Ballpen (One shot)

85 8 2
                                    

"Peram ng ballpen!"

Sabi ni Dane saakin.

"2 years ka ng nanghihiram ng ballpen sakin tapos ngayon wala ka pa ding ballpen?" 

"Ah hehe." Napakamot siya sa ulo niya. "Sige na! Last na talaga 'to!"

"Nako Dane! Puro last ka ng last! Kung hindi lang kita.." mahal. "kaibigan, hindi kita papahiramin nito."

"Yes! Sabi na nga ba hindi mo ko matitiis eh. Kaya mahal na mahal kita eh!" sabi ni Dane.

Sarap pakinggan 'no? Kaso kaibigan lang turing niya sakin eh. 

Oo, tama kayo. Mahal ko si Dane higit pa sa kaibigan.

Kinuha ko na yung ballpen at iniabot ko na kay Dane.

"Oh ayan! Sauli mo sakin yan ah!" 

"Sure. Iingatan ko 'to kasi sa'yo 'to eh. Salamat Riks!" Ginulo nya yung buhok ko at naglakad na siya palayo sakin.

"Tse!" Sigaw ko sa kanya.

Lumingon naman siya at nginitian nya ako.

Napangiti nalang ako ng palihim.

Senior high na pala kami. Simula 2nd year magkaklase n'yan na kami ni Dane at dun din nagsimula ang pagkakaibigan namin dahil sa ballpen. Bago lang si Dane nun. Naging hearthrobe nga agad siya eh. Kapag kailangan lang kami nag-uusap ni Dane nun, like sa mga group projects or reports.

I-kwento ko sainyo kung paano kami naging magkaibigan.

Ballpen (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon