✝ Bite 1

11 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm ko. Kahit pikit pa, pinilit kong bumangon para patayin ang maingay kong orasan na talaga namang nagpapaiging ng tenga ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at bumungad sa akin ang asul na asul na langit. Napangiti ako sa ganda ng umaga.

Agad akong naligo at nagbihis bago tumungo sa maliit na kusina ng aking tirahan para mag-almusal. Habang kumakain, tumunog naman ang phone ko kaya napatingin ako kung saan ko yun naiwan kagabi. Uminom muna ako bago ako tumayo para tingnan kung sinong nagtext sa akin at napangiti naman ako.

From: Kuya Mike

Good morning! Good luck sa exams mo! Lucky charm mo ang text mula sa gwapong ako.

From: Ate Rika

Good morning Cy! Galingan mo sa exam mo! Huwag mong pansinin ang text ni Mike. Mamalasin ka.

Nagpasalamat muna ako sa kanila bago ako nagpatuloy sa pagkain ko. Nilinis ko ang pinagkainan ko at nung nasiguro kong maayos kong iiwan ang bahay at okay na din ako, lumabas na ako ng bahay, ni-lock ang pinto at nagsimulang maglakad papuntang school.

May pailan-ilang bumabati sa akin, na sinuklian ko din naman ng bati at ngiti. Sa tagal-tagal ko na ding nakatira dito, madami na din akong kakilala.

Malapit lang naman ang school sa tinitirhan ko kaya wala pang kinse minuto ay nakarating na din ako.

Pagkadating ko ay umupo agad ako sa aking upuan at nakinig na lang mula sa music player ko. Hindi ko maintindihan pero wala akong mga kaibigan, maliban kay ate Rika at kuya Mike. Malungkot man, pero kuntento na ako sa kanila. Noong una, medyo nasasaktan ako kapag hindi ako napapansin kapag nakikipagkaibigan ako. Pero paglipas ng panahon, hinayaan ko na lang.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin at dumating na din ang teacher namin. Nagbigay lang siya ng ilang instructions at ibinahagi na niya ang exams namin. Nagpaulit-ulit yun hanggang hapon, at sa wakas! Tapos na ang exams ko.

Niligpit ko lang ang mga gamit ko at isinuot ko na ulit ang earphones ko at pinatugtog na lang ulit ang player ko habang naglalakad palabas ng room. Sila na mga kaklase ko, nagyayayaan kung saan tatambay, kung saan kakain, kung saan magcecelebrate dahil nalampasan na nila ang final exam ngayon. Ako? Eto, pupunta sa dalawang importanteng tao sa buhay ko.

Papalabas na ako ng gate ng school namin ng may makita akong kumpulan ng mga babae malapit doon. Napataas naman ang kilay ko kasi hindi madalas mangyari yun sa school namin. Oo, may mga magaganda at mga gwapong tao na pinagkakaguluhan pero hindi kasing lala nito. Halos hindi na makadaan sa dami nilang mga babae!

Nagsumiksik na lang ako kasi gusto ko na makita sina ate Rika at kuya Mike.

"Excuse me." Sabi ko habang isinisiksik ko ang sarili ko sa kumpulan ng babae. At talagang hirap na hirap ako! Ayaw nilang magpadaan!

"Excuse me!" Medyo nilaksan ko ang boses ko at gumalaw naman yung nasa harapan ko. Magpapasalamat na sana ako dahil pinagbigyan niya ako pero laking gulat ko ng itulak niya ako dahilan para makalampas nga ako sa kanila pero natumba naman ako sa sahig. Pati bag, phone at player ko ay nahulog. Buti walang nasira!

"Buti nga yan sa'yo! Hindi kasi makapaghintay!" Sigaw nung babae kaya napatingin ako sa kanya. Umakyat ang inis sa ulo ko pero pinilit kong hindi yun palabasin at huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pinulot ko ang mga gamit ko at saka tumayo habang nakatingin pa din sa babae.

"Excuse me lang ha? Nakikiraan ako ng maayos. Kayo itong aberya sa daan." Mahinahon kong sabi sa kanya. Pero parang mas ikinagalit niya yun dahil lumalaki ang butas ng ilong niya at mas tumalim ang tingin ng mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Vampire Meets Human (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon