Page Three

495 5 1
                                    

My Diary,

Hello my diary! Hmm. Nakwento ko na sa iyo si Jewel right? Now, si Sarah Geronimo naman yung ikukwento ko. Si Sarah, siya ang one and only Popstar Princess ng Pilipinas. I heard some says siya na ang Beyonce ng Pilipinas. I told you, big time yung next leading lady ko.

When I first heard about sa magiging next movie ko siyempre hindi ako naniwala. My goodness paano naman kami magkakamovie eh hindi naman kami nagsama before. Kahit nga mag-usap eh hindi naming nagawa. Tanging hi and hello lang talaga kami. Iba kasi yung circle of friends niya. Well, close siya sa mga ofcourse sa mga singer sa ASAP. Eh hindi naman ako singer so ayun, walang chance talaga na magkasama kami. Pero close din siya sa mga nakatrabaho na niya before. Kumbaga, I can say na siya yung tipo ng artista na kahit tapos na yung project na ginagawa niyo, continues pa rin yung friendship niyo. Ayun yung napapansin ko sa kanya.

Nung una, I heard na tinanggihan niya yung project. Hindi ako sure kung tumanggi talaga siya o baka may iba lang na dahilan pero nung napanood ko yung interview niya na sinabi niyang hindi na nga tuloy yung movie. Siyempre sobra akong nanghinayang. Inisip ko na lang na baka hindi kaya ng schedule niya kaya hindi niya magagawa yung movie. I even asked my handler kung totoo ba na walang Sarah-Gerald movie na magaganap. Sabi ni ate Nhila wala pa daw confirmation from the bosses so ayun everything will be just rumors. May sinabi si ate Nhila na medyo ikinalungkot ko. Sabi niya na she heard daw from her friend na kaya daw umayaw si Sarah kasi kinakabahan daw siya because yung ibang fans namin ni Kim ay umayaw. Hindi ko alam pero may nabanggit pang death threats. Grabe diba, bakit pati si Sarah? Kumbaga obvious naman na it’s pure work so bakit kailangan gumawa pa ng ganun? Pero humanga ako kay Sarah nung sinabi niyang naiintindihan daw niya na may pagkapossesive ng fans namin. Medyo kinalungkot ko lang nung sinabi niyang huwag ng ipilit yung movie. Well, naiintindihan ko siya kaya lang hindi ko maintindihan kung bakit nalungkot ako sa thought na hindi na kami magkakapartner. So ayun, tinanggap ko na rin na hindi na nga matutuloy. Pangit din naman kung ipilit namin ang hindi dapat mangyari diba.

After some weeks, I heard from ate Nhila na matutuloy na nga yung movie namin. Sobra akong nabigla sa balitang yun. Siyempre sobra kong ikinatuwa yun. Kumbaga para akong sinikatan ulit ng araw. Haha. Ayun narinig ko rin na kinompirm na rin niya sa isang interview. Hindi ko alam kung bakit nagbago yung isip niya pero sobrang saya ko talaga dahil dun.

Siyempre kailangan kong magpaimpressed. Haha. Oo dairy yan talaga yung unang pumasok sa isip ko nung malaman kong tuloy na nga yung movie namin. Gagawin ko ang lahat para hindi niya pagsisihan yung pagtanggap ng project na ito. So ayun, nag research ako about sa kanya via internet. Nahihiya naman kasi ako magtanong sa mga taong close sa kanya. Yung mga achievements niya yung nakita ko, grabe pala talaga sobrang galing niya. Wala akong nakitang so personal kaya ayun naisip ko na kahit superstar na siya, may privacy pa rin siya.

Nag story con na rin kami. Medyo napaaga yata ako ng dating eh kasi naman diba papaimpressed nga. Nung dumating na siya, nagulat ako. So ganun pala talaga siya pag wala sa stage. Napakasimple lang niya. Wala halos make-up tapos naka shirt and pants lang siya. Hindi mo masasabi na siya yung Sarah Geronimo na napapanood natin sa stage. I’m very lucky na makita ko yung other side niya. Kung saan man siya pumunta, tinitignan ko talaga siya. I swear, hindi siya nakakasawang tignan. Habang tinititigan ko siya, lalo siyang gumaganda. Yes, maganda talaga siya. Sabi niya sa akin antahimik ko daw. Haha. Natutuwa kasi ako sa pagtingin sa kanya. Kahit sandali ko pa lang siyang nakakasama I can say na masarap siyang kasama. Napansin kong lagi siyang nakangiti and it makes her more beautiful. Her eyes, may iba sa mga mata niya, though I can see na medyo matamlay yung mga mata niya. Siguro pagod lang siya or what. Kahit saang anggulo mo siya tignan, maganda talaga siya. :)

Medyo hindi ako nakapagsalita nung time na yun. Hindi ko alam kung bakit pero diba diary alam mo naman na mahiyain talaga ako. Tapos si Sarah G pa siya so ayun sobra akong nahiya sa kanya. Well, that’s the first day pa lang naman so I can prepare pa for next time. I’m looking forward na maging friends kami. Basta for now, I’m very lucky na ako yung next leading man niya. :)

I’m Sarah Geronimo’s new leading man. :)

-GA

His DiaryWhere stories live. Discover now