//TCB's Prologue\\

11.6K 122 23
                                    

THE CAMPUS BUTLER

2012 © Puzzlelicious. All Rights Reserved.



Genre: Romance | Teen-Fiction | Humor 

Date Started: June 11, 2012

Date Ended: ___ , 2012

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


// PROLOGUE \\


Campus Royalties?

Isang grupo ng mga babae at lalaki na tinuturing bilang mga maharlika. Sosyal, diba?

Campus Queen? 

Siya ang Queen Bee ng school at lahat ng tao kailangan sundin siya –more like She-devil.

Campus King? 

Hearthrob ng school at habulin ng mga babae –natural flirting machine.

Campus Princess? 

Ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa este sa school lang pala –dyosa ng kagandahan.

Campus Prince? 

Mali kayo ng iniisip, hindi siya kagaya ni prince charming –isa siyang dakilang bad boy.

Campus Maid? 

Alalay, personal julalay at utusan ng mga Campus Royalties –isang ganap na OFW.

Campus Butler?

Taga-buhat, taga-sunod at ang knight-in-not-so-shining-armour ng Campus Princess –ako. 

Paano kung kailangan mong ma-stuck sa isang Campus Butler dahil sa pesteng oath na kailangan n’yang gawin? 

Paano kung kailangan mong pumunta sa mga gigs n’ya dahil isa siyang gitarista at ginawa ka n’yang alalay?

Paano kung kailangan mong maging tie-breaker sa dalawang lalaki na nakikipag-away sa isa’t-isa dahil lang sa’yo?

Paano kung kailangan mong kalabanin sa pagandahan yung vocalist ng banda na sinasalihan ng hinayupak mong butler?

At paano ka makakalutas sa problemang hindi mo kayang malutas?

Na-inlab ka nga, pero hindi mo alam kung kaynino –kay Campus Butler mo ba o sa Campus Prince mo?

- - - - - - - - - - - - - - - 

Salutations: Hi, po. Makiki-epsi lang, Ate Kath. Na-inspire ako sa ginawa mong Campus Maid kaya eto ako ngayon gumagawa ng storya. Dedicated 'to para sa'yo! :)

The Campus Butler -- [2]Where stories live. Discover now