First Day [1]: Ako? Violation?!

11K 351 63
                                    

SEPTEMBER 1, 20xx [Friday]

 

"Alam ko Yanie! Naisip ko na din yan kahapon eh! Naghilamos pa ako. Tas halos idikit ko na ang mukha ko sa monitor! Pero pangalan pa rin nya ang nakikita kong nag send nun! Nag pm pa nga sya eh! Mhy na tawagan namin!!! >//////////////< " 

Huminga ako ng malalim bago binigkas ng dahan dahan ang bawat pantig ng pangalan ng taong tinutukoy ko. "Ace. Ty.rone. Young."

Kyaaaaaah >////////////< Harujusko! Hindi pa rin makaget over si AKO! Parang kaharap ko pa nga rin ang computer namin tas, tas... waaaahhh! Henebee. Hihi ^////////////^

Nasobrahan sa kilig eh nahampas ko si Yanie "Peace! ^___^v"

Napanglingo lang sya sakin habang tawa ng tawa! "Oo na! Alam kong todo kilig ka na dyan~!  Tsutsyal, mhy pa! Haha! Pero ang adik ata ng Prince Charming mo Yiel!" puna nya at katulad ko ay hindi pa rin naalis ang wagas na ngiti sa labi nya.

Bestpren ko pala yan. Yanie Grace Evangelista is her name. Maliban sa kanya, wala na akong ibang maturing na kaibigan ko sa ka-block ko ngayon! Eh sa introvert daw ako eh. Mahirap pakisamahan. Oh well~ Kung alam lang nila~

"Adik talaga ang term? Parang naghihithit lang ah! Haha!!!" 

 

"Tange! Hindi nuh! Grabe kasi yang BF MO!" Diniinan nya naman ang huling dalawang salita na yun na mas lalong napakilig sa akin.

Ayieeeeeeeehh ^/////////////^ Boyfriend ko na pala sya kahit sa FB pa lang!

"At bakit?" tanong ko sa kanya with matching, beautiful eyes :)

"Sobrang bilis nya kaseh! Walang ligawan tas kayo na agad? Ano to? Pee bee bee teens lang?" Sabay tawa namin ng malakas kaya may mangilan ngilang napapatingin samin. 

^_________^v Peace guys!

"Luka! Pero tama ka." pag sang ayon ko sa puna ni Yanie.

Oo nga nuh. Ang bilis naman ata. Baka isipin nun, easy to get ako. 

Pero kaseeeeeeh =3= Pag hindi ko in-accept, baka i-cancel nya! De sinayang ko yung chance ko! Andami pa namang nagka-crush sa kanya tas, ako na may chance, hindi pa kukunin yun?

Harujusko! Wag na! Kahit isipin nyang easy to get ako... basta AKIN na sya! HAHAHA!

"Baka bukas nyan eh kasalan na kayo ah! Tas... may baby na agad sa sunod~~!" panunudyo nya sakin sabay kislap ng mga mata nya na nang aasar. 

"Langya ka! Wagas din makapag-imagine teh?" sabi ko sa kanya.  

Tumayo sya bigla sabay hila sakin. "Halika ka Yiel! Gala muna tayo~! Tsaka baka makasalubong natin Prince Charming mo dba? Dual Purpose pa! Hahaha!"

YOUR CRUSH is in a relationship with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon