Mascot

19 0 0
                                    

“Mariel,”

“O, bakit Teh? Ang lungkot mo naman ata?”

“Marieeeeellllll.”

“Bakit nga?”

“Di nagpaparamdam sakin si Gab ngayon ;__;”

“Ha? Paanong di nagpaparamdam?”

“Ayun, bigla na lang di ako kinakausap. Di ko nga alam kung anong nagawa ko at ganyan siya. Tinatawagan at tinitext ko na nga pero di sumasagot at walang reply.“

“Di ba kayo nagkikita ngayon?”

“Teh! Ni hindi nga nagtetext e, paano pa magkikita?“

“Myka, kalma lang! Baka busy lang.”

“Or nakalimutan na niya talaga ako. Teh, okay lang naman sakin na ganito e pero hello? Malapit na yung araw na pinakahinihintay ko.”

“Ang alin ba?” tanong ng kaibigan ko. Don’t tell me, pati siya nakalimutan?

“Hay nako Mariel. Di bale na nga, aalis na ako. May mga aasikasuhin pa ako.”

“Sorry na Teh. Pero sige, medyo busy rin ako e. Sorry talaga Myka.”

“Sige okay lang.”

Hay, ang sad naman. Kung kalian malapit na ang birthday ko, saka naman nalimutan ng mga taong ito yung araw na yun. Etong kaibigan ko, masyadong stressed sa work niya kaya di na naalala. Okay lang naman pero mas masakit na nalimutan ni Gab.

Hello? Nine months na kami ni Gab at eto yung first birthday ko na boyfriend ko na siya. Tapos, eto nalimutan pa ata niya. Alam ko naman na busy siya kasi malapit na ang finals week niya sa med school. Di naman ako nagde-demand na bigyan niya ako ng surprise party pero sana man lang maalala niya. At sana pinapansin niya ako ngayon.

Hay.

Hay.

HAAAAAAAYYYYYY.

*calling Gab*

“Yes, Honey?”

“Gab,”

“O, anong problema Myka?”

“Uhm, wala naman. Busy ka ba? Pwede ba tayo magkita mamaya after ng work ko? Nami-miss na kita e”

“Hay. Sorry Myka, busy pa rin e. Ang daming requirements at org work akong kailangan tapusin. Sorry talaga Honey.”

“Ah sige okay lang naman. Anyway, sige ituloy mo na yung mga gagawin mo diyan.”

“Sige. Sorry talaga. Bye!”

“I love—“

Ayyyy, binaba na. Hay. Busy nga talaga siya. ;_____;

To: Gabriel

I love you, Honey! Have a nice day!

At di na naman siya nag-reply. Huhuhuhu eto ba yung tinatawag nilang taken for granted? Ouch. Ayoko na nga mag-drama, magtatrabaho na nga lang ako.

Myka’s Birthday

*Mariel calling…*

“Oy Mariel, asan ka na? Nasa Mcdo na ako.”

“Mykaaaaa, sorry! Naipit kasi ako dito sa students ko. Nagpa-overtime na nga, nagpapa-consult pa. Finals week na kasi. Sorry talaga Myka.”

“Okay lang naman kung late ka, hihintayin na lang kita.”

“Sorry talaga Teh. Di na ako makakahabol, marami pa kaming dapat ayusin dito. Sorry talaga. Happy birthday na lang ulit. Feeling ko naman magiging masaya ka rin ngayon e, don’t worry.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MascotWhere stories live. Discover now