong minamahal ng ilang taon tas malalaman ko nalang na si shiela pala ang mahal niya, ang sakit sobra sinabi ko naman sakanya na mahal ko si jayden pero wala akong magagawa e siya mahal hindi naman ako..

Habang nag aantay ako sa waiting shed para tumila ang ulan biglang may nag patugtog grupo sila mukhang mga 1st year palang ...

"Kung ako ba siya mapapansin mo

Kung ako ba siya mamahalin mo

Ano bang meron siya na wala ako

Kung ako ba siya iibigin mo"

Nanadya ba kayo :((ang sakit isipin na kaibigan ko pa ang mahal ng taong mahal ko..

Panu ko nalaman. Na si shiela ang gusto niya ,,

FLASHBACK

Hinahanap ko si shiela para sabay kaming maglunch break kasi bigla nalang akong iniwan sa room ..baka gutom nay un kaya nagmadali,, puntahan ko kaya sa canteen baka kumakain na..sshhh

Nagpunta na ako ng canteen ng Makita ko ko siya ayun na nga kumakain na .. grabe talaga tong babaeng toh hindi man lang ako inantay ang daya pero bat parang may kausap siya lumapit ako sa bandang sakanila..

Hindi naman sa chismosa ako eh narinig ko ung usapan nila.. lalaki ung kausap niya at parang si jayden..bakit kaya sila magkausap

Jayden: mahal kita , sobrang mahal .. torpe lang ako pasensya na ngayon ko lang aaminin..matagal na kitang mahal unang pagkikita palang natin..

Nang marinig ko yan tumakbo ako papunta sa garden ng school ,ndi ko na hinayaang mkapagsalita pa si shiela kasi alam kong masasaktan lang ako ng sobra.. umiyak ako ng umiyak ang sakit na marinig na best friend ko pa ung mahal niya,, pumasok na ko sa next subject ko..pero lumulutang ung isip ko sa mga salitang binitiwan ni jayden para kay shiela ,parang dinudurog yung puso ko..

ang hirap pansinin ng best friend mo.. kaya sabi ko sakanya..

Ako: shiela mauna na ako ah.. may gagawain pa ako sabay patakbo palabas ng campus..

Shiela: pero..

Hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin tumakbo na ako ang sakit kasi ee.. baka Makita ko lang silang dalawa ng taong mahal ko, masaktan lang ako ng sobra

ayoko ng umiyak, nakakahiya kung dito pa ko sa campus iiyak sa bahay nalang.

END OF FLASHBACK

.ang tagal tumila ng ulan kaasar..baka maabutan ko pa sila dito.. masasaktan lang ako..at ayun nga naabutan ko pa silang dalawa ,asar na ulan to nakisabay pa sakin..malapit lang naman ang bahay ko dito sa university kaya

1

2

3

Takbo

Ayoko silang Makita kaya sumugod nalang ako sa malakas na ulan..atleast pede sumabay ang mga luha ko sa pag buhos ng ulan ang sarap umiyak lalo na habang umuulan hindi nila mapapansin at the same time parang nkisbay pa ang langit sa sakit na nararamdaman ko,buti nalang iniwan ko lahat ng libro ko sa locker kaya walang importanteng gamit ang mababasa ..

Narinig ko yung pagtawag nila sakin...

"D-ianne"

Pero hindi ko sila pinapansin naglalakad na ko pauwi ng biglang napansin kong wala ng ulan sa pwesto ko pero ano toh joke ,hindi nako nababasa nakayuko kasi ako habang naglalakad pero imposible kaloka hah! , ang sakit padin kung pde lang kalimutan nalang at maging masaya sa best friend ko pero imposible ee..tumingala ako para tignan ........

Bakit may payong at sinu tong nasa tabi ko..tuloy tuloy lang yung agos ng luha... masakit man pero kailangan kong maging masaya para sa best friend ko.. kung sila talaga sila na at alam kong wala akong magagawa dun...isang lang akong extra sa love story nila..ganito pala makaranas ng heart break, siya pa naman ang first love ko :"(

Jayden: bakit ka ba biglang tumakbo., yan tuloy basang basa ka ng ulan..

Ako: j-ayyden???*hikbi*

Jayden: oh bat parang umiiyak ka?

Ako : hindi ah.*hikbi* iwan mo na ako*hikbi*.. okay lang*hikbi* mabasa ng ulan*hikbi*..wala ng silbi *hikbi* ang payong kung*hikbi* yung papayungan *hikbi* mo ay basa na rin *hikbi* ..

Jayden: may problema ka ba? Andito lang ako!! Pede mong sabihan ng problema..

Ako: salamat nalang ,,

Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ung braso ko..

Jayden: wag ka mo kong lokohin Dianne alam kong may problem ka , kilala kita kahit hindi tayo masyadong naguusap..

Ako: ha?????

naguguluhan nko jayden ano b meron

Jayden: manhid kb tlga? para hindi mo mapansin..sheeettt ..ILANG BESES KO PA BANG KAILANGAN MAGPAPANSIN SYO.. ndi mo ba alam nagmumukha nkong stalker.. ang sakit lng.. MAHAL NA MAHAL KITA tas ndi mo man lang yun mapansin tas ngayon umiiyak ka.. sinu ba dahilan nyan oh.??

jusmiyooo umiiyak na si jayden.. anu ba yan bat kasi ang tanga ko bat ngayon ko lang naisip bka sya yung guy na parati nagpapadala ng flowers tas magiiwan ng letter sa locker ko..

Ako: sorry.. manhid sguro ako para ndi mapansin yun pero bakit manhid ka din para ndi mo mapansin na mahal din kita at ikaw ang dahilan bakit ko umiiyak ngayon saka isa pa db yung best friend ko yung gusto mo..

Jayden: hay!! ndi mo b alam na ngayong oras na toh ay magtatapat ako ,isa si shiela sa mga tumulong sakin para magawa ko tong plano na toh pero ndi ko pla alam na may pag ka ninja ka at narinig mo yung praktis ko knina para masabi ko syo na

mahal kita , sobrang mahal .. torpe lang ako pasensya na ngayon ko lang aaminin..matagal na kitang mahal unang pagkikita palang natin..

-

akala ko yung payong nang buhay ko ay mawawala sakin yun pla nagaantay lang sya ng tyempo para mapayungan at maipadama sakin yung pagmamahal niya,ska nkuuuu pati best friend ko napagselosan ko pa pero ngayon masya nko kasi okay na yung lahat.. ska alam kong yung payong nang buhay ko andito lang sa tabi ko at patuloy na mamahalin ako

-END-

a/n: na edit ko na sya haha:D

sana magustuhan niyo sya may mga part lang akong binago..

salamat sa mga magbabasa:*

>lovEYAForever<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Payong- one shot storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon